Chapter 2

271 9 0
                                    

Chapter 2


Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi dahil kinakabahan ako kung makita ko man 'yong Erika na 'yon. Nakakahiya lang kasi. Ewan. Hindi ko lang talaga feel ang sense of being with friends at ang tinatawag nga nilang bestfriends. Matagal nang hindi nage-exist 'yon sa sarili ko dahil every now and then, I don't trust them.

            Pero hindi ko pa rin alam kung kaya kong makita 'yong Erika na 'yon.

            Napapailing na lang ako.

            Naku! Jacob, ang gagawin mo lang naman. Pumasok ka lang sa school, makinig at 'wag mong isipin.


~Sarah's POV

It was a fine morning. Malapit na magbakasyon, malapit na rin matapos ang school year na 'to. Hoping nga ako na sana nasa top section ako kundi hindi ko na alam ang mangyayari.

            "Sarah!" napatingin naman ako sa babaeng tumawag ng pangalan ko at nakita ko naman si Elaine na tumatakbong palapit sa akin. "Sabay tayo!" masaya pa nitong sabi sa akin ng makalapit siya sa akin.

            Bahagya ko lamang siyang nginitan at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

  "Oo nga pala Sarah, kailan balik mo sa Baguio?" tanong nito sa akin.

  Kunot noo ko naman siyang tiningnan, "bakit?"

 Ang laki ng ngiti niya sa akin bago sumagot. Na-weirduhan naman ako bigla sa kanya pero hindi ko na maaalis 'yon dahil parang inborn na sa kanya 'yon. "Baka pumunta rin kami doon, magkita pa tayo." Hagikgik pa niya.

 Napangiwi na lang ako sa kanya. "Sana nga." Tugon ko na lang sa kanya.

 Tuwing bakasyon kasi, lagi kaming main-stay sa Baguio dahil may kamag-anak din naman kami doon kaya hindi na hassle sa amin kung saan kami matutulog o titira. Every year laging bakasyon namin ang Baguio, parang hometown na nga namin 'yon dahil doon kami laging umuuwi kapag tapos na ang school year. Well, sanay na lang talaga kami doon.

 "Oo nga Miss Sarah Ginina Fran, anong gagawin mo sa nangliligaw sayo?" she grinned.

 Napataas kilay na lang ako sa sinabi niya, "ay? Meron ba?"

 "Oo! You remember, Michael?"

 I nodded to him, "siya! Ka-text ko kasi siya no'ng isang araw then ayon nga, nasabi niya sa akin na gusto ka niya at gusto ka niyang ligawan." Kilig na kilig pa nitong pagku-kwento sa akin.

 Napaikot na lang ako ng mata sa sinabi niya. Mukhang siya pa ang kinikilig, mukhang siya pa ang balak na ligawan no'ng Michael na 'yon. Yeah, I've seen him before, he has the looks of Sam Milby like that pero other than that, still crush lang din naman ang nangingibabaw. Kung papatol ako? Hindi ko alam.

 Study first, landi later.

 "Ano? Ano?" pagsisiko pa sa akin ni Elaine.

 Kinibit-balikat ko lang naman siya dahil wala naman akong balak, "hindi ko alam, Elaine. Baka ikaw?"

 "Hindi ah!" tanggi pa Elaine. Alam ko naman na kung anong meron ako, kung anong malapit sa akin, susunggaban mo rin. I hate that kind of treating you as a friend. Parang nandiyan lang kapag may gusto sayo, kapag Michael-angan. Hindi ko naman sinasabi na gano'n si Elaine, but I said what I just saw.

 Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at nang malapit na kami sa gate ay bigla na lang may bumunggo sa amin pero hindi ako, kay Elaine lang. Napatingin na lang ako doon sa lalaking nalaglag ang mga libro na hawak hawak niya.

ELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon