Seventeenth Gaze

0 0 0
                                    

Seventeenth
Cleo's
Home

Hindi pa rin mawala isip ko ang mga sinabi ni Raguel last time we saw each other. Pero hindi pa din naman s'ya nagpapakita sa akin.

Nagkukumpulan sila. Hindi ako makalapit dahil hindi ko alam kung gusto ba nila akong kausap.

Tumayo ako para kumuha ng tubig pero hinigit nila ako at pinatabi ako sa kanila.

"What can you say about Raguel Rothschild?"

"What?" nagtataka kong tanong

Bumaba ang tingin ko sa nakabukas na laptop nila. And there, a photo of Raguel with someone I don't know? Nakahawak s'ya sa kamay ng lalaki at halatang tumatawa.

Napangiwi ako, "Maybe he's... maybe it's a dare?"

Umiling agad ang katabi kong gay artist and he laughed, "I swear, sister! He's a gay! I can smell his rotten masculinity!" sabay tampal sa braso ko. "Oh my god! With those biceps! Hmm! I wish he would eat me!"

Dali-dali na akong umalis sa kumpulan nila dahil inistalk na nila si Raguel. Pakiramdam ko kahit hindi ako ang nang-istalk ay malalaman ni Raguel na inistalk ko s'ya. And its a big no for me!

I spent the whole day fixing my arts and helping the staffs arranging the exhibit. Gladly, I wasn't bored. Maybe its because I enjoy what I do. When we're happy, we don't notice the time but we're spending the present. Kumain din kami sa labas ng mga kasama kong artist. I wasn't bored with their company and I guess its a good thing. Hindi ko naramdamang gusto ko ng umuwi ng maaga kahit malayo pa ang uuwian ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bukas ang tv pero walang nanonood. Baka nakaligtaan na naman ni Louise patayin.

"Louise! Andito na ako!" dire-diretso ako sa kusina at nilagay agad ang mga dala kong pagkain sa ref. Pagkain pa namin 'to bukas kaya sayang. "May pagkain dito. Init mo na lang kapag nagutom ka!"

"What time is it, Miss?"

Napahawak ako sa dibdib at nilingon ang nagsalita. Malagong ang boses at nakasandal sa dingding.

"What are you doing here?" nanlalaking matang tanong ko.

Nakahalukipkip ang braso n'ya at seryoso ang tanong sa akin, "Bakit ngayon ka lang?" sinilip n'ya ang kanyang wristwatch

"Bakit ka andito?"

"Gab and Louise went out. I waited for you here." he said coldly

"So why are you here?"

Sa totoo lang kinakabahan pa ako na nandito s'ya. 

"Malayo kasi ang exhibit dito kay Louise. Nagdinner din kami nung mga kasama kong artist. Nagkasiyahan lang kaya... ayon."

Naglakad s'ya palapit sa akin kaya kinagat ko ang labi ko. Mas lumalakas ang lagabog ng aking dibdib at nanlalamig ako. Tumigil s'ya sa harapan ko at pinitik ang noo ko. Parang late pa na nagsink in sa akin na pinitik n'ya ako. Hindi ako nakapagreklamo.

"Lumipat ka na lang kasi! Ano 'yan, ganito ka laging oras makakauwi? Tapos anong oras ka matutulog? Anong oras ka gigising? Baka mamaya ang kumukuhit na sa'yo, si Hesus!"

"Pinanganak ka bang oa?"

"Pinanganak akong gwapo. May angal ka?"

Hinapyawan ko ng tingin ang anyo n'ya ngayon. He's wearing a black tshirt with a minimalist statement of 'She's my Queen' paired with a white shorts and a white shoes to top it all. True... gwapo nga. Pero suplado ang mga mata n'ya ngayon. Parang lilitisin ako.

"Eh bakit ka andito?"

"I waited for you here hoping I'll have a nice dinner with you."

Kinagat ko ang labi ko, not knowing what to say. Parang feel ko lahat ng sasabihin ko sa kanya ay kakainisan n'ya.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon