ENTRY #12

142 6 0
                                    

NO ONE’s POV

sa paglipas ng panahon, unti-unti ng nararamdaman ni George ang noo’y kinatatakutan niyang mangyari. Ang matutong magmahal, ayaw niya itong mangyari dahil ayaw niyang maranasan ang mga naranasan ng kanyang mga kaibigan. Na nagmahal ngunit, nasaktan lang din at naiwan. Pero alam naman niyang lahat ng tao ay magkakaiba at napatunayan niya ito. Sa dalas nilang magsama ni Rocco, hindi maitatanggi na mahal na niya ang binata. Maalaga ito at kapag kailangan niya ito ay agad naman itong naroon sa tabi niya. Sanay na nga siya rito eh. Maski ang mga ginagawa niya ay alam nito, maging ang mga bisyo niya ay pinatitigil na nito.

“Dre, yosi?” Wika ni Peter at iniaabot yung isang sigarilyo kay George.

“Matagal ko ng tinigilan yan dre!” Nakangiting wika nito at binuksan ang candy na hawak niya. Bagamat alam niya sa sarili niyang yosing-yosi na siya, nanaig pa rin ang mga napag-usapan nila ni Rocco. Bagamat di pa man sila ay gusto niya itong sundin.

“HAHAH!! Loyal ka talaga dre, kaya crush kita eh.” Natatawang sabi ni Peter.

“G*g*” Wika niya at pumasok na school.

FLASHBACK

“George, pwede bang humingi sayo ng pabor?” Tanong sakanya ng Binata.

“Ano yun?” Tanong naman ni George.

“Pwede bang itigil mo na ang pag-iinom mo at ang paninigarilyo mo?” Deretsahang wika ng binata sa dalaga.

END OF FLSHBACK

Alam ni George na para din naman sakanya ang ginagawa ni Rocco. Ang ginagawang pagpapatigil nito sa bisyo niya. At naiintidihan niya ito. Sa halos tatlong buwan na panliligaw ni Rocco ay halos tatlong buwan din ang ipinagbago niya. Nariyang yayayain siya ng mga barkada niya na mag-inom sa labas o kaya’y abutan ng sigarilyo na agad naman niyang tinatanggihan.

Rocco’s Pov

Naglalakad ako ngayon papunta sa school ng mahal ko--- este ng nililigawan ko pala. HAHAH!! Since, 3months na akong nanliligaw. Naiinip na ako, gusto ko na siya tawaging Mahal. Pero ok lang, kaya ko pa naman maghintay eh. Kahit gaano pa katagal tong panliligaw na to.

“NGITI AH!!!” Rinig kong sigaw mula sa taas ng Pink building. Tumingala naman ako doon. Si Euly pala.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon