Cleo Harriet's
Ninth Gaze
CanteenMabait pala ako para kay Raguel? Pinalo palo ko ang pisngi ko dahil do'n. Kinikilig ako!
Mabait daw ako sabi ni crush, Mommy!Days went pass by and js prom is near.
Hindi kami magkapartner sa js. Mataas kasi s'ya masyado at maliit naman ako. So definitely, 'yung tatapat lang sa height n'ya ang magiging partner n'ya.
Argh, pati sa cutilion hindi man lang kami nagkadaupang palad?!
Umuwi din ako kaagad noong mismong prom because I was sick! Hindi ko man lang naenjoy! Ni ang makasali sa class pic, hindi ako kasali!
Pumasok ang adviser namin at pinatahimik kaming lahat.
"Before 4th grading examination, we will have a recollection. I expect everyone to attend okay?"
"Yes, Ma'am!"
Pagkalabasan ay hinila agad ako ni Trish para kumain ng kwek-kwek.
Namumuulan pa s'ya habang kwento ng kwento.
Sa nakaraang mga taon, they are my companion. They are all my bestfriend in different aspects. Si Trish na laging one call away, lagi akong sasamahan at lagi kong nakakasama sa tuwing ayaw kong pumasok. Riah na lagi kong openan ng tungkol sa mga kalandian. At si Louise na laging handang makinig ng lahat ng chika ko.
They also made my high school life.
"Gusto kong magpa-bangs." Sabi ni Trish. "May malapit lang ditong pagupitan. Tara? Samahan mo ako."
Nagsasaing si Mama nang dumating ako. Nakain ng chicharon at tumawa agad ng makita ako.
"Ano 'yan?! Bakit ganyan ang gupit mo?!"
Sinimangutan ko s'ya at hinawakan ang dulo ng bangs. Napaikli. Mahal pa naman ng bayad ko, forty! Tapos ang ikli at kibing pa!
"Aayusin ko nga! Ano ba 'yan?!"
Mama took care of my failed bangs but I am still not confident about it.
Late akong pumasok. Nakapila na sila sa isang linya at nagsasalita na sa unahan ang principal. Mga reminders lang sa pupuntahan namin. And here I am, ashame of my hair!
"Cute mo, Cleo."
Sumimangot ako, hindi ko alam kung totoo ba.
Naupo ako sa padulong part. Ayaw kong tatawagin ng recollection master. Nasa unahan si Raguel at lumingon. Nagkatitigan kami pero umiwas din s'ya agad. Maya maya ay lumingon na naman s'ya.
Raguel keep on looking at our direction! Ako ba ang tinitingnan n'ya?
"Klie! Pasalubong ha!" Saad ni Nathan. "Ahem, ube jam at strawberry jam lang."
"Sige. Ikaw lang nagsabi sa aking pasalubungan ko kayo eh."
Dali-dali akong lumabas ng campus dahil hindi pa ako naggagayak ng mga gamit. Nang lumingon ako, naglalakad palapit si Raguel at Kian.
"Cleo!" Sigaw ni Raguel. "Sumali ka na lang sa group namin sa Science. Gagawa kami bukas at sa saturday."
"Kina Louise na ako eh. Saka hindi ako available bukas."
Kumunot ang noo n'ya. "Bakit?"
"Aabsent ako."
"P're, magbabakasyon daw sina Cleo." Kwento ni Kian. Saan naman n'ya nalaman 'yon?
"Saan?"
Saktong may tumigil na tric sa harapan ko. "Aalis na ako. Bye!"
"Pasalubong!" Nakangiting saad ni Raguel bago tuluyan akong makapasok sa tricycle. Nilingon ko s'ya pero naglalakad na s'ya palayo.
BINABASA MO ANG
Gazing At The Star
RomanceCleo Harriet Litana High school series They say that highschool life is the best and so Cleo can testify to it. Cleo Harriet Litana is a good role model student, na mahilig magcutting classes. She is a leader pero mahilig magcutting. Matalino, pe...