Chapter 1

572 13 0
                                    

Chapter 1


Tahimik lamang akong nagbabasa ng binili kong libro noong nakaraang araw at nandito ako ngayon sa canteen habang nagbe-break time. Free time naman namin kaya hindi ko na aaksayahin ang oras ko na mabasa ang librong kinahuhumalingan ko pero natigil lamang 'yon nang may nagbuhos ng orange juice sa binabasa kong libro. Agad akong napatayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang libro kong nabasa na nang juice na 'yon. Napatingin naman ako sa gumawa noon at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko sa kanya. Nagtitimpi lang ako.

"There were no places like you here. This is our place, our territory, so get out." Pagtataboy pa nito sa akin.

Hindi ko na naman nagawang lumaban pa dahil babae 'yon at hindi naman maganda kung patulan ko pa siya pero hindi ko maatim kung bakit niya iyon ginawa. Isa siya sa mga bullies na noon lamang ay naririnig ko at ngayon, nabibilang na ako sa mga napagtripan nila.

Papunta na ako ngayon sa library para doon na lang muna magbasa pero mukhang hindi ko na maipagpapatuloy dahil basa na ang librong binili ko. Nakakaasar. Naiwan ko din doon ang pagkain pero dibale na kung babalikan ko pa at makita ko pa 'yong mga bullies na 'yon.

"T-teka lang!" napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa akin at nang humarap ako sa kanya ay palapit lamang siya sa akin, "binully ka rin ba nila?"

Pero hindi ko siya sinagot kundi tumakbo na ako papunta sa library. Bakit ba? Pakelam ba nila? Naaasar lang ako. Minsan kaya gusto kong mapag-isa na lang dahil sa mga taong hindi mo alam kung ano nga bang motibo sayo kaya minsan mahirap magtiwala. Kaibigan? Mabuti nang wala.

Tawagin na nilang loner, boring guy o kahit ano pa man. Kapag na-agrabyado ako, hindi ako papatalo.

Nang makarating naman ako sa library ay naghanap naman ako ng pwesto kung saan makakapagbasa ako ng mag-isa. Mapagtiya-tiyagaan pa rin naman 'tong libro na 'to. Nabasa lang naman at matutuyo rin kapag nahanginan, 'yon nga lang ay medyo lulutong na ang papel nito.

Pero nawawalan ako ng gana kapag naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Sinarado ko na lang muli ang libro ko. Kailangan ko na ba muli bumili ng bagong libro? Ayan kasi ang ayaw ko eh, kapag may iniingatan kang bagay lagi na lang nawawala o kaya kapag nandiyan may mga darating talagang hindi inaasahan kaya kailangan huwag kang dumipende sa sitwasyon. Kaya nga hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng mga kaibigan dahil nawawalan ako ng tiwala kapag may gusto silang hiramin o kung ano man. Natatakot ako sa mga taong hindi ko alam kung ano nga bang motibo nila.

Dahil nasa library na rin naman ako ay tumayo na lang din ako at pumunta sa ibang shelves kung saan may mababasa pa ako. Saka na lang ako bibili ng bagong libro. Nang mapunta naman ako sa section ng fiction and literature ay doon ako sa mga fiction stories na pumunta. Habang binabasa ko ang bawat title nito sa spine nito ay naagaw ang atensyon ko sa isang babaeng nakatitigan ko.

Mabilis akong tumalikod at napunta sa literature books. Ewan ko pero nahiya ako bigla. Hindi ako sanay na makipagtitigan sa ibang tao lalo na kapag babae iyon. Dahil tinamaan na ako ng hiya ko ay pumanik na lang ako sa room ko.

Kakaiba ang mga pangyayari ngayon.

"Hello!" nanlaki ang mata ko ng may bumulaga sa harapan ko. Hindi ako nakapagsalita. Nakangiti lang siya sa akin kasama ng mga dimples niya sa kanyang magkabilang pisngi. "Anong pangalan mo?"

"H-hindi..." hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang ako palayo pero napansin ko na sinusundan pa rin niya ako.

"Uy! Anong hindi?"

ELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon