ENTRY #24

68 4 0
                                    

Bitbit ang backpack ko, naglalakad ako patungo sa gym. Doon kasi naka-post ang mga list ng section. Tapos na ang bakasyon, tapos na ang pagiging second year high school ko. At ngayon, isa na akong junior high. Walang nagbago. Pero maraming nangyari.

Napakamot ako sa ulo ko ng makita ko ang madaming studyante na nagkukumpulan sa stage. Sa dami nila, malamang hindi ako makakasingit. Lalapit na sana ako sa stage, pero nagtatalo ang utak ko. Sinasabing wag na akong tumuloy at mamaya nalang. At ang kabila naman ay, sinasabing pumunta na ako at makipag-gitgitan dahil anong oras na dahil nakakahiya naman sa advicer ko kung late akong darating sa klase niya. “George!!!!!” Dinig kong sigaw saakin at napansin kong kumakaway siya. si Carpio.

Lumakad ako para malapitan ko siya. “Kumusta?” Nakangiting tanong ko matapos naming mag-apir. Na-miss ko ang tropa, lalo na itong si Carpio. Siya lang naman ang nakakaintindi sa mga kalokohan ko e. “Ayo slang. Gwapo parin.” Napapahimas sa baba niyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Sandal siyang napa-iling. “Ano section mo?” Tanong niya saakin. “Hindi ko pa nga alam e.” Tugon ko sabay sulyap sa stage. Walang pagbabago. Marami parin ang tao.

“George!!!!!” Rinig ko nanamang sigaw. Sabay kaming napalingon ni Carpio. Si Peter.

Nang malapit na si Peter saamin, patalon niyang binangga si Carpio at ganun din ako. “Loko!! Anong section mo?” Tanong ni Carpi okay Peter. “Ewan, di ko pa alam e. pero yung section ni George alam ko.” Nakangising sabi ni Peter. “Ano?! Anong section ko pre?” Tanong ko sakanya.

Sandali siyang napahawak sa baba niya na animo’y nag-iisip. “S…Silang? Silang ata? Oo tama! Silang nga!” Pagsissigurado niya. “Sigurado ka?!”Tanong ko ng nakataas ang kilay ko. “Magsisinungaling ba ako sayo?!” Nakangiting sabi niya.

Huminga ako ng malalim. “Silang?” Sambit ko sabay tingin kay Peter. Tumango naman ito. “Silang! Ok!” Sambit ko saka tinapik silang dalawa sa balikat at tuluyan ng umalis.

--

Nang makarating ako sa classroom, sumilip muna ako sa loob. Wala pa ang advicer. Yes!. Pumasok ako ng nakayuko. Naupo ako sa unahan, yun lang naman kasi ang medyo may bakante. Ayoko namang umupo sa likod dahil yung mga pagmumukha ng mga classmate kong lalaki. Im sure, di mapagkakatiwalaan.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom. Makikita mo ang iba’t-ibang geometric figure na nakalagay sa ibabaw ng black board. OMG! Don’t tell me, math teacher ang advicer ko?!! Sandali akong napalunok ng laway. Parang, gusto ko atang lumipat ng section ah. Tinignan ko ang katabi ko. Hindi siya pamilyar saakin. Nahihiya man ako pero, “Miss, math teacher ba yung advicer natin?” Diko na napigilang itanong sa babaeng katabi ko. “Ah! Oo, siya ang head ng math department.” Sambit niya.

Nanlulumo ako sa narinig ko. Parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa mga oras na ito. Math teacher? At hindi lang yun, HEAD?!! Head pa siya ng math department? Tapos na! tapos na ang maliligayang araw ko.

Ilang sandali lang ay may pumasok ng teacher sa loob ng room namin. Ito na ata ang advicer namin. Matapos niyang mailapag ang mga gamit niya sa table niya, sandali niyang inayos ang nagusot niyang uniform. Lahat ng classmate ko ay nasa kanya lang ang atensyon, at maging ako.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon