Nineteenth Gaze
Cleo's
His birthdayYakap yakap ko ang umiiyak na si Louise. She called me and asked me to go home in her house. She's breaking down when I arrived. Nagbreak ata sila ni Gab. Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang mga hinanaing at niyayakap s'ya ng mahigpit.
Hinihika na nga s'ya ay ganito pa ang nangyari.
Nagresign na din daw s'ya.
Hays.
"Kung ayaw nila sa akin, edi huwag! Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko!" saad n'ya.
I sighed heavily, "Did you talk to Gab already?"
"Oo! Nakipagbreak ako sa kanya!"
Tinawagan ko na din si Mutya at April. Mutya said she's coming while April said she won't because she has a duty. Dalaw na lang daw s'ya sa day off n'ya.
Tiningnan ko ang cellphone ko nang dumating si Mutya.
"You know what girls? Hindi dito ang place para magmukmok! Dapat sa atin magbar!" anyaya ni Mutya at pabirong tinampal ang pisngi ni Louise. "Sa halip na umiiyak ka over sa isang lalaki, dapat s'ya ang umiiyak sa'yo."
Tumayo si Louise at nagpunas ng luha. "Tama! Tangina ng pamilya n'ya! Ginagawa nila akong alikabok, eh hindi lang naman apo nila ang tao sa mundo!"
I bit my lips. "Uhm, hindi na tayo pupunta kay Raguel na birthday, Louise?"
Sinabunutan ako ni Mutya at pinandilatan ng mata. "Break na sila ni Gab, 'di ba? Ano pang point na pumunta tayo do'n?"
"Eh kasi nagpromise ako kay Raguel."
"Ay nako! Pinapaasa ka lang no'n! Kita mo nga, nasa mansion nila 'yung rumored fiancee n'ya! Kagabi pa!" saad ni Louise at kinuha ang cellphone para ipakita sa akin. "Alam mo, Cleo, sa klase ng pamilya nila, ang gusto nila ay kalevel din nila! Tayo, itatrato lang nila tayong isang tuldok. 'Wag na tayong maniwala sa mag-pinsan na 'yan!"
Kinakabahan na ako.
"Let's teach those jerks a lesson! Hindi nila dapat ginaganito ang mga best friend ko!"
Napipilitan akong nakisabay sa mga gusto nilang dalawa sapagkat parehong broken hearted. Nagpasya silang um-aura. Nagpicture taking kami gamit ang mga swimsuits at lingerie na dinesign ni Mutya at kami ang ginawang model.
'Break up celebration' Louise's caption in her accounts.
Tanging camera ko lang ang hawak ko dahil kinuha nung dalawa ang cellphone ko.
Tingin ako ng tingin sa oras kasi pumangako ako kay Raguel.
Nasasaktan ako kasi hindi ko na naman tutupadin ang aking pangako though at some point, hindi naman ako kawalan do'n. There are lot of people who are willing to entertain and please him. 'Yung mga taong kalevel n'ya.
Nang sumapit ang gabi ay nag-aya naman si Mutya na magbar kami ng tuluyan. Since I am with Mutya, she forced me to wear a daring nightclub dress.
Uminom kami sa isang club at nagreserve ng VIP room. May mga lalaking nagsasayaw na almost naked na. Tuwang-tuwa naman si Mutya at si Louise rin na mukhang ngayon lang nakapag-enjoy.
Kahit na nag-iinom kami at nagtatawanan nina Mutya, I keep on wondering what he's doing now. Is he having fun too?
But am I having fun? Nakikisama lang ako dito sa dalawa pero hindi maalis sa isip ko na hindi ko na naman tinupad ang pangako ko kay Raguel. Ako na naman ang sumira.
Natapos na ang show from the dancing men kaya natahimik na ang room.
Lasing na rin si Louise dahil hindi naman talaga s'ya nag-iinom. Nakahiga na sa sofa at nakatulog na pansamantala. Si Mutya naman ay bumaba para makipaglampungan sa kung sino daw mabibingwit niya.
BINABASA MO ANG
Gazing At The Star
RomanceCleo Harriet Litana High school series They say that highschool life is the best and so Cleo can testify to it. Cleo Harriet Litana is a good role model student, na mahilig magcutting classes. She is a leader pero mahilig magcutting. Matalino, pe...