ENTRY #33

67 3 0
                                    

Masaya siyang naglalakad papalabas ng kanilang skwelahan. Tinawagan siya ni Rocco na, lumabas para sabay silang mag-lunch. Laking tuwa naman ang naramdaman niya dahil buong akala niya ay kinalimutan na siya ng kanyang nobyo.

“Mahal, kanina ka pa ba?” Tanong niya sa lalaki ng makita niya itong nakaupo sa gilid ng tindahan malapit sa skwelahan nila.

Agad siyang sinalubong ng binata ng tawagin niya ito. “Hindi, kadarating ko lang din. Tara?” Yaya ng lalaki sakanya. Nakangiting tumango naman siya saka sila tumawid sa kabilang kalsada.

Malapit lang naman ang kainan sa skwelahan nila kaya pwede silang magtagal kung gusto nila dahil wala namang klase sina George pero may mga activities na pinapagawa sakanila.

“Anong gusto mo Mahal?” Tanong ni Rocco sa kasintahan.

“Valenciana nalang.” Ika niya. Nasa isang kubo sila, sikat ito at maraming kumakain. Kilala na sila sa naturang kainan kaya naman agad silang inuna ng mga namamahala roon.

Kwentuhan at tawanan lang ang nangyari. Kung minsan ay nagsusubuan sila ng pagkain, at kung minsan ay nagbibiruan. “Kumusta nga pala yung training mo, mahal?” Tanong ni Rocco.

“Ok naman, nakakapagod. Pero, sanayan lang.” Nakangiting ika ni George sa kaharap.

“E, yung kaklase mong asungot? Nagpapa-pansin pa ba sayo?” Tanong ng lalaki. Kumunot naman ang noon niya at inisip kung sino ang tinutukoy ng kaharap.

Natatawa na lamang siya ng maalala kung sino ang tinutukoy nito. “Bakit? Bakit ka natatawa, may nakakatawa ba sa tanong ko?” Tanong ng lalaki na ngayo’y seryoso na ang mukha.

“HAHA! Ang adik mo mahal. Hanggang ngayon issue parin siya sayo? Tigilan mo na nga ang pag-iisip sa taong yun, hindi ko magugustuhan yun no! ikaw lang ang mahal ko.” Nakangiting sabi niya sa kaharap.

“Ok, sabi mo eh. May tiwala naman ako sayo.” Tugon ng lalaki.

“Mahal ..” Mahinang tawag niya sa nobyo. Hindi niya alam kung dapat ba niyang komprontahin ang nobyo o hahayaan na lamang niyang magpatuloy ito. “May tanong ako.” Sambit niya.

“Ano yun?” Tanong ng lalaki habang kumakain.

Nang maka-isip na siya kung itatanong ba niya o hindi, agad siyang nagsalita. “Sino si Veronica?” Agad na napaubo sang lalaki. Dali-dali namang nag-abot ng tubig si George sa nobyo para matigil ito sa pag-ubo.

Tumayo siya at tinungo ang inuupuan ni Rocco, marahan niyang hinimas ang likod nito. “Ano ba yan. Uminom ka pa ng tubig mahal.” Ika ni George na halatang nag-aalala sa nobyo.

“V—Veronica?” Utal na sabi nito ng maka-recover sa pagkaka-samid nito kanina.

“Umm.. oo, sino ba siya?” Tanong ni George.

“Ah! Oo, I remember. Veronica is my classmate. Why?” Tanong ng lalaki.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon