Tenth Gaze

4 1 0
                                    

Cleo Harriet's
Tenth Gaze
Palmolive

"Isang lingon mo lang, akin ka na."

Pero hindi ako lumingon! Hindi ko s'ya nilingon! I clutched to my blanket tightly and cried. I was crying so hard. Lagi ko na lang pinapalampas ang pagkakataon!

Bumangon ako para maggatas. Nag-online rin ako.

Raguel image popped up from the messenger.

'Hi Cleo! Good evening!'

'Ey!'

Typing... pero nawala. Maya maya ay typing na ulit. May sasabihin ka ba?

'Bakit?' I replied. Hindi ko matiis.

'Papaturo ako ng English. May project ka na agad eh. P'wedeng patingin no'ng sa'yo? Kukuha lang akong idea.'

'Wait. Picturan ko.'

'Sige, good night! See you tomorrow.'

Kinikilig akong natulog.

Pero hindi maganda ang aura sa bahay ngayong umaga.

"Aba! Nagsisinungaling ka din sa amin dahil diyan!" Sigaw ni Mama kay Kuya.

My Tatay remained silent and calm. "Ma, kumain na tayo. Malaki na 'yang anak mo. Alam na n'ya ang ginagawa n'ya."

Kuya is being an ass these past few days. May jowa na kasi. Ayaw naman ni Mama sa girlfriend n'ya hindi ko alam kung bakit pero wala na ako sa posisyon para humusga. Anong oras na s'ya nakakauwi. Hindi na din s'ya nagpapabala kung saan pupunta.

Mama stormed out of the room, annoyed.

Ang bunso kong kapatid, naliligo pa kaya naiwan kami ni Tatay sa mesa.

"Hindi ko na alam d'yan sa Kuya mo. Ako'y nawawalan na ng pag-asa sa kanya." Simula ni Tatay. "Kaya ikaw, huwag ka munang magjojowa. Nakakasira ng motivation 'yon."

Kakaunti pa lang ang tao sa room pagdating ko. Ikalima pa lang akong dumating. Dumiretso ako katabi ni Mutya.

Sumandal sa akin si Mutya at nilaro ang buhok ko. "Kliyong."

"Hmm?"

Kliyong ang palayaw n'ya sa akin. Kahit mabaho, sige na.

"Bakit hindi ka masyadong nagsasalita?" Tanong n'ya at nag-aalala ang boses.

"Wala. May problema lang sa bahay."

"Always willing akong makinig ha?"

Mutya is unexpectedly one of the bestest friend I ever had. With her, I have a sister, a companion, a kabardagulan, and a boyfriend. He is a she pero lumalabas ang masculine side n'ya kapag poprotektahan kami. And I love her for that so much.

Marami na ang dumating at may sarisariling usapan. Ang iba naman nakayukyuk lang sa desk nila kagaya ko.

Dumating si Aira at lumingon lingon. "Asan si Raguel?" Nakatingin s'ya sa akin.

Malay ko do'n?

"Sabi ko, Cleo, asan si Raguel?" Ang bitchy ng tone n'ya ah? Paano ko malalaman? Its not as if chinachat ako ni Raguel about updates.

Ang lakas pa ng boses n'ya na rinig ng lahat ng nandito!

"Awan ko. Hindi naman ako tanungan ng nawawalang Raguel eh. Hindi pa napasok parang hindi mo naman kilala 'yon, laging late."

Nilapag n'ya ang bag sa upuan n'ya.

"Bakit naman malalaman ni Cleo?" Tanong ng katabi n'ya.

Umismid s'ya at padabog na umupo. Really? Ano bang problema n'ya? Sa akin ba s'ya galit? Ano? May ipinapahiwatig ba kaattitudan n'ya?

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon