Twelfth Gaze

6 1 0
                                    

Cleo Harriet's
Twelfth gaze

Nanalo ako sa SSG nang araw na 'yon. Ngunit wala talaga akong maramdamang kasiyahan. Hindi ako masaya dahil nagbago na agad ang feelings ni Raguel.

Paano naging gano'n? Bakit? Bakit ang bilis maglaho ng feelings n'ya? Ramdam ko. Naramdaman kong may pag-asa ako sa kanya kaya bakit gano'n?!

Bakit?

Dahil naging SSG secretary ako at C.A.T. officer, president pa ng class, naging mabilis pero busy ang school year na ito para sa akin. Hindi ko na din gano'ng nakausap si Raguel. Hindi na s'ya tumatabi sa akin.

Iniwasan ko din sila ni Aira. Ako din ang lumayo.

Napahilot ako sa sentido dahil hindi pa kami nangangalahati sa ginagawang movie project sa Filipino na El Filibusterismo. Ang hirap maging director! Laging kulang kulang ang characters at puro dahilan ng mga gagawin nila!

Ako ba walang gawa?! Kakainis!

"Hoy!" Sigaw ko sa paalis na si Raguel. "Saan ka na naman pupunta?!" Nagtataray kong tanong. Paalis s'ya.

He bit his lower lip "May sched ako ng basketball."

"So?" Nakataas kilay kong tanong. "Baka nakakalimutan mong importante ang role mo dito, ano?" Sarkastiko kong saad.

"Babalik kasi ako, pramis. Susunod ako. Tatapusin ko agad ang laban para sa'yo. Ipapanalo ko pa." Seryosong saad n'ya.

He removed the polo he's wearing and give it to me. "Eto na."

"Pwede na akong umalis?" Nanantyang tanong n'ya.

Pumikit ako ng mariin at tumalikod sa kanya. "Babalik ka talaga dahil kakatayin kita kapag hindi! Bilisan mo! Nakakainis kayo!"

Hinarap ko ang mga kaklase kong parang walang pakialam na stress na ako. "Hoy! Makaramdam naman kayo! Nakakainis na kayo ah?! Nakakastress kayo! Kapag hindi pa kayo nag-ayos, humanap na kayo ng bagong director at president ng klase!"

Nagtahimikan sila at nagtanong ng mga gagawin. Natakot sa banta ko.

Nakataas ang kilay kong hinarap si Aira na nakatingin sa polong nasa braso ko. There's a pain in her eyes at wala na akong pakialam! Basta stress ako ngayon at huwag na s'yang dumagdag dahil baka makapagsalita lang ako ng masama.

"Ano!" Suplada kong tanong.

Umawang ang labi n'ya at mukhang naghahanap ng iimikin. "Kay Raguel 'yan? B-bakit nasa iyo?"

"Oh!" Inabot ko ng padarag sa kanya at inismidan s'ya. "Sayo na. Para namang aagawin ko sa'yo si Raguel kung makaasta ka! Isaksak mo sa baga mo dahil hindi ko naman aangkinin si Raguel sa'yo. Sa'yo na s'ya. Hiyang hiya naman ako."

Sabay talikod ko pero nasa likod pala si Raguel.  Nakatiim ang bagang at nakakatakot ang expression pero mababanayad ang kakaibang emosyon sa mukha n'ya. Its pain.

Umiling iling s'ya. "Magsstay sana ako dahil kailangan mo ako." Mahinang bulong n'ya. "Pero mukhang hindi talaga ako magiging kakulangan 'no?"

"A-akala k-ko a-aalis k-ka n-na?"

He smiled half heartedly. "Cleo, when you trusted me with something, I'll take good care of it like a precious jewelry as if it was you. That means, when I entrusted you with something, I expect you to take good care of it like how I'll take care of yours. But it seems like you really don't care about my things... y-you d'don't c-care about my feelings."

"R-raguel." Humapdi ang mga mata ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam.

Tumalikod s'ya sa akin at nagsimula ng maglakad. Akmang susunod ako pero humara si Nathan at pinakita sa akin kung tama ba ang suot n'ya.

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon