Fifteenth Gaze

1 1 0
                                    

Cleo's
Fifteenth
Lasing

Nakailang biling na ako sa higaan pero wala pa ding nangyayari. Hindi ako inaantok. There are lots of things in my head.

Isa pang pinoproblema ko ang kasal ni Trish. Fiance niya ay barkada ni Raguel. Ikakasal sila sa isang private resort kaya kami nagkita ni Louise. Since no one knows I'm in US, this will be a surprise.

Ako kaya ang mangsusurprise o ako ang masusurprise? Pumikit ako ng mariin.

Imagine, kasama ni Raguel ang fiance n'ya? Paano 'yon? And how am I suppose to act like I'm not affected. What will I say if I saw him there? Ang dami daming mga imahinasyon ang pumapasok sa utak ko.

Fuck life.

Nagdecide na lang ako na 'wag ng sumama dahil ayaw kong maout of place lang do'n. Si Louise, may trabaho. Sina April for sure, may bago ng mga kaibigan.

Ngunit ginawa ko na lahat ng alibi kay Louise, hindi pa din siya naniniwala. Ang bruha, pumunta pa sa aking hotel para lamang higitin ako.

"Bakit ayaw mong pumunta?! May iniiwasan ka ba?!"

I know she knows.

Umiling ako. "Masama ang pakiramdam ko!"

"Heh! Ako gagamot sa'yo! Ano pa't nurse ako!"

Simangot ako habang nabyahe kami. Kinukulit pa ako akala mo naman hindi ako... hays. Masasabunutan ko 'tong bruha na 'to.

Dumating na kami sa resort, napanganga na lang ako dahil masasabi kong may  kaya ang napangasawa ni Trish. Sana lang hindi gago. I know what she deserves. We witnessed how hurt she was with her last relationships.

Kumpulan ng mga tao ang sumalubong sa akin sa isang kiosk. Ang ganda, puro bulaklak saka lobo. Ang presko pa ng hangin. May mga tables na may mga mamahaling bulaklak din. May kanya- kanyang grupo, mapapansin na base sa kanilang status sa lipunan. Mas mayayaman, mas kilala at mga mas maimpluwensyang mga tao, nasa gitna o 'di naman kaya ay nasa unahan.

Samantalang ang mga average people... parang wala lang sa kanila. Its like, those people have their own world excluding the lower ranks of the society.

Nagtungo na si Louise sa kanyang "amo" na wala naman atang sakit. Gusto lang talaga ng private nurse. Ako ay nanatili dito sa likudan at pinagmasdan lang ang tanawin habang patanaw tanaw sa mga ilang kakilala ko.

Ngunit inaasam ko ding, mahanap s'ya.

Nandito na kaya 'yon? Definitely wala pa kasi lagi s'yang late?

Kumuha ako ng wine sa buffet area ng may biglang bumato sa akin ng kung ano. Nilingon ko ang pinanggalingan at napatda ng makita ang nakakangangang si April. 

"Shutangina mo!" Irit ni April at lumapit agad sa akin para yakapin ako ng mahigpit. "Hindi ka man lang nagsabi na nandito ka hinayupak kang tangina mo!"

Niyakap ko siya ng mahigpit, "Yah, ilang buwan na, Mima!"

Sa yakapan namin ni April, nakuha din naman ang atensyon ng ibang tao. Nakaramdam ako ng hiya. Napansin kong lumingon din mula sa kinaroroonan ni Trish at ng kanyang fiancee ang pwesto namin ni April. Kitang-kita ko rin ang gulat sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Trish at tumayo agad para lumapit sa akin. When she was in front of me, she just stood there like mesmerizing who am I. humiwalay ako pansamantala kay April para mabigyang pansin si Trish.

Niyakap ko agad si Trish. She hugged me so tight and then I heard her silent sobs.

"Akala ko wala ka." umiiyak n'yang saad.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon