Chapter 16 : I Won!

43 7 4
                                    

"Paano niya pa nagagawang makatayo? Napakarami na niyang natamong pinsala sa katawan ngunit bakit nananatili pa rin siyang matatag? At isa pa, nakararamdam rin ako ng panganib sa inilalabas niyang awra. Ganoon man, hindi dapat ako mangamba sapagkat mas mataas ng isang beses ang aking antas kaysa sa kanya. Tiwala ako na maipapanalo ko ang aming palasyo sa paligsahang ito," sabi ni Kim sa kanyang isip.

Sa kabilang banda, malapit ng marating ni Kirt ang puwesto ni Kim at sa punto ring iyon ay nakahanda na ang kanyang technique na isasagawa laban sa kanyang kapwa kalahok.

"Wind sword style, deadly slaughtering slice."
"Lightning blade style, black lightning strike."
:BANG!"

NNang magtagpo na ang kani-kanilang mga sandata, isang malakas na puwersa ang kumalat sa buong arena. Kaya ng dahil dito, hindi tuloy maiwasan ng mga manonood na hindi mapakagat sa kanilang ibabang labi dahil sa sobrang tensyonadong labanan sa pagitan ng 5th star red rank at ng 4th star red rank.

Sa pinangyayarihan naman ng labanan, hindi makapaniwala si Kim sa tinataglay na lakas ng kanyang katunggali. Kahit kasi na mas malakas ang mga ibinabato niyang mga atake, nagagawa pa ring makasabay ni Kirt sa kanya. Subalit kung titignang mabuti, walang duda na mas lamang si Kim pagdating sa kabuoang lakas pero hindi naman iyon nalalayo sa kung anong mayroon si Kirt. Ganoon man, makaraan ang ilang sandali, isang pangyayari ang gumimbal sa lahat ganoon na rin sa huling miyembro ng Explosion Palace. Nakita na lang ng mga manonood na nakaluhod na sa sahig si Kim habang hinahawakan niya ang kanyang tiyan.

"UUULWAAA!!!"

Napasuka ng maraming dugo si Kim dahilan para mamutla ito ng sobra.

"Ano ang ginawa mo?" Nanghihinang tanong ni Kim. "Mahalaga pa ba iyon? Pero dahil sa hindi naman ako bastos sa tuwing tinatanong ako, sasagutin ko ang katanungan mo. Tinatanong mo ako kung ano ang ginawa ko sa iyo, hindi ba? Simple lang naman ang ginawa kong technique para sa iyo. Tinatawag iyong wind style, ghost kick!" Malamig na tugon ni Kirt habang mahigpit niyang hinahawakan ang kanyang espada.

Dahil sa mga narinig ni Kim mula kay Kirt, napagtanto niya na hindi talaga ito nagbibiro sa mga sinabi nito sa kanya na pagbabayarin siya nito dahil siya ang naging dahilan para matanggal sa paligsahan ang mga kasamahan ng binata. Habang nag-iisip ng malalim si Kim, hindi niya namalayan na nasa harapan niya na pala si Kirt at isang kamao na ang kasalukuyang bumubulusok sa kanyang direksyon.

"BANG!"

Hindi na nagawang mailagan ni Kim ang suntok na iyon dahil napakabilis ng mga [pangyayari. Tumilapon siya ng bahagya kaya nawalan siya ng balanse at tuluyan na ring lumapat ang kanyang likod sa sahig ng arena. Pagkatapos noon, hindi pa natapos si Kirt sa pagsugod kay Kim. Pinagsusuntok niya ang mukha nito hanggang sa mamaga ito ng sobra. Wala ng nagawa si Kim kundi saluhin ng saluhin ang mga walang awang mga suntok sa kanya ng binata dahil hindi siya makahanap ng pagkakataon upang masalag ang mga ito.

"Lightning style, black lightning kick."
"BANG!"

Isang sipa rin ang ginawa ni Kim upang mapatalsik si Kirt buhat sa pamumugbog nito sa kanya. Nagawa ito ni Kim sapagkat nakita niyang bukas ang depensa ng binata dahil nakatuon lang ang atensyon nito sa panggugulpi sa kanya. Nang makita na niyang tumilapon ang huling miyembro ng Ice Palace, wala na siyang sinayang na panahon. Agad na siyang tumayo at lumayo sa binata upang mabilis niyang makita ang maaaring isagawa nitong pag-atake.

"Bakit ka ba nagkakaganyan Kirt Lorie? Dahil ba sa tinanggalan ko ng karapatan ang mga kasama mo na magpatuloy pa sa kumpitisyong ito? Kung iyon ang dahilan mo, napakababaw mo naman kung mag-isip. Malinaw namang ipinaliwanag ni school head master ang mga patakaran ng paligsahang ito. At isa pa, hindi lang naman ikaw ang nawalan ng mga kasama. Ako rin! Ang malala pa, isa sa mga kaibigan mo ang umubos sa mga kakampi ko. Kaya patas lang tayo," mahabang pagsasalaysay ni Kim habang nakikita niyang dahan-dahan ng tumatayo si Kirt buhat sa kanyang pagkakatilapon. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Ang mahalaga lang sa akin ay ang mapatalsik ka sa kumpitisyong ito," tugon ni Kirt ng may blankong ekspresyon sa kanyang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tale of the True God (Book 1 : Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon