Pigil ang mga luha ni Joel habang pinagmamasdan na unti-unti ng nagiging abo ang babaeng mahal niya, ang babaeng pinangako niyang po-protektahan at aalagaan subalit binigo niya, tinalikuran at ipinagkanulo.
Unti-unting nagsisialisan ang mga tao hanggang sa sila na lang ng kaniyang kapatid ang maiwan sa lugar.
"Halika na Joel, umuwi na tayo," paanyaya ni Rod sa kaniya.
"Mauna ka na kuya, rito na muna ako," walang ka emo-emosyong tugon ni Joel sa kaniyang kapatid habang nakatingin sa kung saan sinunog si Cassandra. Walang kahit na sino ang pumagitna man lang para sana magbigay ng pantay na paghahatol. Ganiyan isumpa ng kanilang bayan ang buong angkan ni Cassandra, na kahit sa kahuli-hulihang binhi ng kanilang lahi ay 'di mabigtas.
Nakayukong iniwan ni Rod ang kapatid, alam niyang hindi madali ang pinagdaanan nito. Pero, pareho silang nasa punto na walang pagpipilian kun'di ang parehong magsakripisyo para sa kaligtasan ng nakararami. Mahal niya rin si Cassandra, subalit walang puwang ang pag-ibig para sa kaniya kung ang hatid lamang nito'y kapahamakan.
Sinusuntok ni Joel ang kaniyang dibdib habang umiiyak at minumura ang sarili.
"Wala kang kuwenta! Duwag ka! Gago! Patawad Cassandra, hindi kita naprotektahan... Naging inutil ako," umiiyak na turan ni Joel, at napaluhod sa lupa. Magsisi man siya ay huli na, wala na si Cassandra.
Mabilis na lumipas ang panahon, muling nagkaroon ng kasintahan si Joel para makalimot. Subalit, tila walang papantay sa pagmamahal na minsang naramdaman niya para kay Cassandra. Nakilala ni Joel si Amelia, naging asawa niya ito subalit sa kasamaang palad ay pumanaw nang isilang nito ang anak nila na si William.
Parang napagtanto niyang bumabalik sa kaniya ang nagawang kasalanan niya noon. Dahil dito ay hindi na muling nag-asawa pa si Joel. Pero, tila ang karma ay nahuhumaling sa kaniya. Napalaki ng maayos kahit na mag-isa ni Joel ang anak na si William, hindi man niya natapos ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa maraming dahilan ay gaya ng kaniyang kuya na si Rod ay inaral din niya ang matuto sa lahat. Kailangan niyang magsumikap at magpatuloy, lalo na at may anak ng umaasa sa kaniya. Palaging bumabalik sa isipan ni Joel, maging minsan sa kaniyang panaginip ang nangyari kay Cassandra. Hindi niya makalimutan ang mga huling salita nito. Ang pagsumpa sa kaniya. Hindi niya binigyang diin ang mga binitawang salita ni Cassandra. Inisip lang kasi niya na dala lang yon ng matinding galit at dismaya, hanggang sa...
***
Makulimlim na noon ang kalangitan. Inaasahan ni Joel ang pagdating ng kaniyang anak na si William kasama ang asawa nito na si Rose. Madalang na lang makita ni Joel ang anak gawa ng lagi itong abala sa trabaho at sa siyudad na rin ito nakatira mula ng mag-asawa. Ulilang lubos din ang napangasawa ni William kaya naisipan nito na sa kaniyang ama ay tiyuhin na muna ihabilin sana ang asawa habang buntis ito at hindi pa kayang bumalik sa trabaho.
Niluluto noon ni Joel ang paboritong pagkain ng anak, ang tinolang manok ng bigla na lamang nitong nabitiwan ang hawak na sandok at saka bumuhos ang malakas na ulan na kanina ay ambon pa lang.
"Naku, naabutan na ng malakas na ulan sina William. Sana ay nakalagpas na sila doon sa may bangin, naglaglagan pa naman ang lupa roon kapag ganitong umuulan," wika ni Rod sa kapatid na noo'y may inaayos.
Napatingin sa labas ng bahay si Joel mula sa maliit na siwang ng dingding sa kanilang kusina. Biglang nakaramdam siya ng kaba, ilang sandali pa nga ay may sumisigaw na sa labas ng kanilang bahay. Ang kanilang kapitbahay.
"Joel! Ang sasakyan ng anak mong si William naaksidente sa may bangin." Agad na tumakbo kahit malakas ang buhos ng ulan si Joel para puntahan ang kaniyang anak at manugang. Sinundan naman siya ng kapatid niyang si Rod na noo'y nag-aalala rin. Nang makarating sa lugar ay nakita na lamang ni Joel na halos mayupi na ang harapan ng sasakyan ng anak ng mahulugan ito ng malaking bato. Mabilis na nilapitan ni Joel ang sasakyan ng kaniyang anak at nakita niyang wala ng malay ito subalit ang asawa nitong si Rose ay mayroon pa subalit parang nanghihina na ito. May naririnig din siyang iyak ng sanggol sa loob ng sasakyan at doon ay nakita niyang may hawak na sanggol ang kaniyang manugang, napa-anak ito ng wala sa oras. Dahil hindi niya magawang buksan ang pinto ay humanap si Joel ng bato para basagin ang bintana kung saan naka-upo ang kaniyang manugang. Ng makakita ay malakas niya itong hinampas. Si Rose naman noon na kahit nanghihina na ay pilit na tinatakpan ng kaniyang katawan ang kaniyang bagong silang na sanggol.
BINABASA MO ANG
ANG SUMPA KAY LUNA
TerrorMIDNIGHT SCREAM COLLABORATION|| Soon to be publish under PaperINK Publishing House BLURB Paano kung sa bawat pagsapit ng hatinggabi ay hindi na ikaw ang may kontrol ng 'yong sarili? Sa ibang katauhan ay kapahamakan ng mga tao sa paligid mo. At ito r...