Sixth Gaze

6 0 0
                                    

Cleo Harriet's
Sixth Gaze
Cancelled

Kain, tulog, basa ng pocketbook at wattpad at magpipinta. ‘Yun ang ginawa ko buong summer at dahil do’n, nakakaiyak pero naggain ako ng 12 kls. Ang taba ko na. Kababangon ko lang at sumilip ako sa bintana. Ginising ako para magmeryenda ng marhuya ni Nanay.
 
Nanlaki ang mata ko at umalis agad sa bintana. Tangina. Si Raguel ‘yon?!
 
Habang naandar ang tricycle ay nakita kong umawang ang labi n’ya at ngumiti din agad. Hanggang sa mawala ang tricycle ng tuluyan sa paningin ko.
 
Kakahiya!
 
Punong-puno pa naman ng pimples ang mukha ko ngayon.. Ang malas nga dahil sa lahi pa nina Tatay ako nagmana samantalang si Kuya naman hindi nagkaroon ng pimple outbreak! Ang malala, si Raguel pa ang unang nakakita sa akin! ‘Yung crush ko pa talaga!
 
Dumukwang ako palapit kay Louise at kinuhit s’ya. “May additional points daw sa English at Filipino kapag sumali sa journalism?”
 
At dahil don, sumali ako sa journalism. At ngayon, naiiyak na ako.
 
Nag-assign agad ng coverage sa akin ang journalism advisor ko para sa gagawing intramurals. At sa kamalas-malasan, hindi ko kasama ang kahit sino sa mga barkada ko dahil nakaassign din sila sa ibang laro.
 
Hindi lang ‘yon, sa dami ng sports ng intramurals, basketball pa talaga ang napa-assign sa akin. Nakakaiyak na.
 
“Solo ako.” Naiiyak kong sabi sa pinsan ko. “Baka naman p’wede mo akong samahan. Makikigamit kami ng court sa kabilang school kasi gamit ng ibang volleyball ‘yung court dito.”
 
I heard her sighed “Hindi kita masasamahan, Harriet. May pasok kami eh.”
 
“Sige sige salamat.”
 
Ang icocover ko ngayon ay laban ng Grade-10 na section nina Kuya at section namin. For finals na daw kami. Ang mananalo ang champion at ang talo ay first.
 
Nakisakay ako sa tricycle kasama ng mga teacher ko. Nakakahiya pero wala naman akong magagawa. Inabot sa akin ni Ma’am ang cellphone n’ya.
 
“Litana, ito na lang ang gamitin mong pangpicture.”
 
Paglingon ko sa kabilang team, ando’n pala sina Kuya. Klase nina Kuya ang kalaban at madalas kaming talo sa kanila. Simula grade-7! Undeafeted sina Kuya eh. Pero sana pala, kina Kuya na lang ako sumabay!
 
Nagstreching sa harap ko si Raguel kaya pinapanood ko lang s’ya.
 
Nilingon n’ya ako at nagjumping jacks sa harapan ko. “Saan  ka sumakay?”
 
“Sa tric.”
 
Tumango tango s’ya at nagjogging jogging sa space sa harap ng bench namin. Nang magsisimula na ang laro, nilagay n’ya sa katabi ko ang mga gamit n’ya. Nagsunudan ang mga kaklase ko at pinabantayan din sa akin ang mg agamit nila.
 
“Cleo, ako lang picturan mo.” Saad ni Raguel.
 
“Ha?”
 
Tumakbo na s’ya papunta sa loob ng court pero nilingon muna ako at kinindatan. Is he asking me to only take a photo of him? Or? Picturan ko s’ya para maipatsi sa dyaryo ng school ang mukha n’ya?
 
Nagsimula ang laro at tagilid ang laban. Lamang sina Kuya.
 
Hindi ko alam kung matutuwa ako. Gusto kong icheer si Kuya dahil ang galing n’ya at ang liksi pero nakikita kong wala na talaga sa mood ang mga kaklase ko.
 
“Cleo, ano ng score ko?”
 
“13 na.”
 
“Eh si Nathan?”
 
“20 points na.”
 
“Tangina. Kulang pa.” bulong n’ya pero rinig ko naman.
 
Bumalik s’ya sa court at naglaro na. Hindi tulad ng madalas n’yang expression, sa t’wing naglalaro s’ya ng basketball, I see the other side of him. The serious untouchable Raguel Alvarez. Parang lahat ng bagay, easy go luck s’ya pero kapag basketball na, nagiging competitive na s’ya.
 
Though competitive naman talaga s’ya pero kadalasan nakangiti s’ya.
 
Pagkatapos ng 2nd quarter, lamang pa din ang klase nina Kuya. Matatalo ata kami. Sa mga kaklase ko, ang magaling lang naman ay si Raguel at Nathan. 50-63 ang score.
 
Bumalik sila sa bench namin. Ang sama ng mood ni Raguel ngayon.
 
Automatic na inabot ko sa kanya ang water bottle n’ya. Tinanggap naman n’ya at ininuman agad.
 
“Tangina kasi! Bumaba kayo! Magpasa kayo! Kami lang ni Nathan ang nagalaw eh! Tangina tagalog ng laro n’yo.” Inis na saad ni Raguel.
 
Nagwarm up ulit ng shooting ang mga kaklase ko habang nanatili naman si Raguel na nakatayo habang nasa magkabilang bewang ang mga kamay.
 
“Chill, Raguel. Masyado kang hot.”
 
Nilingon n’ya ako at ngumuso. “Ang tagalog kasi nilang maglaro!”
 
“Hayaan mo na. Enjoy mo na lang ‘yung game.”
 
Ngumiti ng bahagya ang labi n’ya at binasa ang labi gamit ang dila. Maya-maya ay lumapit sa amin si Nathan at nanghingin din sa akin ng tubig. Hinabilin din n’ya ang watter bottle n’ya.
 
“Saan ka?” tanong ni Raguel when he got his belongings beside me.
 
“Icocover ko pa itong last na game, kung sinong 2nd at 3rd.”

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon