Fourth Gaze

4 0 0
                                    

Cleo Harriet's
Fourth Gaze
Cleaners

"Hahatid kita."

Tumayo lang si Raguel sa harap ko at tiningnan ako ng mabuti. Walang halong biro ang expression ng mukha.

But I better not take it.

"Huwag na."

'Wag na at aasa lang ako sa'yo. May ka-m.u. ka na pala.

"Bye!" Kumaway ako sa kanila.

Kinabukasan ay ang daming absent.

Tiningnan ko ang orasan at nakitang hindi pa nadating si Raguel sa normal na oras ng pagpasok n'ya. Aabsent din ba s'ya?

Plano 'yon ng mga kaklase namin. Usapan sa gc na hindi na lang daw sila papasok kasi wala namang masyadong nagtuturo ngayon.

Pumasok ang teacher namin at nilingon ang buong room.

"Ang dami namang absent. Bakit madaming absent?"

Sabay naman no'n ang pagpasok ni Raguel. Nilingon n'ya ako tapos dumiretso sa katabi ko. Doon din n'ya nilagay ang bag at bahagyang inusod ang bangko palapit sa akin.

Nagturo ang teacher namin at sinabi sa aming hindi na m'a ulit ituturo ang tinuro ngayon. Kaya todo notes ako.

Habang si Raguel naman ay chinecheck lang ang laman ng bag ko. Buti na lang at hindi n'ya ako dinadaldal.

Sinusulyap sulyapan ko s'ya at nakitang chinecheck isa-isa kung nasulat ang mga ballpen. Nagsusulat din sa likod ng notebook ko ng kung ano-ano.

"So, maglista kayo ng name n'yo and then signature dito bago mag-uwian, okay? I will notify the guard na pauwiin na kayo." Pagtatapos ni Ma'am sa klase.

"Yes, Ma'am!" We said in chorus.

Pumila ako sa likod nina Trish at nilingon ang nasa likod ko. Si Raguel. Kinuhit n'ya ako kaya nilingon ko s'ya.

"Ano?" Masungit kong tanong at tinaas ang kilay ko.

"Hindi ako 'yon!" Tanggi n'ya.

Maya maya ay may kumuhit na naman sa akin! Naiirita ako. Nilingon ko s'ya ulit. "Huwag nga." Banta ko.

Pero parang wala s'yang narinig at kinuhit ulit ako! Argh!

"Isa!"

Nakangisi s'ya sa akin. "Dalawa."

Kinuhit ulit ako kaya lumingon na ako ng tuluyan. "Huwag nga, Raguel! Kakainis na ha!"

"Cleo."

Hindi ko s'ya nilingon dahil libat na naman ang kakulitang taglay niya.

"Cleo!"

"Cleooo~"

"Cleo!" May kasama ng kuhit ang pagtawag n'ya kaya naiinis na nilingon ko s'ya.

"Ano? Ano na namang kalokohan mo ha?" Mataray kong saad.

He smiled at me. "Palit tayo. Uwing uwi na ako."

"Bleh! Ayaw ko nga."

"Palit tayo, dali na."

Ngumiti ako sa kanya ng sarkastiko "Kung uwing uwi ka na ay umalis ka na. 'Wag ka ng pumirma para absent ka na din."

"Palit pa din tayo. Bilis na. Damot mo naman."

Sinapak ko s'ya.

"Ako kasi muna." Pangungulit n'ya.

"Ako nga muna! Pumila ka kaya!"

"Nakapila ako ah?" Tumatawang sagot n'ya. Pilosopo!

Nagsapakan kami sa pila at hindi napansing nakatingin pala ang ilan sa kaklase namin. Nang tumigil kami ay nagtawanan sila.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon