Chapter 11
"Sasama ka ba sa amin?" yaya namin kay Rosefe.
Nag-isip pa kuno ito pero in the end ang sagot niya ay, "oo naman, I want to be friends with you guys din." Hagikgik pa ni Rosefe.
"Yay! Dumadami na ang group of friends natin, ang saya!" tuwang-tuwa na sabi ni Peter.
Napangiti na lang din naman ako. Akalain mo 'yon, may mga pahanon at oras talaga hindi mo inaasahan. Darating talaga 'yong puntong sasaya ka na lang bigla. I've never expected na magiging ganito pala kasaya ang magkaroon ng kaibigan. I never knew that it was super duper happy to be with them lalo na ngayon na lumalago na 'yong friendships namin. Dati si Erika lang ang tinuturing kong kaibigan but then nandiyan pala sila Peter at Grace at mas lalong gumulo pero kakaibang saya na binigay nila sa buhay ko.
Hindi na rin ako masyadong napagti-tripan ng kung sino sino man pero may isang tao pa rin talaga na nanaig at hindi nagpapatalo kundi ang nag-iisang si Elaine.
Break time namin ngayon at napagpasyahan namin na magpunta sa canteen syempre. Nang maka-upo naman kami doon sa naging table na namin ay sakto naman for five seat actually six seats nga ang meron pero lima lang naman kami so maluwag pa talaga. Nag-agawan din kami sa upuan an 'yon dahil kung sino rin ang mahuli ang siyang bibili ng pagkain at dahil nahuli nga ako, hindi sa mabilis sila, hinaharangan lang talaga nila ako.
"Ang da-daya niyo talaga." Sabi ko pa.
Binelatan naman ako ni Grace, "ang kupad mo kasi eh. Tingnan mo 'tong si Rosefe, kabago-bago sa friendship natin, naunahan ka pa."
"Oo nga kahit mataba!" dagdag pa ni Peter.
Natawa naman si Rosefe na parang baboy. Natigil naman kami sa pagtawa niya dahil nakahawak na siya sa tiyan at sabay sabay din kaming natawa. Natigil lang kami dahil napapansin na rin pala kami ng ibang estudyante tapos nilapitan na kami ng ibang staff ng canteen dahil sa ingay namin kaya noong umalis ang staff ng canteen ay naghagik-gikan na lang kaming lima.
Binigay naman nila sa akin 'yong mga pambili nila ng pagkain nila at tumungo naman ako kung saan naka-pwesto ang mga tinda. Pinagkukuha ko naman 'yong mga pinabili nila sa akin, mga snacks and juice at binayaran kaagad ito sa cashier. Hirap na hirap naman akong bitbitin 'yon pabalik mabuti na lang ay inalalayan ako ni Peter pero kinuha niya lang din 'yong kanya.
"Baliw si Peter, hindi man lang ako tinulungan." Asar kong sabi sa kanya at pinamimigay ko naman sa kanila 'yong binili at naupo rin naman sa silya ko.
"Jacob!" halos kaming lima ay napatingin sa tumawag ng pangalan ko at nang makita naman namin 'yong babaeng boses na tumawag sa akin ay sa akin naman sila tumingin.
"Jacob, pinagpalit mo na si Elijah?" pabulong nila na sabi sa akin.
"Naku! Kapag nalaman ni Elijah 'yan, broken hearted ang aabutin no'n." sabi pa ni Grace.
"Jacob!" at nang makalapit naman sa amin si Aly ay nakangiti pa rin ito pero itong mga kasama ko ay parang ngiting aso dahil hindi nila ma-gets kung ano bang meron dito kay Aly, sinabi ko na rin naman sa kanila na atezoned ako dito dahil mas matanda siya sa akin, so okay na rin ang hangaan siya. "Libro mo nga pala." At inabot naman nito sa akin ang libro.
"Hala! Oo nga 'no! Nakalimutan ko na 'to! Salamat!" wagas na ngiti ko kay Aly at naramdaman ko naman ang pangingiliti sa akin ni Peter na katabi ko. Pinipigilan ko na lang din kaya nauwi sa ngiwi ang ngiti ko sa kanya. "Sa library mo ba 'to nakuha, salamat talaga!"
BINABASA MO ANG
ELF
Teen FictionBoring, Nerd at kung ano ano pa ang pang-aasar na binabato kay Jacob ngunit para sa kanya, iniiwasan na lang niya ang mga ito para hindi na umabot pa sa gulo. Wala siyang friends na tinuturing. Loner ka nga tutuusin pero sa isang pagkakataon at pang...