Chapter 6 : Twin Spirit of the Divine Sword

44 10 2
                                    

"Paano po nangyari iyon?" tanong ng binata sa school head master.

"Hindi ko rin alam Kirt Lorie. Sa tagal ng pamamalagi ko dito bilang school head master, ngayon pa lang ako nakakita ng isang nilalang na nagtataglay ng kapangyarihan ng isang adventurer at ng isang wizard," seryosong tugon ni Andrei.

Lubos pa ring naguguluhan ang karamihan dahil sa kanilang mga nalaman. Natauhan na lang ang lahat ganoon na rin si Kirt ng muling magsalita si Andrei.

"Binabati kita Kirt Lorie sa pagtataglay mo ng dalawang kapangyarihan. Lubos kang pinagpala ng mga diyos. Subalit sa pagtataglay mo ng dalawang kapangyarihan, kalakip din niyan ang malaking responsibilidad. Kaya ang iyong hinaharap ay hindi magiging madali. Ganoon man, nandirito ang Magical Academy upang tulungan kang maging malakas," nakangiting wika ng school head master kay Kirt.

"Maraming salamat po sa pagbati sa akin at sa tulong na sinasabi ninyo," nahihiyang sagot ni Kirt.

"Walang anuman. Pero maiba tayo, huwag mo sanang mamasamain ang itatanong ko. Dahil dalawang puwersa ang maaari mong kabilangan, anong puwersa ang nais mong pagtuunan ng pansin? Ang pagiging adventurer ba o ang pagiging wizard?" tanong ni Andrei.

Nag-aabang ang lahat sa magiging sagot ni Kirt lalong-lalo na ang mga miyembro ng Ice Palace at ng Wizard Palace. Gusto ng dalawang puwersang ito na makuha si Kirt dahil sobra nila itong nakikitaan ng potensyal na maging malakas sa hinaharap.

Lumipas ang ilang segundong katahimikan, nagsalita na rin si Kirt. Ngunit bago niya sagutin ang katanungan ni Andrei, binalingan muna ni Kirt ang magkapatid na Evans bago niya lingoning muli ang school head master para ipahayag dito ang kanyang kasagutan.

"Nais ko pong ituon ang aking buong atensyon sa pagiging adventurer. Kaya ang pinipili ko po ay ang Ice Palace. Ganoon man, hindi ibig sabihin noon ay iiwan at tatalikuran ko na ang pagiging isang wizard ko. Mag-aaral pa rin po ako ng mga spells sapagkat labis pa rin iyong makatutulong sa akin," magalang na tugon ng binata.

Nang dahil sa sagot ni Kirt, hindi napigilan ng school head master na mapahanga sa binata. "Kung iyan ang iyong desisyon, malugod namin iyang ginagalang at nirerespeto. Ngunit kung nais mong pumunta sa Wizard Palace, malaya ka ring maglabas pasok roon kailan mo man gustuhin," sabi ni Andrei habang tinatapik ang balikat ni Kirt.

Pagkatapos magsalita ng kanilang school head master, agad namang naghiyawan ang mga miyembro ng Ice Palace. Masaya sila dahil sila ang pinili ni Kirt na samahan. Masaya naman din ang mga miyembro ng Wizard Palace ngunit hindi katulad ng Ice Palace ang saya na kanilang nararamdaman.

Medyo nalungkot din sila sapagkat hindi sila ang pinili nito na makasama ng matagal na panahon. Ganoon man, lubos pa rin silang nagpapasalamat sa binata dahil hindi nito binabalewala ang kanyang pagiging isang wizard. At ang isa pang dahilan kaya hindi sila nakararamdam ng sama ng loob kay Kirt dahil makakasama pa rin naman nila ito na mag-aral ng mga spells sa palasyo ng mga wizard.

Lumipas ang ilang minuto, naisipan na ni Kirt na pumunta sa puwesto ng mga miyembro ng Ice Palace. Pagkarating na pagkarating niya, sina Sherwyn at Miko ang sumalubong sa kanya.

"Binabati ka namin Kirt at maligayang pagdating sa Ice Palace," sabi ni Sherwyn habang nakalahad ang kanyang kamay.

Tutugon na sana si Kirt sa pagbati ni Sherwyn sa kanya ngunit hindi na niya iyon naituloy dahil biglang nagsalita si Miko.

"Ngayon ko lang napansin. Nagbago ang hitsura mo Kirt. Nagmukha ka ng isang maharlika," singit ni Miko.

Agad namang naglabas ng salamin si Sherwyn sa kanyang dimensional pocket upang ipagamit ito kay Kirt. Nang makuha na ni Sherwyn ang salamin, agad niya itong tinapat sa mukha ni Kirt dahilan para manlaki ang mga mata ng binata.

Tale of the True God (Book 1 : Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon