Nangingilid ang mga luha ni Cassandra habang kinakaladkad siya ng mga taong bayan papuntang liwasan. Nagmamakaawa ito na pakawalan siya subalit, walang katiting na awa ang itinugon ng mga ito sa kaniya.
“Ano ba! Pakawalan ninyo ako! Wala akong alam sa mga ibinibintang ninyo sa'kin. Wala akong ginagawa!” Umiiyak na turan ng dalaga habang hawak-hawak siya ng mga ito sa magkabilang braso. Ng mga sandaling 'yon ay nakatayo lamang sa ‘di kalayuan si Joel. Malungkot ang itsura nito habang nakatingin kay Cassandra na hinihila ng mga taong bayan.
“Joel! Tulungan mo ako!” Nakikiusap na turan ni Cassandra habang napapaligiran ito ng mga taong bayan na may dala-dalang mga sulo. Si Cassandra ang sinisisi ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa mga sunod-sunod na misteryosong sakit na kumakalat, pati na ang ilang pagkamatay ng mga alagang hayop gayundin ang pagkawala ng ilang mga bata at ilang mga mamamayan sa kanilang baryo. Mula kasi sa angkan ng mga mambabarang at mangkukulam ang pamilya ni Cassandra. Subalit, ang itim na karunungang iyon ay tinalikuran na ng ina ni Cassandra. Tinuruan man ng lahat ng kaalaman si Cassandra ng kaniyang ina pero hindi siya tinuruan nito na gamitin ang lahat ng karunungang alam niya sa masama. Ayaw niyang maranasan ni Cassandra ang malupit na sinapit ng kanilang mga ninuno, pero kahit na anong iwas, ang tinalikurang imahe ay siya rin pa lang maglalagay sa kaniya sa kaparehong kasaysayan.
Naghe-hesterikal na ang dalaga nang igapos na siya ng mga taong bayan sa isang nakatayong poste na napaliligiran ng mga tuyong kahoy habang ang mga nakapaligid sa kaniya ay may tangang mga sulo.
“Joel, akala ko ba mahal mo ako! Bakit mo nagawa sa'kin ito? Wala akong ginagawang masama.” Lumuluhang turan ni Cassandra. Ng makita na niyang unti-unti ng sinisilaban ng mga tao ang mga kahoy na nakapalibot sa kaniya habang sinisigaw ng mga ito ang salitang SALOT ay nabalot ng galit at puot ang puso ni Cassandra para kay Joel. Hindi siya makapaniwala na ang taong unang pinagkatiwalaan at minahal niya ay siya ring dahilan ng magiging kamatayan niya.
"Isinusumpa ko Joel! Mararanasan din ng unang babaeng anak mo ay pinaranas ninyo sa'kin ngayon!" galit na wika ni Cassandra, bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya at kabiguan. Tanging paghiyaw at pagluha na lamang din ang nagawa niya habang tuluyan na siyang nilalamon ng apoy.
BINABASA MO ANG
ANG SUMPA KAY LUNA
TerrorMIDNIGHT SCREAM COLLABORATION|| Soon to be publish under PaperINK Publishing House BLURB Paano kung sa bawat pagsapit ng hatinggabi ay hindi na ikaw ang may kontrol ng 'yong sarili? Sa ibang katauhan ay kapahamakan ng mga tao sa paligid mo. At ito r...