Cleo Harriet's
Second Gaze
Basketball and badminton"Bakit hindi ka na nagstripes?" Tanong ni Mama.
Ngumuso ako at umismid. "Baka imikan na naman ako nung kaklase ko."
"Sana sinabi mo dun sa kaklase mo, buti ng stripe kesa naman strike." Natatawang sabi ni Tatay.
Uminom ng tubig si Kuya tapos biglang tinaas ang kamay. "Hoy, si Raguel ba? Crush ka daw no'n ah? Sabi nung mga tropa ko! Hindi ata n'ya alam na kuya mo ako."
"Ako?"
"Oo! Bagamang ako!"
Inasar tuloy ako buong gabi nina Mama at Tay.
Busangot tuloy ang mukha ko kinaumagahan.
Habang nakain kami, tiningnan ako ni Tatay ng malamlam. "May kaibigan ka na ba sa school?"
"Wala pa 'yang kaibigan, Tatay. Laging nagbabasa 'yan o kaya ay nagpipinta." Sumbong ni Kuya.
Nagkatinginan si Mama at Tatay. Bumakas ang worry sa mukha nila. Yes. They always worry about me because I am not really friendly.
"Ika'y makipagkaibigan man lang. Ikaw ay high school na, anak." Bilin ni Tatay.
Mahiyain talaga ako. Natatakot akong mag-approach.
Napatingin ako sa damitan ko at napangiti. After two weeks of being conscious sa susuotin ko, matatapos na ang paghihirap ko.
Buti na lang, maguuniform na ako ngayon.
Hinanap ng mata ko si Raguel. Wala pa din s'ya? Late na naman? Kung gaano ako kaagang napasok, gano'n naman s'ya kalate. Nagagawa ko pa ngang maglinis ng room bago magdatingan mga kaklase ko eh.
If there is one word to describe him, I'll say pasaway.
Lumipas ang mga araw at may mga naging kaibigan na ako na nakakasama. Si Trish at Louise. They are nice company but kind of so loud.
Mahilig silang magjoke, kumain at kumain.
Nakakaclose ko din si Apriah. May gusto kay Raguel. Ang dami ngang nagkakagusto sa ungas na 'yon. Siguro dahil may itsura at masayahin.
Bumaba ako sa canteen para tumingin ng kakainin.
"Hi, Cleo!"
Nilingon ko ang mga tumawag sa akin. Nasa gazebo sila.
Ngumiti agad ako at kumaway sa mga kabarkada ni Kuya. Mga napunta na sila sa bahay kaya pamilyar na ang pagmumukha nila sa utak ko.
Kasama nila si Raguel. Nasa gitna s'ya specifically. Mukhang may mga pinag-uusapan.
Doon na lang din ba ako kakain? Nandon ang kainan eh. Dumiretso na ako sa gazebo dahil puno na ang canteen. May tables din naman don.
Nang lalampasan ko sila, tinawag ulit ako.
Nilingon ko sila. "Bakit?"
Tinulak nung malaking barkada ni Kuya si Raguel sa harapan ko. Bakit? Napakunot ang noo ko at tiningnan si Raguel na namumula ang mukha.
"Bakit?" Ulit ko.
"Si Raguel nga pala oh!"
Naghiyawan sila at pilit tinutulak si Raguel sa akin.
"Yah. I know him. Kaklase ko s'ya."
Pagkatapos ay tumalikod na ako at dumiretso sa table kung saan naroon sina Louise at Trish. Tawang tawa na naman.
BINABASA MO ANG
Gazing At The Star
RomanceCleo Harriet Litana High school series They say that highschool life is the best and so Cleo can testify to it. Cleo Harriet Litana is a good role model student, na mahilig magcutting classes. She is a leader pero mahilig magcutting. Matalino, pe...