CHAPTER-16

72 3 0
                                    

“Luna, pupunta ka ba mamaya sa programa sa paaralan natin? Sabay na tayo? Ang daming magaganap niyan mamayang gabi, may sayawan at kung anu-ano pa, at magkakaroon pa kayo ng oras ni Paul na mag-usap,” wika ng kaibigan ni Luna na si Anna. Nasa parke sila ng mga sandaling iyon.

“Sa katunayan ay kasintahan ko na si Paul Anna,” wika ni Luna sa kaibigan.

“Sabi ko na eh, halata naman kasi sa mga kilos niyo. Halos makalimutan mo na nga ako dahil sa kaniya,” nagtatampong turan ni Anna.

“Uy, pasensya na. Hangga't maaari kasi ay lihim na muna ang relasyon namin dahil alam kong magagalit ang lolo Joel ko kapag nalaman niya.”

Nasabi na rin ni Luna sa kaibigan na alam na ng lolo na Rod ang lahat, subalit wala itong naging pagtutol.

Kaya't naisipan ni Anna na baka payagan o ‘di kaya ay matulungan siya ng kaniyang lolo Rod para makapunta sa gaganaping okasyon sa kanilang paaralan.

“Ngayon lang naman yan Luna, baka nga makumbinsi niyo pa nga ang lolo Joel mo eh,” wika naman ni Anna.

“Hindi naman tayo aabutin ng dis oras ng gabi eh, kaya malamang magagawang kumbinsihin ng lolo Rod mo ang lolo Joel mo.” Napaisip si Luna sa suhestiyon ng kaibigan, wala nga namang mali kung susubukan niya, kaya sinubukan niyang kausapin ang kaniyang lolo Rod patungkol dito.

Nang makauwi ng bahay ang tinaon ni Luna na kausapin ang kaniyang lolo Rod nang hindi napapansin ng kaniyang lolo Joel, nagka-kape ito sa lamesa habang nagbabasa ng diyaryo, nag-aalangan man ay nilakasan pa rin ni Luna ang kaniyang loob.

“Ahm, lo?”

“Oh hija?”

Umupo si Luna sa tapat na upuan at deretsahang nakisuyo kay Rod.

“Lo, baka naman magawa ninyong kumbinsihin si lolo Joel na payagan na po akong dumalo, ako lang kasi ang hindi makakasali, lahat po ng mga kaklase ko ay pupunta,” wika ni Luna.

“Hanggang alas diyes lang naman po iyon, at pagkatapos ay uuwi rin naman po ako agad, sige na po,” dagdag ni Luna, ngunit biglang dumating at sumabat si Joel sa kanila.

“Hindi sabi puwede! Dinadahilan mo lang naman iyang programa na ‘yan para makita ang lalaking ‘yon! Huwag mo nang ipilit ang nais mo Luna, ako ang lolo mo! Kaya't ako masusunod!” nasaktan si Luna sa sinabi ni Joel kaya't padabog at umiiyak itong nagtungo ng kaniyang silid.

“Bakit hindi mo na lang kasi siya payagan, hindi naman pala aabot ng hatinggabi eh, kaya hindi mangyayari ang kinakatakutan mo Joel,” marahang lumapit si Joel kay Rod at pabulong itong sinagot.

“Nababaliw ka na ba kuya? Alam mo ba ang sinasabi mo?! Ayokong mapahamak si Luna!”

“Pero sa ginagawa mong labis na paghihigpit sa kaniya, kalauna'y magdududa na siya sa nililihim natin, kung ako sa'yo Joel, ‘wag mong bibigyan ng dahilan si Luna na magduda at tuklasin ang bagay na ayaw mong siya mismo ang makaalam, hindi nakabubuti sa kabataan ang labis na paghihigpit, hindi mo alam ang maaaring maging kahihinatnan,” wika ni Rod saka nagtungo na ng kaniyang silid para magpahinga.

Napaisip si Joel sa sinabi ng kaniyang kapatid. Naisip niyang baka magrebelde si Luna at maisipan na maglayas, magiging mapanganib iyon dahil sa sitwasyon niya. Pero mas magiging mapanganib kapag naabutan o nalantad sa mata ng mga tao ang nagiging katauhan ni Luna pagsapit ng hatinggabi. Nagkulong ang dalaga sa loob ng kaniyang kuwarto, hindi na rin lang din ito ginambala pa ni Joel.

Ang hindi niya alam, ay palihim na nagpunta si Luna sa mismong okasyon sa tulong ng kaniyang lolo Rod.

“Tiyakin mo lang Luna, na bago mag alas diyes ng gabi nasa bahay ka na.”

ANG SUMPA KAY LUNA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon