"Sobrang kahanga-hanga ang ginawa mo Kirt," manghang wika ni Sherwyn ng malaman niya kung paano plinano ng binata na linlangin si Chad gamit ang water clone.
Napakamot na lang si Kirt sa kanyang ulo dahil sa labis na papuri sa kanya ni Sherwyn. "Tama na iyan. Paparating na ang mga basurang miyembro ng Lava Palace," putol ni Miko sa usapan ng dalawa.
Sa hindi kalayuan, matatanaw mula sa kinatatayuan ng apat na magkakaibigan ang apat ring mga pigura na kasalukuyang papalapit sa kanila. Ang apat na ito ay walang iba kundi ang estudyante ng Lava King na si Chad at ang mga kasama nito. Makaraan ang ilang saglit, huminto ang mga ito sa harap nila Kirt at matalim silang tinitigan ni Chad dahilan para magsalita si Kirt upang ipahayag ang kanyang nais sabihin.
"Paano ba iyan? Ako ang nagwagi sa paligsahan nating dalawa," sabi ni Kirt habang binibigyan niya ng matamis na ngiti ang kanyang naging katunggali sa karerahan.
Dahil sa pagngiti sa kanya ng binata, mas lalo pa tuloy siyang nanggalaiti sa galit.
"Mandurugas! Paniguradong gumamit ka ng technique upang makalipad ka sa himpapawid dahilan para ikaw ay mabilis na makarating dito," sigaw ni Chad.
Kumunot ang noo ni Kirt ngunit mahinahon niya pa rin itong sinagot.
"Hindi ako nangdaya. Sariling mga paa ang ginamit ko upang makarating dito. Ikaw itong mandurugas. Hindi mo sinabi sa amin ang patakaran na maaari pala nating atakihin ang isa't isa para mapigilan natin ang mga sarili natin na maunang makarating sa tarangkahan ng Magical Academy."
Dahil sa mga sinabi ni Kirt, hindi na nakasagot si Chad kaya si Aira na ang bumasag sa katahimikan.
"Dahil kami ang nanalo sa binuo mong laro, nararapat na siguro naming makuha ang mga soul stone na napagkasunduan natin?" tanong ni Aira habang nakataas ang kaliwang kilay nito. "Bakit ko naman ibibigay ang mga iyon? Nanduga kayo. Gumamit siya ng kapangyarihan upang makalipad," pagtutol ni Chad sa nais mangyari ng dalaga. "Nasaan ang patunay mo na gumamit nga siya ng technique para makalipad?" tanong ni Miko.
Hindi makapagsalita si Chad. Mahigpit lang na nakakuyom ang kanyang kamao sapagkat wala siyang maipakitang pruweba sa pamimintang niya kay Kirt.
"Alam mo, kung ako sa iyo, ibibigay ko na lang ang mga kayamanang iyan kaysa sa mapahiya pa ako ng sobra. Hindi ko lubusang maisip kung bakit ikaw ang naging estudyante ng mahal na hari gayong napakahina mo at hindi ka pa nag-iisip ng maayos sa tuwing bumubuo ka ng mga hakbang," sabi ng isang lalaki na kasama ni Chad.
"Lapastangan ka, Reyland!" sigaw nila Raymart at Ronnie. "Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. Tanging si guro lamang ang maaaring gumawa sa akin niyan," galit na sigaw ni Chad.
"Kung gayon, sasabihin ko na lang sa kanya ang mga bagay na ito para siya na ang magbigay sa iyo ng leksyon kung hindi mo ibibigay ang mga soul stone mo sa mga iyan," malamig na tugon ng nagngangalang Reyland sa estudyante ng Lava King.
Dahil sa takbo ng mga pangyayari, hindi maiwasang hindi matuwa nina Kirt, Miko, Sherwyn at Aira sapagkat mukhang hindi na sila masyadong mahihirapan sa pagkuha ng gantimpala na kanilang napagkasunduan. Walang nagawa si Chad. Binato niya ng mayroong hindi maipintang ekspresyon sa kanyang mukha ang isang sisidlan na naglalaman ng mga soul stone sa direksyon nila Kirt. Agad naman itong sinalo ng binata at malapad siyang ngumiti at nagpasalamat kay Chad at sa mga kasama nito.
"Magtutuos pa tayong muli. At sa puntong iyon, ako na ang magwawagi," sabi ni Chad habang dahan-dahang lumalayo sa apat na magkakaibigan. "Iyan din ang sinabi mo noong nakaraan. Wala ka na bang ibang alam na pamamanta sa amin?" panghahamak ni Miko.
Hindi siya pinansin ni Chad bagkos tinugunan lang siya nito gamit ang isang lihim na pag-atake.
"Earth style, rock shower."
BINABASA MO ANG
Tale of the True God (Book 1 : Mission)
FantasySa mundo ng mga adventurer at ng mga wizard, hindi maiiwasan ang mga patayan, kaguluhan at mga pagsubok na maaaring kaharapin ng bawat isa. Tulad na lang ni Kirt Lorie. Siya ay isang pinagpalang nilalang dahil sa kanyang tinataglay na mga kapangyari...