ENTRY #40

42 3 0
                                    

Natapos din ang bakasyon, at ngayon heto, fourth year na ako. Great! Akalain nyo, kahit na pasaway at madalas akong mag-ditch ng mga klase ko para mag-inom at lunurin ang sarili ko sa sugal e, nakarating parin ako sa year level na ito. Yes! Graduating na ako this year.

Maaga akong gumising para mahanap ko din agad ang section ko. Mahirap na, first day ko pa man din sa pagiging fourth year ko. At syempre, ibang-iba na ako ngayon. Nagbago na kaya ako. Hindi na ako yung dating George na nag-iinom, nag-susugal at lumiliban sa klase para sa mga pansariling kagustuhan. Pero kung tatanungin niyo ako kung nakapagmove-on na ba ako? Actually, hindi pa ganoon ka move forward eh. Masasabi kong masakit parin kapag nakikita ko siya, lalo't iisa lang ang lugar namin.

Kung minsan nga nakasabay ko siya sa jeep nung isang araw eh. Pero ganun talaga e, we need to pretend that everything okay. We need to move forward para sa ikabubuti natin. Para sa ikabubuti ng buhay natin. Being a broken hearted, hindi ito ang katapusan ng buhay natin. Minsan kailangan din natin mapag-isa para naman matutunan nating mahalin ang sarili natin.

Ano ba yan!!! Dagsa ang mga studyante. Luma man o bagong studyante. Ang hirap din umakyat sa stage para matignan kung ano ba ang section ko. Nakaka-inis naman! Bakit kasi sa itaas ng stage inilagay ang board eh. Parang ewan naman tong mga to.

"George!!!" Dinig kong tawag saakin mula doon sa taas ng stage. Agad naman akong napatingin doon sa stage at hinanap kung sino ang tumatawag saakin. "George!!! Onyx ang section mo!" Dinig kong sabi niya. Si Salvacion lang pala. Nakita ko naman na bumaba na siya mula sa stage at papalapit na siya saakin.

"Onyx ako? Di nga? Gago ka baka joke mo lang yan ah!" Sambit ko pa sabay mahinang suntok sa braso niya.

"Ikaw alam mo, ang bully mo pa rin e, no! dumaan na ang taon. Nagpalit na nga e, ganyan ka pa rin. Tsaka yang bunganga mo, pag narinig ka ni Ivo, nako! Nako!! Patay ka!" Sambit naman niya.

"Ba't naman ako malalagot? Tsaka gusto mo ba na magbago ako? Baka pag nagbago ako hindi na kayo lumapit saakin, mga gung-gong." Sambit ko sabay lakad.

"San ka pupunta?" Tanong niya saakin.

"Malamang, baka sa room ko. Di ba sabi mo Onyx section ko." Sambit ko sabay talikod uli at naglakad na patungo sa room kung saan ang onyx section. Di pa man din ako nakakalayo, nilingon ko siya ulit. "Salvacion! Ano nga palang section mo?" Tanong ko sakanya.

"Sardonyx ako. Classmate kami ni Ivo." Sambit niya habang tumataas baba pa ang dalawang kilay niya.

"Ganun! Sige, babush na! baka mamaya ma-late pa ako." Sambit ko. Concern na din kasi ako sa oras ng pagpasok ko. Ayoko na ng nali-late ako sa klase, as much as possible gusto ko ako ang maaga pumapasok. Ang bait ko na no! dati, gustong gusto ko yung nali-late ako, pero ngayon hindi na. hah! Nagbago na to mga tsong!

Agad akong napatingin sa pinto ng may nakasulat na 'Onyx' agad ko rin tinignan ang nakapaskil na papel. Hinanap ko ang pangalan ko kung kabilang nga ba ako sa section na iyon. Agad ko namang nakita ang pangalan ko kaya naman pumasok na ako.

"Cha?!" Di makapaniwalang sabi ko ng makita ko si Charie.

"Hala?!! George!! Classmate tayo ulit. HAAHAA!!" Masaya kaming nag-apir at nagyakapan na akala mo ang tagal at malabong maging magkaklase kami. HAAHAA!!

Naupo na kami sa upuan at nagtabi na rin kami. Siya lang kasi ang kakilala ko. Halos lahat ata ng nandidito e, hindi ko kilala. Si Charie lang talaga ang kilala ko. Ilang sandali lang ay pumasok na ang Adviser namin sa loob ng room. Nag-greet lang siya saamin, the usual at saka naupo sa desk niya. Mukhang hindi pa kami kompleto kaya hindi muna siya nag-introduce ng self niya.

Ilang sandali ay lumabas siya. nagpaalam siya na may kakausapin lang siya. pero pansin ko lang ah, ang ganda nung adviser namin. Maliit lang na babae pero maputi at mahaba ang buhok, saka maganda. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng classroom namin. Doon ko naramdaman na parang ang tanda ko na. di katulad nung third year ako na parang elementary ang decoration ng room namin, pero itong room na ito, kaonti lang ang decoration pero mararamdaman mong teenager kana. Na hindi kana bata.

Napadako ang tingin ko sa pinto ng classroom namin at napansin kong nandun si Ivo. Nakita ko na kinakausap niya yung adviser ko pero hindi ko masyadong marinig. Nakita ko rin na nagtawanan sila, yung tipong parang close na close sila. Napadako ang tingin ko sa bintana. Pero paglingon ko sa pinto e, wala na dun si Ivo. Tignan mo talaga yung gagong yun. Ni hindi man lang ako nakita o nginitian. Nakakainis!! Parang walang pinagsamahan ah!

"Good morning class! Once again." Masayang bati saamin ng bago naming adviser. " I'm miss, Mary Rose Mary Jane T. Pasyon. I am your class adviser. I am an English major, so expect that you need to improve your English language." Sambit niya. Maganda pala talaga siya. tang na! ba't ba parang natotomboy ako dito sa adviser ko, di naman ako ganito dati ah.

"Class, in this room I have a rules. All of my students I always treat them as my son and daughter. I don't want all of you guys to cause or do any troubles inside our room. Another, all of you guys is already a teenager. I know and I'll understand if you have a boyfriend/girlfriend but not inside my room. Ayoko ng may magka-relasyon dito sa loob ng classroom. Kaya sana maintindihan niyo class. Dapat all of you treat your classmates as a sister or brother. Okay class?" Sambit ni ma'am.

Napalunok naman ako sa sinabi ni ma'am at saka sumagot ng 'yes'. O! mali yang iniisip nyo ah. Wala namang kaso saakin kung bawal ang mag-jowa sa room namin. Iniisip ko lang, nag-uumpisa na kasi akong mahulog kay Ivo e. at aaminin ko yan sainyo readers.

This past few weeks, madalas kaming magka-text ni Ivo. Hindi ko alam pero nage-enjoy ako sa company niya. Tsaka masasabi ko rin na nakakatulong siya sa pagmo-moving on ko kay Rocco. Pero kapag tinatanong ko yung sarili ko kung mahal ko ba siya, o may nararamdaman akong pagmamahal kay Ivo. Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Parang naguguluhan ako.

Sandaling naputol ang pagmumuni-muni ko ng madinig kong magsalita si Ma'am. "Excuse me class," Sambit niya sabay tingin sa kasama niya. "This is Ivo, and he want to join our section. Ewan ko ba dito at bakit gusto sa section ko." Natatawang sabi ni Ma'am sabay tingin kay Ivo ng makahulugan. Naramdaman ko naman ang pag-siko saakin ni Charie at napatingin naman ako sakanya. Ang gaga! Nakangiting wagi at tumataas baba pa ang kilay niya.

Si Ivo? Classmate ko nanaman? I thought Sardonyx ang section niya at classmate sila ni Salvacion, pero bakit ngayon nandito siya at ini-introduce ng bago kong adviser, or should I say 'bago naming adviser.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon