Fourteenth Gaze

2 1 0
                                    

CLEO's
Forteenth Gaze
Eight Years Curse

"Ikakasal na daw si Raguel, ano?"

Tumigil ako pagkain at tiningnan si Louise na matamang nakatingin sa akin. Tila naghihintay siya ng reaksyon ko.

I smiled like it was alright. I mastered that emotion. Wala, required magtago ng sakit eh. "Good for him." I said nonchalantly.

"Nagulat talaga ako kasi... Play lang ng play si Raguel. Kapag tinatanong ko minsan, laro lang daw 'yung mga flings niya. Kaya nagulat ako kanina, nasa balita na s'ya. Tinapat pa talaga sa Valentines ano?"

She sighed, walang hint na isusuko niya ang topic na ito. "Hanggang ngayon, hindi mo pa din sinasabi kung bakit kayo naghiwalay dati. Ako talaga ang nanghinayang kasi 8 years kayo."

Pinilit kong ibahin ang kwentuhan namin ni Louise dahil hindi ako komportableng pag-usapan ang tungkol sa kasal lalo na at si Raguel ang involve.

Maya-maya pa ay dumating na ang susundo sa kanya. Ngumisi na lang ako sa kanilang dalawa sapagkat hindi ko naimagine na may spark pala sila. Kumaway na lang ako sa kanilang dalawa nang magpaalam na sila. I can smell romance around them but it's not my opinion to make them as a couple.

It's Valentines today and I have no one to be with. How sad! I'm in a far away country, half across my family because I am ambitious.

Tumingin ako sa labas at tumitig sa mga magkasintahan na nagdedate. Some of them have flowers, some are chocolates or gifts or anything. They are happy. If I were younger, I swear I would say it's an eyesore. Maghihiwalay din 'yang mga 'yan or such. Ngunit ngayon, natutuwa akong makakita ng mga couples. Hindi ko nga lang maiwasang mainggit.

Dati, gusto kong magkajowa lalo na noong college. I want to know how it feels like to fall in love. Or to be given gifts during special occasions like Valentines, Christmas and birthdays. Iyong tipong may mag-aantay sa akin tuwing labasan o kaya ay may maghahatid pagpasok. Although I think love is luxurious, I still wanted to feel beloved.

Like trying first times together like date somewhere, first kiss and maybe first sex? Maintroduce sa family. Makapagdala ng boyfriend sa reunions.

Kaso 'yung minahal kong lalaki, malayo sa akin. Ldr. Kahit noong umuuwi siya sa Pilipinas, I never saw him physically. We never received any gifts for each other. Hindi ko pala gusto kasi magastos ang college. I wouldn't want to add another expenses lalo na at pinapalamon lang naman ako. When I had my first work, nagkasakit ang Lola ko at tanging ako lang maasahan. Until he fades away. He drifted away from me.

"Cleo, will you marry me? Stable na job ko." He said seriously, "I want to settle down already. Saka 'di ba sabi mo,  gusto mo ng madaming anak para masaya?"

May gulat sa aking dibdib pero hindi na ako nagtaka na aalukin niya ak. He said it out of nowhere but I knew him, he wouldn't joke around like that.

"How about me? Raguel, nagsisimula pa lang ako. At least ikaw, may kaya ka talaga. Saka ano ka ba? Marriage? Raguel, ang bata-bata pa natin tapos magpapakasal na agad tayo? Hindi mo pa nga man lang ako naiipakilala sa magulang mo." I said, worriedly.

"You can live with me here. I'll introduce you to my family when you're already here."

I sighed thinking if I am ready. Wala akong problem kay Raguel pero sa pamilya ko, meron. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na nasa ospital si Lola dahil ayaw kong humingi ng kahit na ano mula sa kanya. Isa pa, kahit matagal na kami, ayaw kong isipin niya na gagamitin ko siya.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon