ENTRY #42

43 3 0
                                    

Ivo's Point of View

 

"Cha ano? Na-contact mo na ba?" Tanong ko kay Charie. Ilang linggo na kasing hindi pumapasok si George eh, nag-aalala na ako.

"Hindi e, mukhang patay ang phone niya." Sambit niya na ngayon ay panay parin ang dial sa number ni George kahit na hindi naman niya ito ma-contact.

Ano ba'ng nangyayari sa babaeng yun? Ayos naman yung unang months ng pasok namin, nakakayanan ko pa nga yung minsan e, hindi kami nagkaka-usap dahil magkaiba kami ng upuan. Halos araw-araw ko na nga lang siyang tinatanaw sa klase e.

Yung iba naman naming classmate, nakakahalata na dahil kung mag-usap at kung dumikit daw ako kay George, parang may something saamin. Hindi naman kami pero grabe sila mag-hinala. Mabuti pa sila obvious na sakanila yung nararamdaman ko. Samantalang si George, until now ayaw niya parin saakin. I mean, ayaw niya parin akong sagutin, pero hindi ako titigil, hindi ako susuko.

Isa din sa mga plano ko ang paglipat ng section para makasama ko sa iisang classroom si George. Hindi ko kasi kaya na malayo sakanya. Isang araw nga lang na hindi ko siya makita parang isang taon na ang lumipas. Kaya nung nalaman kong magkaiba kami ng section, agad kong inayos yun at kinausap ang adviser ko na si Sir Chan. Pumayag siya dahil kilala naman niya ang parents ko. Mabuti na lang at pumayag din yung adviser nila George, kaya ito classmate kami.

Sa totoo lang, si George lang ang niligawan ko ng ganito. Yung matagal. Yung naging magka-ibigan muna kami. Patawa ka Ivo! E, hanggang ngayon naman magkaibigan lang kayo e. alam kong mahal na din ako ni George, siguro natatakot lang siya o baka hanggang ngayon ay guilty parin siya sa nangyari sakanila ni Rocco.

"Alam mo, bakit kaya hindi nalang natin puntahan sa bahay nila." Sambit ni Charie saakin.

"Oo nga ano! Pero teka! Hindi ko alam yung bahay nila e." Nakabusangot na sabi ko.

"Ay! Oo nga pala. Teka! Baka si Salvacion alam. Classmate sila nun nung second year sila e." Sambit ni Charie. Nagliwanag naman ang mukha ko ng sambitin niya iyon.

"Tawagan mo si Salvacion, sabihin mo puntahan niya tayo sa parking lot para makaalis na tayo." Sambit ko sabay kuha ng gamit ko sa loob ng classroom. Napatingin naman saakin yung mga classmate ko ng mapansin nilang bit-bit ko ang bag ni Charie. Hindi ko nalang sila pinansin, ayokong mag-celebrate ng valentines na hindi ko nakakasama si George no!

"Awch! Hindi ko na kaya!! Ang sakit na sobra!!!" Sigaw ni George sa loob ng kwarto niya. Kahit na may electric fan ay basang-basa siya sa sariling pawis. Dalawang linggo na siyang namimilipit sa sakit ng kanyang sikmura. Hindi niya alam kung bakit niya ito nararamdaman.

Sinubukan niyang tumayo upang abutin ang tubig na nasa mesa di kalayuan sa kama niya. Wala ang kanyang lola, umalis ito dahil pupunta ito sa kanilang skwelahan para ibigay ang excuse letter niya. Kasagsagan ng periodical exams nila kaya naman pinagawa niya ng excuse letter ang lola niya para makakuha pa siya ng exam kapag gumaling siya.

"D'yos ko! Ayoko na Lord! Kunin mo na ko!!" Nahihirapan at umiiyak na sabi niya habang hawak ang sikmura. Namimilipit na siya sa sakit.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon