Nang makarating ng bahay ay hindi pa rin makapaniwala si Cassandra sa nagawa kailan lang.
“Ano ‘yon? Bakit parang may kakaiba sa akin?” nagtatakang wika ni Cassandra nang inalala ang nangyari.
“Sino ba ang lalaking iyon? Bakit niya sinasabing tatay ko siya? Gayo'ng sabi ni inay ay matagal ng patay ang aking ama.”
Gayunpaman, muling namayani ang pangungulila at kalungkutan sa buong bahay. Nag-iisa na lang siya. Nilibot niya ang paningin sa bawat sulok ng kanilang tahanan at sa bawat parte noon ay nakikita niya ang ilan sa mga ala-ala nilang mag-ina. Hindi na namalayan ni Cassandra ang paglandas ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang buhay ngayon ng nag-iisa. Sinubukan ni Cassandra na gawin ang nakasanayang buhay nilang mag-ina, ang umasa sa mga pananim para mabuhay.
Magtatakip-silim na noon, pauwi na si Cassandra mula sa pagbebenta ng mga gulay na kinuha niya mula sa pananim ng kaniyang ina. Nasanay na siyang umuwi ng mga ganoong oras. Habang naglalakad ay biglang naalala niya ang mga panahong kasama pa niya ang kaniyang ina. Masaya at kontento na sila sa buhay na mayroon sila sa kabila ng mga sinasabi at tingin ng mga tao. Habang nasa pag-iisip ay biglang nakarinig si Cassandra ng ingay. Tunog ng sanga ng puno na naapakan, subalit hindi paman nakakalingon ang dalaga ay dinambahan na siya ng isang nakakatakot na nilalang. Nabigla siya sa pangyayari ng biglang nasa harapan niya na lamang ito. Gumapang ang takot at kilabot sa kaniyang buong katawan dahil sa nilalang na nasa kaniyang harapan. Parang tao na nag-anyong halimaw. Payat at mahaba ang mga biyas at braso nito, namumutla rin na parang tila naagnas na bangkay ang buong katawan nito. Kumikinang din ang pulang mga mata nito habang ang bibig ay literal na abot hanggang tainga. Kitang-kita rin ang matatalim nitong mga ngipin at ang mahabang dilang nakalawit. Umangil ito at nag-akmang sasakmalin na ang nakatulalang dalaga na hindi makagalaw o makasigaw man lang dahil sa pagkasindak.
Isang matalim na bagay ang bigla na lamang pumutol sa ulo ng nilalang na dahilan para matumba ito hanggang sa unti-unting maging alikabok at tulayang maglaho. Napatingin si Cassandra sa kaniyang gawing kanan at doon ay nakita niya ang isang lalaking naglalakad papalapit sa kaniyang direksyon.
“Ayos ka lang ba hija? Hindi ka dapat naglalakad ng mag-isa. Muntik kanang mapahamak. Muntik na nilang makuha ang kung ano mang pakay nila sa 'yo,” wika ng lalaki at inaabot kay Cassandra ang isang kamay para tulungang tumayo.
“Anong uri ng nilalang ‘yon? At ano po ibig ninyong sabihin?” tanong naman ni Cassandra rito.
“Tinataglay mo ang bagay na nanaisin ng kahit na sinong sakim sa kapangyarihan hija.” Hindi maintindihan ni Cassandra ang ibig puntuhin ng lalaking kausap niya, at isa pa hindi niya rin ito kilala. Sa mura niyang isipan sa edad na labing tatlong taon ay hirap si Cassandra na unawain ang sinasabi ng taong kausap niya. Nalaman ng lalaki ang sitwasyon ni Cassandra at nag alok ito ng tulong kapalit ng pagtatrabaho niya sa maliit na klinika nito. Nagpakilala ito bilang si Doktor Fidel.
***
Mabilis na lumipas ang pitong taon, dalagang dalaga na si Cassandra. Binuhay at pinaaral niya ang sarili ng mag-isa sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa klinika ni Doktor Fedil.
“Oh, Cassandra kumusta ka naman?” wika ni Doktor Fedil habang nililinisan ni Cassandra ang sugat ng isang pasiyente.
“Ayos lang naman po Dok, sa susunod na buwan ay puwede na ako magpunta sa unibersidad na papasukan ko,” tugon ng dalaga saka ngumiti sa kausap. Naging madali ang buhay para kay Cassandra dahil sa Doktor. Subalit, ilang taon na silang magkasama sa klinika ay hindi pa rin alam ni Cassandra ang buong pagkatao ng Doktor. Maging ang lugar kung saan ito nakatira ay hindi rin alam ni Cassandra. Sa kanilang bahay pa rin siya umuuwi, ayaw iwan ni Cassandra ang kanilang tahanan. Ito na lang kasi ang naiwang ala-ala ng kaniyang ina sa kaniya kaya't pinili niya pa ring manirahan doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/316467020-288-k880836.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG SUMPA KAY LUNA
HorrorMIDNIGHT SCREAM COLLABORATION|| Soon to be publish under PaperINK Publishing House BLURB Paano kung sa bawat pagsapit ng hatinggabi ay hindi na ikaw ang may kontrol ng 'yong sarili? Sa ibang katauhan ay kapahamakan ng mga tao sa paligid mo. At ito r...