Chapter 9 : Big Announcement

32 8 0
                                    

"Revival potion? Bakit niya ginawa ang gamot na iyon? Alam mo ba ang dahilan niya, Andrew? tanong ni Janica.

"Ang dahilan  ng aking kaibigan  kung bakit niya kayo gustong tulungan ay dahil... Dahil bali-balita sa mas mataas na mundo na balak buhayin ng mga black wizard ang tatlong magkakapatid na demonyo," nag-aalangan na tugon ni Andrew.

"Ano?!" sabay na sigaw ng mag-asawa.

Nanatiling nakayuko si Andrew habang sina Dan at Janica naman ay mahigpit na nakakuyom ang kanilang mga kamao.

"Mga pangahas! Anong nakain nila? Bakit gusto nilang buhayin ang tatlong iyon? Gusto rin ba nilang pagharian ang buong sanlibutan? Hindi ba nila alam na halos ikamatay na nating tatlo ang paglaban sa magkakapatid na iyon. Tapos sila..."

Hindi na naituloy ni Dan ang kanyang sasabihin. Dahil hindi na niya magawang mapigilan ang kanyang galit, sinuntok niya ang lamesa na nasa harapan nila at maging dahilan ito para tuluyang masira. Napatingin naman si Andrew sa kanyang kapatid at maingat itong nagwika.

"Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit mo kuya pero... Pero wala na tayong oras. Gumagawa na ng hakbang ang mga black wizard na buhayin ang mga walang habas na iyon. Hindi sila malipol-lipol ng mga kapwa ko pinuno sapagkat tinutulungan sila ng Lava Rocks Realm. Mahigpit kasing ipinagbabawal ngayon na maglunsad ng malaking digmaan laban sa mga realm dahil sa dahan-dahan ng nauubos ang mga mandirigma sa mas mataas na mundo. At kapag dumating na ang panahong tuluyan na silang makabalik sa mundo ng mga buhay, malaki ang pursyento na nasa universal god na sila at baka iyon na ang maging dahilan ng ating katapusan. Mataas na kalidad ng rebirth technique kasi ang ginagamit nila. Ang technique na iyon ay hinahaluan ng isang sangkap na kasuklam-suklam. Hindi lang kasi basta-bastang sangkap ang nilalagay nila sa technique na iyon sapagkat ang hinahalo nila doon ay ang dugo ng mga black wizards," mahabang pagpapaliwanag ni Andrew.

"Akin na ang revival potion. Wala na akong dahilan para tanggihan pa ang gamot na iyan. Ipinapangako ko, hindi masasayang ang pagsasakripisyo ng kaibigan mo para lang buohin ang potion na iyan," sabi ni Dan habang hinihintay ang pag-abot sa kanya ni Andrew ng dimensional pocket na naglalaman ng lunas sa iniinda nilang sumpa.

"Mahal, paano naman ang anak natin?" tanong ni Janica.

Saglit na natigilan si Dan dahil sa tanong ng kanyang asawa. Ganoon man, buo na talaga ang kanyang desisyon.

"Para naman din sa kanya ang gagawin ko mahal," tugon ng haligi ng tahanan.

"Kung iyan ang sagot mo, tayong dalawa ang poprotekta kay Kurt at maging sa buong sanlibutan," sambit ni Janica habang dahan-dahang tumatayo.

"Ate, kuya," ito na lang ang nasabi ni Andrew.

Inabot na niya ang dimensional pocket na naglalaman ng dalawang revival potion na nakalaan lang para sa mag-asawa.

"Nandyaan na rin ang magic wand mo ate Janica samantalang nasa anak mo naman na ang iyong espada kuya," pahabol ni Andrew.

Nagulat si Dan sa mga sinabi ng kanyang kapatid. "Ano? Paanong napunta sa kanya ang aking Heavenly Sword?" kunot noong tanong ng lalaki.

"Mahabang kwento kuya pero isa lang ang masisigurado ko sa inyo. Nakita kong umilaw ang asul na kristal ng espada mo. Ibig sabihin, payag ang Heavenly Sword na gawing bagong panginoon ang pamangkin ko," sagot ni Andrew habang nagkakamot ng batok.

Napabuntong hininga na lang ang mag-asawa dahil sa kanilang nalaman.

"Ano pa bang magagawa natin. Tinanggap na siya ng sandatang iyon na maging  bagong panginoon. Sana nga lang, magkasundo sila ng twin spirit ng iyong Heavenly Sword," sabi ni Janica habang nakapamewang.

Tale of the True God (Book 1 : Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon