Cleo Harriet's
Eighth gaze
KindTamad akong pumasok ngayong lunes. Muntik na akong malate. Sa likod tuloy ako nakapila. Katapat ko na naman si Raguel. Pinaakyat na agad kami pagkatapos ng flag ceremony ng ipatawag ako ng school principal.
"Isasali ka namin sa debate, Litana."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Ako? Bakit ako?! "K-kelan po ba 'yon?"
"Sa Thursday na agad." Mas nawindang ako sa sagot n'ya. Hindi ko yata keri. "Ikaw na, please. May tiwala ako sa'yo."
"Cleo! Goodluck, whooo!"
Nagulat ako ng magdatingan sina Louise at nagsisigaw. Kasama n'ya si Trish at Riah.
"Sayang nga eh. Nonood din sana 'yung iba kaso hindi pa sila tapos sa gawain!" Kwento ni Louise at lumantak ng lumantak ng kinakaing kwek-kwek.
Raguel is not here as well.
Pabalik na ako ng school nang makasalubong ang mga kaklase. Kasama si Raguel. Nakasimangot.
"Tapos na agad?!" Reklamo ni Janine.
"Oo. Tagal n'yo kasi."
Lumipas pa ang isang linggo na busy ako sa debate. Dumating na nga sa puntong, sa school na din ako naglalunch.
Dumaan ako sa room para magtanong kina Louise ng assignments. Baka kasi matambakan ako. Gagawin ko na lang ang iba tuwing gabi.
Kokonti pa ang tao. Dumiretso ako sa upuan ko. Nandito na agad si Raguel? Maaga pa ah. Ngumiti agad s'ya sa akin at sinalubong ako. Inakbayan pero winaksi ko ang braso n'ya.
"Maaga ka ngayon. Himala." Sabi ko.
Tumawa s'ya sa sinabi ko. "Aattend ka na ba ulit sa klase?"
Umiling na ako. "Hindi. After debate pa."
"Exam na next week ah? Hindi ka na naman makakapag-exam?"
"Excused naman ako."
"Lagi kang busy, Cleo. Hindi na kita nakikita." He sounded serious and when I look back at him, he is!
Research ng research kasi kami about sa same cases and mga batas na maaaring ilaban sa ibabatong tanong ng mga kalaban. Mas napepressure ako ngayon dahil sa mismong harapan ng munisipyo ang laban. Baka madaming manood.
As for Raguel, hindi na ako aasang manonood pa s'ya.
We won the town debate. We were declared as the winner. Pero wala ang crush ko. Hindi din nanood ang kuya at kapatid ko.
"Hindi naman nanood si Raguel." Mapait kong saad kay Louise kinabukasan.
Kumunot ang noo n'ya. "Nanood, mare!"
Pero nagkakamali ako. He was there in the dark. "Kasama 'yung mga pinsan. Kaya nga madaming nasigaw nung ikaw na 'yung nagsasalita eh. Nagulat nga din ako. Nakasumbrero s'ya na white na hoodie na gray."
Late na naman akong nakapagtake ng exam dahil sa debate. Pagod ang nararamdaman ko. Sunod sunod eh. Kailangan ko pang habulin ang mga naiwan kong gawain. Isa pa, C.A.T. cadet ako kaya kakapagod physically. Ako kasi ang napiling magdadala ng flag ng platoon namin.
Days went fast and the next thing I knew, bigayan na agad ng card. I worry about my grades dahil naging busy ako sa activities this past few days kaya hindi na ako sigurado kung maayos ba ang mga naipasa kong assignments.
Lumapit sa akin si Raguel ng nakangisi. "Congrats."
"Ha?"
"Fourth ka."
BINABASA MO ANG
Gazing At The Star
RomanceCleo Harriet Litana High school series They say that highschool life is the best and so Cleo can testify to it. Cleo Harriet Litana is a good role model student, na mahilig magcutting classes. She is a leader pero mahilig magcutting. Matalino, pe...