Fifth Gaze

7 0 0
                                    

Cleo Harriet's
Fifth Gaze
Next Season

"Guys! Bumaba na daw ulit! Team building na!" Sigaw ng president namin

Pagbaba namin, nagpapaliwanag ang 4th yr student sa palaro.

"Sali tayo!" Sigaw ni Trish.

Girls lang tapos kalaban namin ang boys. Paunahang matapos. Pagpapasapasahan ang straw gamit ang bibig. Mula sa mahaba, ang straw ay paliit ng paliit na parang maghahalikan na kami ng kasunod ko. Buti si Trish ang nasa unahan ko tapos si Apriah sa likod ko.

Ikalawa ako sa pila kasi maliit ako.

Napatingin ako sa taas kung saan nanonood ang ibang hindi naglalaro. Nandon si Raguel. Tawang tawa habang nakatingin sa akin.

Nagsimula na kaming maglaro. Paliit na ng paliit ang straw hanggang maging sa pinakamaliit na.

"Kiss na lang tayo, Kli!" Pang-aasar ni Trish tapos tumawa ng malakas.

I rolled my eyes at her. "Iww."

"Ikaw lang pala magiging first kiss ko! Hahahah!" Napatawa din ako sa sinabi n'ya.

"Bilisan mo, Trish! Mamaya na ang chika nasa laro tayo!" Sigaw ni Apriah.

Kinagat ko ang straw na pinasa ni Trish at pinasa din kay Apriah hanggang maipasa sa likudan.

Nilingon ko ulit ang pwesto kanina ni Raguel at nandon pa din s'ya! Nakatingin pa din sa akin at tawang tawa pa din. Sinimangutan ko s'ya tapos humarap na kina Trish, Riah at Louise.

Nanalo kami!

Naging busy kami ng sumunod na linggo dahil malapit na naman ang examination week.

"Teka lang! Nasira printer namin eh. Papaprint lang ako." Paalam ko kina Trish.

Kaso biglang lumalas ang ulan at naabutan ako. Buti at nakalagay sa white envelope 'yung mga pinaprint ko kaya hindi nabasa.

"Aba, ba't ka nagpaulan, Litana?" Tanong ng teacher na pinag-abutan ko ng project. "Baka magkasakit ka n'yan."

Nang sumunod na araw, nagkasakit ako. Saktong examination week pa naman. Hindi ako makabangon kahit tinatawag na ako nina Kuya saka ng bunso kong kapatid para pumasok.

"Gisingin mo nga 'yung anak mo! Nanood na naman 'yon ng anime sa laptop kaya hindi makabangon! 'Pag ako gumising sa kanya makakatikim s'ya ng palo sa akin! Magang maga ako'y nasusura sa inyo!" Sigaw ni Mama.

Pumasok si Tatay sa kwarto ko. Nilalamig talaga ako.

Hinaplos ni Tatay ang noo ko. "Nilalagnat ka, Harriet. Nagpaulan ka kasi kahapon. Bumangon ka muna at kumain para makainom na ng gamot."

Dalawang araw na akong hindi napasok.

Naalimpungatan ako ng makitang nagriring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa oras ay alasdies pa lang ng umaga.

Si Louise ang natawag sa messenger. Sinagot ko ang tawag n'ya.

"Huy!"

"Musta?" Namamalat ang boses ko.

"Magaling ka na ba?"

Nakahiga pa din ako at nanghihina. "Hindi pa. Magpapacheck up ako mamayang hapon. Mamayang hapon pa 'yung lista ko sa doctor eh." 

"Inabot nga ni Kuya Reyvie 'yung excuse letter mo daw sa faculty. Nung first day na absent ka hindi pa namin alam. Tapos sabi ni Raguel, bakit ka daw absent. Ngayong second day ng exam, absent ka pa din. Sabi nga ni Raguel puntahan ka na daw namin." Kwento ni Louise

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon