Third Gaze

5 1 0
                                    

Cleo Harriet's
Third Gaze
Hatid

"Hinahanap ka ni Raguel."

Napatigil ako sa pagkain at nilingon ang bagong transferee na kapitbahay namin. "Ako?"

"Oo. Kanina. Napasok pa lang ay hinahanap ka na sa amin. Tapos nung malapit ng magquiz sabi ay 'hala, wala pa si Cleo!'. Akala n'ya daw ay sabay tayong papasok. Tas nagtataka kasi andon naman daw 'yung bag mo pero wala ka. Tapos kahit nagquiquiz na, bulong ng bulong. Sabi ay 'Asan na kaya si Cleo?'. "

Nagquiz sila kanina habang sinamahan namin ni Louise si Trish na magpaprint ng project namin. Kaso nalate kami kaya tumambay na lang muna kami sa library.

Akala ko nga papagalitan kami ng subject teacher namin pero pinayagan n'ya kaming magtake ng quiz.

Knowing Raguel's words kanina, I realized something.

Binuhay ko agad ang laptop ko pag-uwi. Pumunta sa diary at nagsimulang magtype.

Crush ko na nga ang lalaking laging nakablue na may baby towel sa likod. Not because he is cute, not just the physical appearance but because he made me feel his affection towards me. Sana hindi ako assuming. Feel ko talaga 'yon.

"Hi Apriah!"

Nakangiti s'ya sa akin at umabrisiete sa akin
"Huy! Sabay kaya tayong nag-exam noong entrance examination. Hindi mo ako pinapansin!"

"Hala sorry! Hindi talaga ako mabilis makaalala ng tao at lugar." Paliwanag ko.

Magkakasama kami paglabas namin. Wala sa sariling napalingon ako. Nandon sina Raguel at grupong sinasamahan n'ya ngayon. Nilingon ko si Raguel at nakitang nakitingin din s'ya sa akin. Hindi nakangiti, hindi din nakasimangot.

Then he wiggled his brows before started walking away.

"Sinong crush mo?" Tanong ni Apriah pagkatapos ay kinain ang kwek-kwek sa tusok tusok. "Ako, crush ko si Raguel."

Nilingon ko ang pwesto nina Raguel na palayo. "Si Raguel?" Tinuro ko.

"Oo! Gwapo ano? Tapos basketball player pa."

Nagkatinginan kami ni Louise. Sa kanya ko kasi sinasabi 'yung tungkol kay Raguel. Ang comfortable n'yang kausap eh.

"Bagay sa amin ang kanta ni Taylor Swift na You belong with me hihi."

Tumawa ng malakas si Trish at pinalo sa braso si Apriah. "Jejemon! Ahahahah! Tapos ano? Ang pangalan ba ng love team n'yo ay Aprigel?"

"Crush ko din si Raguel." Pag-amin ko.

Dumating ang araw na hinihintay ng mga freshmen. Ang Welcoming Party.

Maingay. Magulo. Nakakahilo!

So this is what a welcoming party be like?

Nang mapagod ay umupo muna ako sa tabi. Dumatig naman sa akin si Apriah na napagod din ata sa pagpaparty.

Napatingin ako kay Raguel na palingon lingon. Mukhang may hinahanap.

Sa gitna ng nagpaparty na mga estudyante, nahanap n'ya ako. Lights are off and only the dim lights from the disco shines the room. Mula sa maingay at party songs, napalitan iyon ng malamyos na tunog ng isang love song.

Nang magkatinginan kami ay ngumiti agad s'ya sa akin. Halatang nag-eenjoy s'ya. May butil ng pawis ang noo n'ya at may baby towel sa likod.

Mama's boy!

Kasabay ng marahang pagtibok ng puso ko, hindi ko maalis ang titig sa kanya. Naglakad s'ya palapit sa akin at umupo agad sa bakanteng espasyo sa katabi ko. Ako ang pinaggigitnaan nila ni Apriah.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon