Seventh Gaze

4 0 0
                                    

Cleo Harriet's
Seventh Gaze
Chicken

I spent my summer working at my Auntie's store. Malaki laki din ang bayad n'ya tapos pakain ng tanghalian. Kaso nga lang gabi na ang uwi masyado. Pero kasama ko naman ang isa kong pinsan kaya ayos na din.

Ngayon, nag-aantay akong dumaan ang parada. Kasali daw sa basketball sina Raguel. Siguradong nandito s'ya.

"And'yan si Raguel!" Kinikilig kong bulong sa pinsan ko. Kinurot kurot ko pa s'ya ng makita ang team nina Raguel. Asan si Raguel?

Maya maya lang ay nakita ko na si Ramiel at sa katabi n'ya ay si Raguel nasa dulo sila.

"Sino d'yan?"

Kinurot ko si Crisha at pinandilatan. Ang lakas ng boses n'ya. Maririnig s'ya eh!

"Yung Alvarez."

Nasilayan ko na si Raguel. Palapit ng palapit sila sa kinaroroonan ko. Napabaling ako kay Ramiel na nakatingin sa akin at mukhang nagulat. Bumaling s'ya kay Raguel kaya bago pa humarap si Raguel sa akin ay pumasok na ako sa loob ng tindahan.

"Harriet!" Sigaw ni Ate Crisha pero hindi ako lumabas sa tindahan. Baka and'yan pa sina Raguel!

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Buti na lang dahil kahit papaano, hindi na ganon kalala ang pimples ko. Hindi tulad noong nakaraang taon na literal na nagkampo sa mukha ko ang mga letseng pimples.

Nag-enroll lang ako ngayong mismong araw na ng pasukan.

Pagpasok ko sa room, as usual maingay na naman. Namiss ang isa't isa ng mga kaklase ko. Dumiretso ako sa upuan nina Trish.

Hiwalay ako sa kanila? Nasa likod lang ako.

Nakaramdam ako ng inis. Parang kapag sila naman, nirereserve ko ng upuan pero kapag ako kahit malayo, ayos lang sa kanila. But I just don't want to ruin the mood. First day na first day ng school, mawawala ako sa mood?

Nakangiti sa aking kumaway si Louise. "Kli!" Yumakap s'ya sa akin ng mahigpit. "Kahit lagi tayong magkachat namiss kita!"

"Teka lang, may aasikasuhin pa ako sa faculty."

Bumalik ako sa faculty at nagsign ng mga kailangan. Kumuha na din ako ng mga libro. Installment ko na lang babayadan. Bumalik ako sa room at wala pa ding teacher.

"Cleo! Vice president ka!"

"Ha?"

Tumakbo palapit sa akin si Louise na nakasimangot. "Cleo! Ako 'yung binotong President tapos ikaw 'yung vice!"

"Bakit ako?!" Napasigaw ako.

"Tahimik!" Sigaw ko sa buong klase dahil ang ingay masyado. Malapit pa naman kami sa faculty room baka mamaya ay naaaward na naman kami ng mga guro.

Hinarap ko si Louise ng nakataas ang kilay. "Bakit ako? Wala naman ako dito noong nagbotohan ah? Hindi dapat counted 'yon at wala ako. The voting counts is invalid."

Lumapit sa akin 'yung president namin noong grade-8 at tinapik ako sa balikat, si Janine. "Ikaw na. Matino naman kayo."

"Anong gagawin nating plano?" Tanong ni Louise at mukhang napepressure. "Uy, Kli. Hindi talaga ako magaling na leader. Kung gusto mo, ako na lang ang magpapatupad tapos ikaw ang magpaplano."

"Sige. Ayos lang." Lumingon-lingon ako at nakitang madami kaming sirang bangkuan. "Announce mo na ang makikitang nakaupo sa desk ay pagmumultahin ng limang piso para magkapondo. Tapos magiipon tayo ng piso-piso sa araw-araw."

Louise went in the middle and announce the plan to the class. As usual, lahat sila mga umaangal. S'yempre mga kuripot.

"Cleo!" Sigaw ni Janine. "Tamo si Raguel oh! Naupo sa upuan! Kakasabi mo lang na huwag umupo sa upuan eh!"

Gazing At The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon