"Oo. Pumapayag ako," tugon ni Kirt sa gustong mangyari ni Chad.
"Pero Kirt! Sigurado ka na ba dyaan? Mas mayaman sa karanasan ang bugok na iyan pagdating sa pagsasanay kaysa sa iyo dahil alam mo namang estudyante siya ng Lava King," tanong ni Miko.
Nginitian lang ng binata si Miko at mahinahon niya itong tinugunan.
"Huwag kayong mag-alala. Kayang-kaya kong lampasuhin ang Chad Licwan na ito. At isa pa, kahit siya pa ang estudyante ng Lava King, hinding-hindi ko siya uurungan dahil kumpyansa ako na matatalo ko siya," determinadong sagot ni Kirt.
"Malaki ang tiwala ko sa iyo Kirt subalit sa pagkakataong ito, medyo duda ako na matatalo mo ang lalaking iyan. Mas maganda siguro kung tayong apat na lang ang kumalaban sa kanya para mas magtagumpay tayo sa paligsahang ito," sabi ni Aira.
"Malinaw ang kanyang mga sinabi sa atin mahal na prinsesa. Ako lang ang nais niyang makalaban sa puntong ito. Gagawin ko naman ang lahat para manalo tayo sa karerahang ito at para na rin sa makukuha nating mga soul stone," tugon ni Kirt habang dahan-dahang lumalapit sa kinatatayuan ni Chad.
"Kaya mo iyan, kaibigan!" sigaw ni Sherwyn.
Nang nasa isang daang metro na lang ang layo nilang dalawa sa isa't isa, agad na tinanong ni Kirt si Chad kung ano ang magiging patakaran ng pagsasaluhan nilang paligsahan. Simple lang naman ang binuong patakaran ni Chad. Maaari silang gumamit ng mga technique upang mas mapabilis pa nila ang kanilang pagtakbo subalit mahigpit namang ipinagbabawal ng makakalaban ng binata ang paglipad at ang paggamit ng kahit anong klaseng mga sandata.
"Paano naman ang mga kasama ko?" pahabol na tanong ni Kirt.
"Tungkol naman sa ating mga kasama, malaya silang makasusunod sa atin. Ngunit, hindi sila maaaring makialam sa laban nating dalawa. Kung sino man ang lalabag sa mga patakarang ito, siya ang tatanghaling talo," paliwanag ni Chad. "Dahil tapos ko naman ng ipaliwanag sa iyo kung ano ang mga patakaran ng paligsahang ito, nararapat na siguro tayong magsimula, Kirt Lorie?" tanong ni Chad habang nakalahad ang kanyang kanang kamay.
"Handa na ako. Ayaw ko ng magsayang ng oras sa walang kwenta mong palaro," tugon ni Kirt habang nag-iinat ng mga buto.
Nainis si Chad dahil sa mga sinabi ng binata sa kanya. "Ang yabang mo naman, mangmang! Tandaan mo, ang pagiging kampante mo ang magpapabagsak sa iyo, hangal!" malamig na sagot ni Chad habang may namumuong apoy sa kanyang mga paa.
"Fire style, feet of the tiger dancer."
Ito ang gagamiting technique ni Chad upang makarating kaagad siya sa tarangkahan ng Magical Academy. Ang hitsura ngayon ni Chad ay para bang nagliliyab na isang malaking apoy dahil sa technique na kanyang kasalukuyang ginagamit.
Ang apoy naman na pumapalibot sa mga paa nito ay nag-anyong paa ng isang tigre. Sa pamamagitan nito, makatatakbo siya ng mas mabilis kaysa sa normal niyang pagtakbo na hindi gumagamit ng kahit na anong kapangyarihan.
"Mapapasakin din ang mga pagmamay-ari ninyong mga soul stone," sigaw ni Chad habang nagsisimula ng tumakbo papalayo.
Agad naman siyang sinundan ng kanyang mga alagad upang protektahan siya ng tatlong ito kung sakali mang may surpresang pag-atakeng gagawin ang mga Evans sa kanilang master.
"Water style, wave monster," sabi ni Kirt ng mapagtanto niyang dahan-dahan ng lumalayo ang kanyang kalaban. "Mag-iingat ka, Kirt. Huwag mong aabusuhin ang paggamit mo ng nature energy," paalala ni Aira. "Masusunod, aking prinsesa," nakangiting tugon ni Kirt.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang namula ang dalaga dahil sa tugon sa kanya ng kanyang kaibigan. Pakiramdam niya kasi na may iba pang ibig sabihin si Kirt sa mga binitawan nitong mga salita. Napansin naman iyon ni Kirt kaya hindi niya maiwasang hindi matuwa sa loob-loob niya dahil sa kanyang nakita.
BINABASA MO ANG
Tale of the True God (Book 1 : Mission)
FantezieSa mundo ng mga adventurer at ng mga wizard, hindi maiiwasan ang mga patayan, kaguluhan at mga pagsubok na maaaring kaharapin ng bawat isa. Tulad na lang ni Kirt Lorie. Siya ay isang pinagpalang nilalang dahil sa kanyang tinataglay na mga kapangyari...