Chapter 8

111 4 0
                                    

Chapter 8

Ilang linggo na ang lumipas simula nang magsimula ang pasukan. Sa bawat araw na dumaraan ay mas nagiging magaan ang pakiramdam ko sa mga tinatawag ko ng kaibigan. Kakaiba at masarap pala sa feeling kapag may tinatawag kang kakaibigan at kapag tinatawag ka nilang kaibigan. Nakaka-OP pa rin minsan dahil hindi ako ume-eksena sa usapan pero agad nila akong ipapasok sa usapan at mapapasama na ako sa kulitan nila. Masaya ako kasi sila ang napili—mali, rephrase natin 'yon, masaya ako kasi pinili nila akong maging kaibigan nila kahit na medyo weird ang datingan sa kanila pero hindi nila inisip na ibang tao ako. Inisip nila na kapatid nila ako.

            Sila Erika, Peter at Grace. Mabilis ang naging pakikisamahan namin sa isa't isa. Dahil noong mga nakaraang buwan ko naman din sila nakilala tapos ngayon lumabas na talaga 'yong pagiging kaibigan nila sa akin. Hindi ako nabo-bore kapag nandiyan sila pero nababato ako kapag nakikita ko siya.

            'Yong babaeng madalas din sa library. Still now, hindi ko pa rin siya kilala. Lagi ko lang siyang nakakasama sa library tuwing magbabasa ako doon. At ang nakakatuwa pa doon ay alam niya ang pangalan ko. Nagulat lang ako noong mga panahong iyon dahil one time na nalaglag ang highlighter ko na ginagamit ko minsan sa libro at notes ko ay nalaglag at hindi ko 'yon namalayan. Saka niya tinawag ang pangalan ko at tinuro ang highlighter ko na nalaglag.

            Sa ngiti niya ay nabato lang ako, nagpasalamat at lumabas ng library. Ang tanga ko lang noong araw na 'yon pero sino nga ba ako, hindi rin naman niya ako magugustuhan eh. Alam kong wala naman sa akin 'yong hinahanap niyang lalaki. Ang bata pa namin, kaya ayos na ang crush. Hindi na naman mawawala 'yon.

            Hindi pa rin ako tinitigialan ni Elaine. Tuloy pa rin siya sa pang-aasar sa akin pero ako nananahimik na lang sa kanya at ito namang kaibigan niya na si Sarah ay wala namang pakelam kundi kapag magtatama ang mga mata namin ay tinataasan niya lang ako ng kilay niya kaya ang una ko talagang impression sa kanya ay masungit pero di kagaya ni Elaine na sobra sobra na. Maganda sana eh, dahil sa kilay nito, sa kutis nito, kaibigan lang si Elaine pati siya nadadamay sa kamalditahan no'n. Di ko nga alam kung bakit lagi silang magkasama, I know naman na lyrist at member sila ng Drum and Lyre ng school pero kung anong meron 'yong isa, kailangan gano'n din sa kanya? Wow ha, over na siya. Pwede nang kasuhan ng plagiarism.

            Nasa kalagitnaan kami ng klase ngayon at mamay daw ay may quiz  kami. Nakikinig naman ako subalit nagtataka ako nang mapansin kong si Rosefe ay may kung anong ginagawa sa likod ng clearbook niya.

            Kunot noo ko namang tinanong kay Erika kung anong ginagawa ni Rosefe pero kinibit-balikat niya lang ako at sinabing makinig na lang sa teacher namin pero hindi eh. Si Grace na ang tinawag ko at tinanong kung anong ginagawa ni Rosefe at nang silipin niya ito.

            May inakto si Grace na pinipindot-pindot sa kamay niya, "nag-ce-cellphone." Aniya.

            "Palit tayo upuan." Sabi ko.

            "Bakit naman?" naiirita nitong tanong sa akin dahil nakikinig siya sa guro namin. Mga matatalino naman 'tong kasama ko eh, 'yong first quiz nga namin 15 lang ako at naka-perfect si Grace at Peter tapos 19 naman si Erika. Na-rumble rumble ko 'yong mga sagot dahil sa pagmamadali. Wala talaga akong talent sa pangongopya kaya pinagalitan nila ako, dapat daw sa susunod galingan ko na.

            "Sige, saglit lang." sabi ko pa.

            Hindi naman kami pinansin ng teacher namin na busy sa pagtuturo na lumipat kaming dalawa ni Grace ng upuan at nang makatabi naman ako kay Rosefe ay sinilip ko naman kung anong ginagawa niya. At hindi nga ako nagkamali rin sa hinala ko na nagce-cellphone siya.

ELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon