Chapter 10 : Challenge Accepted

30 10 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga linggo. Walang ibang ginawa sina Sherwyn, Miko, Aira at Kirt kundi ang magsanay lang ng magsanay sa tuwing natatapos ang kanilang mga klase sa bawat araw.

Lagi silang nagtutungo sa silid-pagsasanay upang mas palakasin pa ang kani-kanilang mga kapangyarihan.

"Water style, water canon," sigaw ni Aira habang bumubuo ng isang malaking bala ng kanyon na gawa sa tubig.

"Sandali lang, medyo masakit yata iyan," sabi ni Kirt.

"Ang dami mong reklamo. Kung ayaw mong maramdaman ang lakas ng aking kapangyarihan, gumawa ka ng paraan para makailag o makasabay man lang, duwag!" tugon ng prinsesa habang pinapakawala na ang binuo niyang technique.

"Iiwas ba ako o sasabayan ko na lang ang atake niya? Bahala na. Wala na akong oras para mag-isip," sabi ng binata sa kanyang isipan.

Inilagan na lang ni Kirt ang pinakawalang atake ni Aira subalit nagawa pa rin siya nitong mapuruhan.

"Mahusay mahal na prinsesa. Ngunit, hindi sapat ang pakulo mong iyan upang mapatumba ako. Ngayon, humanda ka na sapagkat ako naman ang sunod na susugod," sabi ni Kirt habang mabilis na tumatakbo papunta sa kinatatayuan ng dalaga.

Agad niyang kinuha ang kanyang espada sa kinalalagyan nito at winasiwas ito sa direksyon ni Aira.

"Water sword style, blade of the king shark," sigaw ni Kirt.

"Iyan lang ba ang alam mong skill? Mahina," sagot ni Aira habang naglalabas din ng espada sa kanyang dimensional pocket.

Ang hitsura nito ay sobrang kaaya-ayang pagmasdan. Para bang isang anghel ang nagmamay-ari nito sapagkat ang kulay nito ay mahahalintulad sa isang purong nyebe. Kumikinang din ito sa tuwing natatamaan ito ng liwanag.

"Wind sword style, deadly slaughtering slice," sigaw rin ni Aira.

"ZING!!!"

Nang magtagpo na ang kanilang mga espada, isang malakas na puwersa ang pumalibot sa kanilang dalawa. Ang mga puwersang ito ay dulot ng technique nina Aira at Kirt.

Nagtatagisan ang mga ito habang sina Sherwyn at Miko ay hindi na nakakahinga ng maayos dahil sa mga pinapakawalang atake ng dalawang naglalaban.

Sa gitna ng silid-pagsasanay, sugatan na si Kirt at si Aira subalit hindi nila ito alintana sapagkat patuloy pa rin silang nagtutunggalian ng lakas gamit ang kanilang mga espada.
Pinagpapawisan na rin sila dahil dahan-dahan na silang nanghihina.

Nang makita ng binata na medyo nawawala na ang puwersang pumapalibot sa prinsesa, buong lakas niya itong tinulak sa pamamagitan ng pagtulak niya sa espada ni Aira gamit lang ang kanyang sandata.

"HAAAA!"

Nang maitulak niya na si Aira, mabilis siyang nagtungo sa likuran nito upang mapigilan niya ang pagtama ng prinsesa sa pader. Nagtagumpay naman siya sa kanyang plano kaya agad niya itong nasakal gamit ang kanyang kaliwang braso habang nakatutok naman ang Heavenly Sword ni Kirt sa ulo ni Aira gamit ang kanyang kanang kamay.

"Sino nga ulit ang mahina, mahal na prinsesa?" sarkastikong tanong ni Kirt.

"Hahaha! Ang yabang mo," sabi ni Aira.

Hindi tumugon si Kirt bagkos mas nilapit niya pa ang talim ng kanyang espada sa ulo ng dalaga. Ngunit isang pangyayari ang nagpalaki sa mga mata ng binata gayon din sa magkapatid na Evans.

Isang sipa ang tumama sa sikmura ni Kirt dahilan para mapasuka  ito ng dugo.

"UUULWAAAA!"

Hindi inaasahan ni Kirt ang sipang iyon mula kay Aira. Nawala sa kanyang isipan na naging bukas na pala ang kanyang buong dipensa dahil naging kampante siya na hindi na magagawang manlaban ng prinsesa sa kanya.

Tale of the True God (Book 1 : Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon