Eleventh Gaze

4 1 0
                                    

Cleo Harriet's
Eleventh Gaze
Baguio

"Kung p'wede daw sumunod si Raguel? Tatagpo na lang daw s'ya." Tanong sa akin ni Janine habang nasa prusisyon kami.

Required kasi.

At dahil may sarili kaming Poon na pinuprusisyon ay sa amin na lang Poon sumama ang mga kaklase ko. Ilista ko na lang daw sabi ni Ma'am.

"S'ya ang bahala." Sagot ko.

Maya maya ay nakita ko na si Raguel. Nakaitim na damit, pantalon at sapatos na itim. Nakisali na s'ya sa amin.

Pumunta s'ya sa likod ko at sumabay sa mga barkada n'yang sina Aira.

"Sinong may gawa non?" Lumingon ako dahil may naihip sa kandila ko.

Nakisindi ako kay Mutya na katabi ko. Maya maya ay umilit na naman na may umihip kaya namatay na naman ang apoy.

Hawak hawak ko ang kandilang namatay ang apoy at inis na inis kong nilingon ang nasa likod ko. Si Raguel na naman, nangungulit at hinihipihan ang apoy ng kandila ko. Epal!  Inismidan ko lang s'ya bago tumalikod. Narinig ko ang tawa n'ya.

"Cute mo naman." Hinigit n'ya ng marahan ang buhok kong nakatali. Kanina pa s'ya!

"Mukha ka ng dalaga." Saad n'ya ng tumigil kami bahagya dahil may dumaang sasakyan.

Papansin!

"Jejemon mo lang d'yan sa sapatos mo." Napakahonest naman ng hinayupak. Sarap kainin ng buhay! "Hindi bagay d'yan sa dress mong pang-mabait"

Nilingon ko s'ya ng masama ang tingin. "Hindi ka talaga titigil?"

Nakakaloko ang ngiti n'ya at parang tuwang tuwang asarin ako! Napakaepal! Crush ko s'ya pero kadalasan, ang pangit ng ugali n'ya! Argh! Bakit ko nga ba nagustuhan ang hinayupak na 'to?!

Pagsapit ng sabado at linggo ay humilata lang ako maghapon sa bahay habang nagcecellphone. Nagpapakababoy na naman. Tulog kain is life. Pagdating ng lunes ay nakauniform ako mg C.A.T. dahil duty ako sa pagtataas ng flag. Si Raguel late na naman! Nakapagwalis na naman tuloy siya.

"Cleo! Nawala 'yung takip nung box mo!" Sigaw ni Raguel kaya hinarap ko s'ya.

Tiningnan ko ang maliit na plastic box na kinuha n'ya sa akin kanina. Lagayan ng baraha na bawal sa school premises. Nilalaro lang namin pero tinatago din agad kapag may dadating na teacher. Pero ang epal na 'to, lahat na lang winala.

Hindi na nga n'ya binalik ang lapis ko noong Grade-7! 'Yon pa din, Cleo?

"Lahat na lang, Raguel." Nanggigigil kong saad sa kanya. "Lahat na lang."

"Sorry na. Bibili na lang akong bago." Nagmamakaawang saad n'ya.

"Bigay 'yon ng Tito ko!"

"Sorry na nga. Hahanapin ko na lang."

I rolled my eyes and walked out on him pero sumunod lang s'ya. Epal as usual. Umupo ako sa bangkuan ng teachers table at do'n nilagay ang gamit ko. Si Raguel nasa likod ko at kinukulit kulit lang ako.

I continue ignoring him but then a loud commotion stop me from my focus. Nasa likod ko si Raguel at nang lingunin ko ay masama ang aura.

A lover's quarrel. In public. Like the fuck?!

Nasa harapan ko sila. Sinusuntok, sinasampal, pinapalo... she's hurting her boyfriend physically. In front of me. Hindi na bago sa akin ang violence dahil madami akong nagwawalang tito kapag nalasing pero ang makita ng ganito kalapit... naaawa ako sa boyfriend n'ya.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon