Kasalukuyan ng naglalakad sa loob ng ginintuang gusali ang mga kabataan na hinirang upang ganap na maging isang adventurer at maging isang wizard na balang araw ay ang magtatanggol sa Kaharian ng Litona laban sa mga gustong sumira at sumakop sa kanilang lupang sinilangan.
Nang makapasok sila sa isang malaking bulwagan, nagulat sila sa kanilang mga nakita. Naroroon ang lahat ng estudyante ng Magical Academy.
At ang bawat isa sa kanila ay nakatingin sa mga bagong dating na mag-aaral.
"Sila na ba ang mga bagong estudyante?"
"Parang ang hihina naman nila?"
"Mukhang marami akong magiging bagong kaibigan."
Ilan lang 'yan sa mga maririnig mong mga bulungan sa loob ng bulwagan.
Lumipas ang ilang mga sandali, isang musika ang pumukaw sa atensyon ng lahat. Agad nilang hinanap ang pinanggagalingan ng tunog. At ng malaman nila kung sino ang tumutugtog ng kaaya-ayang musika, lahat sila ay sumaludo rito at nagbigay galang.
"Magbigay galang sa school head master," sabi ni Arthyr habang nakatingin sa mga bagong estudyante ng academy.
Agad na sinunod ng mga bagong estudyante ang sinabi ng matanda.
"Magandang gabi sa inyong lahat," sabi ng school head master habang tinatago ang kanyang plawta sa kanyang dimensional pocket.
"Magpapakilala muna ako sa inyo bago tayo magpatuloy. Ako nga pala si Andrei Likson ang tinatawag nilang school head master ng Magical Academy 46 na taong gulang. Isa akong 3rd star violet rank," dugtong ng school head master habang pinapakita ang kanyang braso na may simbolo ng isang malaking kulay violet na bituin habang may tatlong maliliit na bituin pa sa ilalim nito.
Namangha ang lahat dahil sa kanilang nasasaksihan. Lubos silang humahanga kay Andrei. Hangad din nilang maging katulad nito.
"Ngayong tapos na akong magpakilala, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nais ko ng simulan ang pagpapalabas ng inyong mga kapangyarihan," sabi ni school head master Andrei habang may inilalabas na isang bagay sa kanyang dimensional pocket.
Nang mailabas na niya ang isang bagay, nagulat ang lahat dahil sa mangha. "Ang Thrown of Honesty," bulalas ni Sherwyn.
Dahil dito, napabaling sa kanya si Kirt. "Ano ang Thrown of Honesty?" kunot noong tanong ni Kirt.
"Hindi mo alam?" balik na tanong ni Sherwyn.
Umiling-iling lang si Kirt bilang tugon sa tanong ni Sherwyn.
"Ang Thrown of Honesty ay isang kayamanan na tanging mga magical schools o mga magical universities lang ang nagtataglay. Ang kapangyarihan naman niyan ay kayang ipakita ang iyong kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-upo mo dyaan. Kapag umilaw ang bolang kristal ng kulay pula na makikita mo sa tuktok ng Thrown of Honesty, ibig sabihin noon ay elemento ng apoy ang tinataglay mo. Kung kulay asul naman, tubig ang elemento mo. Kapag kulay dilaw, lupa naman ang sinasagisag noon. Kulay lila naman para sa elemento ng kidlat habang sa hangin naman ay kulay abo. Isang elemento lang ang maaring taglayin ng isang adventurer. Subalit kung ikaw ay pinagpala, maari kang magtaglay ng dalawang elemento. Upang malaman na nagtataglay ka ng dalawang elemento, magpapakita ang bolang kristal ng dalawang kulay. Kapag dalawa ang elemento mo, makabubuo ka pa ng isang bagong elemento. Ang tawag sa pinagsamang elemento ay, art. Maari kang makabuo ng apat na art. Nandyaan ang lava, ice, wood at explosion. Ang kailangan para makabuo ng lava art ay ang elemento ng apoy at elemento ng lupa. Para naman sa ice art, ang kakailanganin mong elemento ay tubig at elemento ng hangin. Samantalang elemento ng lupa at elemento ng tubig ang kailangan mo para sa wood art. At para naman sa explosion o tinatawag ding explosive art ay elemento ng kidlat at lupa," mahabang paliwanag ni Sherwyn habang nakatingin pa rin sa Thrown of Honesty.
BINABASA MO ANG
Tale of the True God (Book 1 : Mission)
FantasiSa mundo ng mga adventurer at ng mga wizard, hindi maiiwasan ang mga patayan, kaguluhan at mga pagsubok na maaaring kaharapin ng bawat isa. Tulad na lang ni Kirt Lorie. Siya ay isang pinagpalang nilalang dahil sa kanyang tinataglay na mga kapangyari...