Thirteenth Gaze

2 1 0
                                    

Cleo Harriet's
Thirteenth Gaze
Prayers

"Kaklase mo pala dati 'yung Raguel Rothschild?" napatingin ako sa Editor-in-chief namin na nagniningning ang mga matang nakatutok sa akin.

She's a fourth yr student and I do not totally like her attitude because she's an extrovert and kabaliktaran ko. Feeling kaclose na n'ya kasi kami lahat agad. Or maybe she needs to be since she is the leader. However, siguro naman sa first meeting dapat hindi s'ya ganon ka-o.a. agad ang approach.

Ngumiti na lang ako ng napipilitan sapagkat... is she referring to the same guy I know?

Winagayway n'ya ang kamay, "Ano ka ba! 'Wag ka ng mahiya. Bago pa kayo iaccept sa publication, inistalk na namin kayo. S'yempre for background purposes din."

"Uhm... Alvarez. Raguel Alvarez 'yung kaklase ko dati." hindi ko alam kung siya din ba yung tinutukoy niyang Rothschild.

"They are the same person!" she said like a matter of fact.

And then the noise started bugging around each of the corner of our club. Each of them have their own comments about Raguel being my classmate back in high school.

Narinig ko na malayo na raw ang nararating ni Raguel sa America. The last time I heard ay nagdraft na s'ya something sa isang college basketball team and nagtetrain to be an NBA player. Parang ang layo na ng nararating n'ya samantalang ako... nandito pa din. Sa isang local college. Wala pang nagagawang pangalan. Samantalang s'ya, nandon na sa abroad at sikat na. May nagagawa na. Pride na ng bansa... charot. Iba na nga ang apelyido na Raguel Rothschild... even his name sounded unfamiliar.

Kaya parang mas malayo na ang agwat namin sa isa't isa.

Ang hirap na lalo niyang maabot.

Sa sobrang bilis ng panahon, prelims na agad namin ng 1st yr of college. Hindi naman sa ayaw ko na pero napapagod talaga ako. Parang sobrang bilis ng shifting from highschool to college. Hindi ako sanay na wala ang ilan sa kaibigan ko. Nalulungkot pa din ako kahit may ilan na akong nakakasama.

I sent a like emoji in our class gc way back high school. The others sent their different emojis too.

'Miss ko na kayo! Wala man lang nagsabi sa atin na ganito pala kahirap ang college.Iiyak na lang ako! Bring me back to my highschool days!'

I smiled with Louise's rants.

Hindi pa ako nagtatype at irereply ko sanang p'wede naman siyang bumalik sa high school ay tumawag na ang isa sa kanila. I immediately joined the call and maingay na agad sila. Kani-kaniyang mga kwento tungkol sa kani-kanilang mga paaralan.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng magjoin si Raguel sa call. Natigil din sa pag-uusap ang mga barkada ko at tiningnan kung si Raguel pa talaga ang nagjoin.

'Hala kilala pa pala tayo niyang ungas na 'yan!', Kean said which made everyone laughed. "Akala ko limot na tayo n'yan."

"Ikaw lang naman daw kalimot limot." pambabara ko at tumawa din sila sa sagot ko.

Pasimple kong tiningnan ang screen ni Raguel. Pumuti s'ya ng kaunti at tila nagmature ng bahagya ang mukha pero mas gwumapo. Is this the closest look I had with him?

"What the fuck, bro? You have a class?!" tanong sa kanya ng isang lalaki.

Nilingon ko ang screen at nakitang kinausap ni Raguel ang tumawag sa kanya. He laughed and looked at the screen once more.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon