Cleo Harriet's
First Gaze
Ancient SecretNagpaypay ako ng sarili gamit ang kamay. Sobrang init! Nag-ayos pa naman ako ng sarili pero hindi pa ako dumadating sa meeting place, pawisan na naman ako.
Pagdating ko sa meeting place ay dadalawa pa lang ang nandon, si Riel at Tamina. Ang vice president ng SSG namin noon at senator. Tumakbo agad sa akin si Tamina at yumakap. "Namiss kita, Ate Cleo!"
"Asan si Presi?" baling ko kay Riel.
Nagkibit balikat lang s'ya. "Ako na daw magpameeting eh."
"Ate Cleo, picture tayo." Ngumiti agad ako ng tinapat sa akin ni Tamina ang cellphone n'ya. "Ang fresh naman! Sana makita ka ni Raguel ngayon para who you s'ya sa'yo!"
Pinandilatan ko s'ya ng mata dahil nandito si Riel! Pinsan n'ya si Raguel. And ang tagal tagal na noon! Hindi ko na nga naaalala si Raguel eh. Talaga ba, Cleo? Maya-maya pa ay nagdatingan na ang iba pang mga SSG member noong 4th year junior high school ako.
Kinakausap nila ang isa't isa habang ako'y tahimik lang na nakikinig at sasagot kapag tinanong ang opinion ko. Wala naman akong kaclose sa kanila. Meron pala dahil halos lahat naman noon ay kinakausap ko. Ngunit wala lang ako ngayon sa mood upang kausapin sila.
Si Tamina at Riel naman ay may usapang kanila lang. As usual.
Buti na lang at dumating si Zion. Hindi na ako mag-isa.
Tumayo si Riel, "Okay everyone, since majority of us is here, we'll start the meeting."
"Ang purpose ng meeting na ito ay para sa ating homecoming reunion party. Since kadamihan naman sa atin ngayon ay nasa Pilipinas, we should celebrate once in a while. Let me start with the place. Any suggestion?"
Tinaas ko ang kamay ko kaya tumungo s'ya sa akin. Letting me speak. "I guess it would be better if sa school na lang ganapin since homecoming naman."
Everyone agreed to my suggestion. The meeting continued and it was decided na gagawin s'ya two weeks from now on. As for the ambagan, maniningil ang class treasurer dun sa mga willing sumama and 'yung iba naman ay kung sino ang gustong magpledge and such.
"Susunod daw si Zeus at Raguel." Mataray na saad ni Tamina at umirap. "Mga paVIP! Sana kanina pa sila sumunod. Manang-mana sa'yo ang mga pinsan mong feeling hari."
Nagkunot ang noo ni Riel at kinuha ang cellphone kay Tamina. Binasa n'ya ang kung anong message sa cellphone n'ya at maya maya ay tumingin sa amin ni Zion.
"Tapos na ah?" bulong ni Zion sa tabi ko. "Huwag na s'yang sumunod."
Nanlamig bigla ang katawan ko at pumitik ng malakas ang tibok ng puso ko. Nagkatinginan kami ni Kuya Riel at ngumisi s'ya sa akin. Inangat n'ya ang cellphone at biglang nagring.
"Raguel."
Umiwas agad ako ng tingin at kinuha ang cellphone ko. Tangina naman. Bakit tinawagan n'ya pa si Raguel?
I messaged Louise immediately kaso offline. 'HOY' lang din naman ang naichat ķo.
"Cleo, say hi!"
Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Riel at nakatapat sa akin ang phone n'ya. He mouthed "Si Raguel". I just rolled my eyes na tinawanan n'ya saka ng kausap n'ya.
I pouted.
"Uwi na ako." Sabi ko sa kanya at tumayo na.
"Mamaya ka na umuwi. Susunod daw si Kuya Zeus at Raguel dito."
"Tapos na ang meeting 'di ba?" Sarkastiko kong baling na mas tinawanan n'ya. Tinawanan lang ako ni Kuya Riel kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Halatang inaasar lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Gazing At The Star
RomanceCleo Harriet Litana High school series They say that highschool life is the best and so Cleo can testify to it. Cleo Harriet Litana is a good role model student, na mahilig magcutting classes. She is a leader pero mahilig magcutting. Matalino, pe...