ENTRY #39

78 4 0
                                    

January 5, unang araw ng klase sa unang araw ng taon.

“Uy, pansin ko mas naging close kayo ni Ivo ha!” Pansin saakin ni Aira ng madatnan ko siya dito sa quarters. “Bagong taon, bagong love life.” Pang-aasar pa niya.

“Sira! Magkaibigan lang kami ni Ivo no!” Sambit ko saka lumabas na ng quarters. Papasok na ako, ayoko namang mahuli sa unang araw ng klase ngayong bagong taon na no. new year’s  resolution ko kaya na hindi na ako mali-late sa klase at hindi na rin ako magcu-cut ng klase.

Lumakad na ako patungong classroom namin. Nakita kong sarado ito kaya naman binuksan ko. “HAPPY BIRTHDAY GEORGE MARIE!!!” Bati  saakin ng buong klase. Wala akong ibang naging reaction kundi ang mapatakip sa bibig ko sa sobrang gulat at tuwa.

“A—Ano? To?” Takhang tanong ko. “Ang adik niyo!” Sambit ko na mangiyak-ngiyak na.

“Kahit tapos na ang birthday mo, babatiin ka parin namin.” Wika ni Salvacion.

“HAHA! Salamat.” Sambit ko at saka kami nag-group hug.

Noong January 2 ang birthday ko. Hindi nga nila ako binati lahat eh. Pati na rin si Ivo, hindi rin ako binati. Hindi man lang nila ako pinuntahan sa bahay. Yung pag-uwi namin galing Baguio ang huli naming pagkikita.

“HAHA! Akala mo nakalimutan na namin ano?!” Sambit ni Charie.

“Oo, mga abno kasi kayo e, di niyo man lang ako binati sa mismong birthday ko.” Sambit ko sa tonong nagtatampo.

“Eh kasi nga surprise nga ito.” Sambit ni Salvacion.

“Ewan! Pero salamat ha! Sobrang na-surprise talaga ako. Thank you.” Sambit ko saka nagtungo sa upuan ko.

Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin. Wala namang ipinagawa saamin kundi ang isulat daw namin ang new year’s resolution namin this year. Bakit kaya wala pa si Ivo? Dapat nandito na iyon eh.

‘Asan na ba yun?’  luminga-linga ako para naman makita ko kung nasaan siya. sakto namang natapat ang tingin ko sa pinto nakita ko siyang nandoon at nakangiti saakin.

Ang baliw lang ng ngiti niya. Parang nang-aakit na ewan. HAHA. “ Saan ka galing? Bakit late kana?” Tanong ko sakanya ng makalapit siya saakin.

“Wala, may pinuntahan lang ako.” Sambit niya sabay kuha ng papel sa bag ko at nag-sulat na din. Ayos ah! Ganito na ba talaga kami ka-close? To the point na kusa na siyang kumukuha ng papel sa bag ko at hinahayaan ko lang siya? iba  talaga ang dating mo Ivo.

--

Palabas na kami ng school ng makita kong may pamilyar na babae sa harap ko. “Siya ba?” Tanong nung babaeng katabi niya. Tatlo sila at napapa-gitnaan siya.

“Kilala mo ba yan George?” Tanong saakin ni Gonzalo.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon