Sa pagbibigay ni School Head Master Andrei ng hudyat para tuluyan ng umpisahan ang paligsahan, sabay-sabay na sumugod ang lahat at karamihan sa mga nagtataglay ng mabababang antas ay sila ang unang kinuntirya ng mas nakatataas sa kanila. At ng dahil doon, sila tuloy ang unang natanggal sa paligsahan. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat karamihan sa mga kalahok ay nasa antas na 3rd at 4th star na. Kaya ang mga nasa 1st at 2nd star ay masyadong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa mapait na katotohanang masyado pa silang mahihina.
Sa panig naman nila Kirt, abala sila sa paglusob sa mga miyembro ng Wood Palace. Ito ang napagkasunduan nilang plano. Uunahin nilang patalsikin sa kumpitisyon ang mga hindi masyadong magbibigay sa kanila ng malaking balakid upang makamit nila ang tagumpay sa dulo. Hinahayaan nilang maglaban-laban muna ang mga malalakas sapagkat sa puntong iyon, mababawasan ang kanilang mga problema ng hindi sila nababawasan ng kasapi at ng hindi rin sila gumagamit ng kahit katiting na enerhiya laban sa mga iyon. Uunahin nilang tapusin ang mga maliliit na bagay bago ang malalaki at komplikadong mga bagay.
"Nangangati na ang mga kamay ko na makipagsagupaan sa mga kaparehas ko ng antas," sabi ni Sherwyn habang isa-isang pinapatalsik ang kanyang mga nakakalaban gamit lang ang kanyang pisikal na lakas. "Huwag kang mainip. Darating din tayo doon. Pero sa ngayon, sundin muna natin ang plano," tugon ni Miko habang sinusuportahan ang kanyang kapatid sa pakikipaglaban.
"Umatras muna kayo ng bahagya, Miko at Sherwyn!" Sigaw nila Aira at Kirt sa hindi kalayuan.
Agad namang sinunod ng magkapatid ang utos nila Kirt. Nang tuluyan na silang makalayo, nagbitaw ng technique ang dalawang magkaibigan upang mabilis nilang mabawasan ang kanilang mga kalaban.
"Water style, ten bullets of destruction."
"Wind style, destructive hurricane."Ito ang mga technique na pinakawalan nila Aira at Kirt para sa mga miyembro ng Wood Palace. Karamihan sa kanila ay lumapat na ang likod sa sahig at tuluyan na silang nagliwanag sinyales na hindi na nila kayang magpatuloy pa sa kumpitisyon. Ang iba namang natirang miyembro ng Wood Palace ay malubhang napuruhan dahil sa atake ng magkaibigan. Ganoon man, hindi na sila binigyan pa ng atensyon nila Aira. Alam kasi nila na pagkalipas lang ng ilang minuto, bibigay na rin ang mga ito at tuluyan na rin silang magliliwanag gaya na lang ng nangyari sa iba nilang mga kasama.
Sa kabilang banda, hirap na hirap si Chad na labanan ang mga miyembro ng Ice Palace. Wala siyang ibang kasama sapagkat ang iba sa kanila ay kalat-kalat na para bang hindi sila bumuo ng isang plano kung papaano nila patutumbahin ng sama-sama ang kanilang mga kalaban.
"Nasa 4th star red rank na sila Kirt. Naging malaki ang tulong ng mga soul stone na nakuha nila sa akin. Siguro kung nakuha ko ang mga bato nila, baka nasa 5th star na ako ngayon. Sadyang minalas lang ako sapagkat isang antas lang ang iniangat ko bilang isang adventurer," galit na wika ni Chad sa kanyang sarili.
"Fire style, fire laser."
Isang guhit ng apoy ang lumabas sa mga daliri ni Chad at sa mga oras na iyon, apat na miyembro ng Ice Palace ang napaalis niya sa paligsahan. Dahil sa naging resulta ng kanyang pag-atake, sobra siyang nakararamdam ng pagkakontento. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, isang malaking bola na yari sa tubig ang tumama sa kanyang likuran.
"BANG!"
Hindi niya iyon napansin o naramdaman man lang sapagkat labis na nakatuon ang kanyang buong atensyon sa pag-iisip ng kung ano-ano. Mabuti na lang, nakasuot siya ng baluti kaya hindi siya masyadong napuruhan sa lihim na pag-atake na ginawa sa kanya.
Nang makabawi na si Chad buhat sa kanyang pagkakatilapon, agad niyang hinanap ang pangahas na umatake sa kanya. Nang makita na niya kung sino ang lumapastangan sa kanya, biglang namula ang kanyang mukha at mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kanang kamao.

BINABASA MO ANG
Tale of the True God (Book 1 : Mission)
FantasySa mundo ng mga adventurer at ng mga wizard, hindi maiiwasan ang mga patayan, kaguluhan at mga pagsubok na maaaring kaharapin ng bawat isa. Tulad na lang ni Kirt Lorie. Siya ay isang pinagpalang nilalang dahil sa kanyang tinataglay na mga kapangyari...