CHAPTER -5

107 11 0
                                    

Nang makarating ng bahay ay kaagad na binungad ni Joel ang kapatid.

"Kuya, bakit ang tagal mo? Gabi na oh, nagugutom na ako. Nag-aala rin ako sa'yo. Teka? Ano 'yang nasa braso mo? Parang kagaya kay tatay 'yan ah. Kuya alam mo naman ang bilin sa atin ni itay 'di ba?" wika ni Joel sa kapatid.

"Sige na, kumain ka na at pagod ako. Maaga ka pa bukas sa unibersidad diyan sa bayan na papasukan mo." Agad na pumasok na si Rod sa kaniyang silid, habang si Joel naman ay hindi natuwa sa mga nakitang naka marka sa katawan ng kaniyang kapatid. Pareho nilang alam na hindi gugustuhin ng kanilang yumaong ama na balikan ang bagay na tinapos na ng kanilang ama sa kanilang pamilya.

Kinabukasan, maagang nagtungo sa bayan si Joel. Isa siya sa pinalad na maging iskolar sa Lecio De Unibersidad, isa sa pristiheyosong unibersidad sa kanilang bayan. Kinakabahan na may halong pananabik ang nararamdaman ni Joel ng mga oras na 'yon. Pagpasok niya ay agad niyang napansin ang isang babae na naglalakad palabas ng unibersidad na pinagtitinginan at pinag-uusapan ng mga estudyante.

"Nakatatakot naman mag-aral dito kung may demonyong nag-aaral din pala rito, "sabi ng isang babae.

"Kailangan pa pala mag-aral? Eh 'di ba, marami kang alam kapag lahi kayo ng mga halimaw at demonyo? Kahit anong bihis, ang halimaw ay halimaw pa rin!" sabi naman ng isang lalaki na tumawa pa at gayo'n din ang lahat ng mga mag-aaral na nasa paligid. Naging pamilyar kay Joel ang babae, at ito ay si Cassandra. Tumakbo palabas ng paaralan ang dalaga na umiiyak habang pinagtatawanan ng lahat. Nabangga pa nito si Joel. Sinundan naman ito Joel kung saan ito papunta, at nakita niya itong nagkukubli sa likod ng isang malaking puno na may kinakalawang na upuan.

Marahan niya itong nilapitan, at iniabot ang isang panyo mula sa kaniyang bulsa.

"Hayaan mo na lang sila, mga wala lang magawa ang mga 'yon," sabi nito habang iniaabot ang panyo sa dalaga.

"Pagtatawanan mo rin ba ako?Gawin mo na, pagkatapos ay umalis kana!" galit na wika nito habang pinapahid ang mga luha sa kaniyang pisngi.

"Sino ba ako para manghusga? Hindi ako pinalaki ng ganoon. Ako nga pala si Joel, kung wala ka pang kaibigan dito, maaari mo akong maging kaibigan." Nginitian ni Joel ang dalaga saka umupo sa tabi nito. Kinuha niya ang isang supot ng suman na gawa sa kamoteng kahoy na lagi niyang binibili sa labas ng simbahan tuwing madadaan siya.

"Gusto mo ba?" sabi ni Joel sabay abot ng suman kay Cassandra.

"Ito kasi ang laging binibili ng tatay ko sa'min ng kapatid ko matapos magsimba," dugtong naman ni Joel sabay subo sa suman na binalatan na niya.

"Pero ngayon, wala na siya kaya ako na ang bumibili para sa sarili ko," sabi pa nito na mapait na ngumiti at yumuko.

Nakaramdam ng pagkahabag si Cassandra sa binata, nararamdaman din niya ang nararamdaman nito gawa ng ulila na rin siya at hanggang sa kasalukuyan ay nangungulila pa rin sa kaniyang ina.

Dahil sa parehong damdamin ay nagkapalagayan sila ng loob. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng kaibigan si Cassandra. Maliban kasi kay Doktor Fedil na tumulong sa kaniya ay wala ng ibang taong naging malapit sa kaniya maliban kay Joel.

****

Isang araw sa klinika ni Doktor Fedil, nagkaroon ng kaunting pag-aayos ng ilang mga lumang parte. May kalumaan na kasi ang klinika na minana pa ng Doktor 'di umano sa kaniyang mga magulang. Ayaw naman niyang ipabago ito dahil nais niyang manatili ang mga ala-ala ng kaniyang mga magulang sa klinikang iyon.

"Ah, Cassandra hija, may karpintero na darating ngayon na mag-aayos ng ilang sira rito. Ikaw na muna ang bahala ha at may aasikasuhin lang ako sandali," bilin nito tsaka ngumiti at tinapik pa ang balikat ng dalaga bago umalis.

ANG SUMPA KAY LUNA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon