Napasigaw si Rod ng makitang parte pala ng katawan ng tao ang nahawakan niya. Wala sa sariling naipahid niya sa kaniyang damit ang kamay na may dugo. Marahang napaatras at tumayo ang binata para ipaalam sa mga kinauukulan ang kaniyang nakita.
Agad na kumalat ang patungkol sa lasug-lasog na katawan ng tao na nakita ni Rod. Nagkumpulan ang mga tao sa kung saan nakita ang biktima.
"Kawawa naman. Napaka brutal naman ng ginawa sa kaniya," sabi ng isang babaeng nakikiusyoso.
"Grabe, parang hindi tao ang gumawa nito ah, parang nilapa ng hayop eh," wika ng isa mga awtoridad na nagsisiyat sa bangkay at sa lugar kung saan ito natagpuan, habang katabi ang kasamahan nito na napapailing na lang sa karumaldumal na itsura ng bangkay.
Tinanong ng mga awtoridad si Rod kung nakita rin ba niya kung sino ang may gawa pero napapailing na lang siya at sinabing hindi. Nilapitan siya ng kanilang punong Barangay. Tiningnan niya si Rod mula ulo hanggang paa. Sinusuri ang binata na tila ba may pagdududa sa ikinikilos nito.
"Mayroon kang inililihim Binata. Kung may tamang konsensya ka pa para sa mga kababayan mo, pinaka-maigi minsan na huwag pagtakpan ang hindi dapat," makahulugan sabi nito at tinapik ang balikat ni Rod saka ito umalis. Matapos noon ay tila wala sa sarili na umuwi nang bahay si Rod. Nabalitaan din ni Joel ang nangyari kaya't nag-aalalang sinalubong nito ang kapatid.
"kuya, ayos ka lang ba? Sino raw yong natagpuang bangkay? Ikaw daw nakakita roon, nakita mo rin ba kung sino ang huling naroon o gumawa no'n?" sunod-sunod na tanong ni Joel sa kapatid na wala pa rin sa sarili. Susundan pa sana niya ito ng tanong ng biglang kuwelyuhan siya nito.
"T-Teka, ano bang problema ha kuya?" wika ni Joel at hinawakan ang magkabilang kamay ng kapatid na noo'y nakahawa sa kuwelyo ng kaniyang damit at masidhing nakatingin sa kaniya na hindi niya maintindihan kung bakit.
"Si Cassandra ang nakita kong naroon. Joel, halimaw talaga 'yang kasintahan mo! Kailangan niyang managot sa ginawa niya tulungan mo akong mapasuko siya!" Parang nabato sa kaniyang kinatatayuan si Joel, hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kaniyang kapatid. Pero, alam niyang hindi ito maaaring magsinungaling. Pareho nilang alam ang patungkol kay Cassandra kaya't kahit tumutol man siya o ipagtanggol ito ay hindi niya alam kung paano, lalo pa't nakita mismo ni Rod si Cassandra sa lugar ng pinangyarihan.
Isinalaysay ni Rod sa kapatid ang nakita niya. Doon na sinabihan ni Rod si Joel patungkol sa kaniyang plano. Ang paghahatol kay Cassandra. Kinabukasan ay pinuntahan ni Joel si Cassandra sa klinika matapos ang trabaho nito. Mas minabuti niyang nasa bahay na lang ng dalaga sila mag-usap ng masinsinan pagkatapos.
"Mahal, alam kong sinabi na sa iyo ng kapatid mo ang nakita niya, pero wala akong ginawa. Nagtaka na lang ako na naroon na ako sa lugar na yon..." natatarantang paliwanagan ni Cassandra sa kasintahan. Inilapat ni Joel ang daliri sa labi nito kaya't napatigil ito sa pagsasalita.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa'kin, itatakas kita rito. Magpakalayo-layo tayo," nagliwanag ang mukha ng dalaga sa mga sinabi ni Joel, hindi niya inaasahan na sa kabila ng lahat ay paniniwalaan pa rin siya nito. Masuyong hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at marahang hinalikan ito. Pa isa-isang dampi hanggang sa kalauna'y naging malalim at sumisiil ang bawat halik.
Sinubukan niyang tanggalin ang butones ng blusang suot ng dalaga, at wala namang pagtutol ito hanggang sa tuluyan ng maalis ni Joel ang kaniyang kasuotan, inalis na rin ng binata ang kaniyang pang-itaas na damit.
"Sandali, parang hindi nararapat ang lugar na ito para sa'tin, maari bang sa silid mo na lang?" wika ni Joel na bahagyang nagpangiti sa kasintahan. Mula sa sala ay dinala niya ang dalaga sa silid nito at doon ay mas naging masuyo at mapang-engganyo ang bawat tagpo. Naging mas mainit ang bawat halik, naging musika ang nakakabinging katahimikan sa kanilang mainit na tagpo. Sa unang pagkakataon, ipinagkaloob at ipinagkatiwala ni Cassandra ang kaniyang sarili. Ito rin ang unang beses na nagmahal siya, kahit na masakit ang unang karanasan ay naging isang magandang ala-ala naman ito para sa kanilang dalawa. Unang karanasan nila ang bawat isa, at unang pag-ibig din kaya't pareho nilang hindi makakalimutan ang gabing iyon.

BINABASA MO ANG
ANG SUMPA KAY LUNA
HorrorMIDNIGHT SCREAM COLLABORATION|| Soon to be publish under PaperINK Publishing House BLURB Paano kung sa bawat pagsapit ng hatinggabi ay hindi na ikaw ang may kontrol ng 'yong sarili? Sa ibang katauhan ay kapahamakan ng mga tao sa paligid mo. At ito r...