"Mukhang wala tayong masyadong kikitain ngayong araw," malungkot na sabi ng isang babae. "Kaya nga mahal, ehh! Mukhang naunahan tayo ng mga basurero sa pangungulekta ng mga kalakal," tugon ng lalaki na kasama ng babae na nagsalita kanina.
Ang dalawang ito ay sina Janica Lorie at Dan Lorie. Silang dalawa ay matagal ng mag-asawa. Araw at gabi silang nangungulekta ng mga kalakal upang ibenta ito sa bayan. Lagi nila itong ginagawa upang mayroon silang pangtustos para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Sila rin ay may isang anak na may pangalang Kirt.
"Bumalik ka na sa kubo Janica. Hinihintay ka na ng anak natin. Ako na ang bahala sa paglilikom ng mga kalakal. Dalhin mo na rin itong limangpung tansong barya. Kumain muna kayo ng hapunan. Babalik rin agad ako at bukas na bukas, tutungo tayo sa bayan upang ibenta na ang mga ito," mahabang pagsasalaysay ni Dan sa kanyang asawa.
Tumango-tango na lamang ang babae at marahang nagwika, "Mag-iingat ka mahal. Bibilhan ka na lang namin ng pagkain upang pagkauwi na pagkauwi mo, makakakain ka kaagad."Nagpasalamat ang lalaki sa kanyang asawa at nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakad.
Samantala sa kanilang kubo, nag-aayos na ng pinggan si Kirt upang pagkauwi na pagkauwi ng kanyang ama't ina ay maghahain na lamang sila ng pagkain.
"Nandyaan na sila," bulong ni Kirt sa kanyang sarili.
Agad siyang nagtungo sa pinto ng kanilang kubo upang pagbuksan ang dalawang tao na lubos niyang pinapahalagahan at hinahangaan ng sobra.
"Ina!" Sigaw ni Kirt sabay yakap kay Janica. "Nasaan po si ama? Bakit hindi ninyo po siya kasama?" tanong ng binata.
"Kasalukuyang nangungulekta pa ng kalakal ang iyong ama. Ngunit sabi niya, agad din daw siyang uuwi upang makahabol sa pagkain natin ng hapunan," ngiting sagot ni Janica kay Kirt.
Ngumiti ng ubod ng tamis ang binata. Halata sa kulay itim na pares na mga mata nito ang labis na kasiyahan. Lubos siyang nagagalak sapagkat ligtas na nakauwi ang kanyang mga magulang sa kanilang tahanan.
"Anak kumain na tayo," yaya ng kanyang ina. "Masusunod po ina. Ako na lang po ang bahalang maglagay ng mga ito sa hapag-kainan. Maupo na lang po kayo at maghintay," tugon ni Kirt.
Inabot na lang ni Janica ang supot na naglalaman ng kanilang kakainin para sa kanilang hapunan.
Lumipas ang ilang oras, nakauwi na rin si Dan sa kanilang kubo. Halata sa mga kilos nito ang pagmamadali.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa kanilang tinutuluyan, agad niyang hinanap si Kirt upang ipaalam rito ang kanyang nakalap na balita.
"Talaga po?" Gulat na tanong ng binata.
Umiling-iling ang kanyang ama bilang tugon sa tanong ng kanyang anak.
"Totoo ang mga sinabi ko. Malinaw kong narinig sa radyo ng isang tindahan na simula bukas, ang Magical Academy ay mangangalap ng dalawang daang kabataan upang sanayin na maging isang adventurer o maging isang wizard na magtatanggol sa ating kaharian balang araw," sagot ng kanyang ama habang kumakain.
Hindi mapigilang mapangiti ni Kirt dahil sa kanyang mga nalaman. Subalit saglit lamang ito. Mayroon kasi siyang napagtanto.
Maaari kasi siyang hindi mapili dahil sabi nga sa balita, dalawang daan lamang ang pwedeng mapili. Ibig sabihin, walang kasiguraduhan ang tiyansa na makakapasok siya sa Magical Academy.
Sa libo-libong kabataan na naninirahan sa kanilang kaharian, imposible talaga siyang mapili.
"Huwag kang panghinaan ng loob anak. Alam ko ang iniisip mo. Totoong napakarami mong magiging kakumpitensya sa pagpasok mo sa academy, subalit ang iilan naman sa kanila ay hindi naman masyadong talentado. Hindi ko sila hinahamak, bagkos sinasabi ko lamang ang katotohanan," sambit ni Janica upang palakasin ang loob ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Tale of the True God (Book 1 : Mission)
FantasySa mundo ng mga adventurer at ng mga wizard, hindi maiiwasan ang mga patayan, kaguluhan at mga pagsubok na maaaring kaharapin ng bawat isa. Tulad na lang ni Kirt Lorie. Siya ay isang pinagpalang nilalang dahil sa kanyang tinataglay na mga kapangyari...