Elaine's POV
I never knew that this things will become worst. Oo noong simula naman nainis talaga ako kay Jacob dahil nabunggo ako nito. Medyo masakit sa akin 'yon kaya nainis at namuo kaagad ang galit ko kay Jacob kaya noon sa kanya na lagi nabubunton ang galit ko tapos na nalaman ko pang magiging classmate ko pa siya ay mas lalong kumulo ang dugo ko pero may other time na ano bang ginagawa ko sa kanya? Pang-inis lang sa buhay eh.
Pero habang ginagawa ko Jacob 'yon, nag-eenjoy ako at natutuwa sa mga pinag-gagawa ko sa kanya hanggat sa nagkaroon siya ng group of friends. Noon pinipigilan ko si Sarah na makipagkaibigan kay Jacob dahil ano, kaibigan ko si Sarah tapos gano'n gano'n lang 'yon. No way. Sinabihan ko si Sarah na 'wag at tarayan lagi si Jacob at naging successful naman ang plano kong iyon.
Pero habang tumatagal nakakasawa na pero nang maging kaklase ko na naman siya no'ng third year kami bumalik na naman sa akin 'yong enjoyment na ginagawa kong treatment kay Jacob pero mas nagkaroon akong chance na sirain siya sa mga kaibigan niya no'ng naungkat ang issue niya with Elijah. Nakakapang-selos na kasi siya ang saya saya niya sa mga kaibigan niya tapos itong si Sarah pa ay iniwan ako at binatuhan pa ako ng salita na copy cat niya daw ako. Mas nainis talaga ako doon kaya ginawa ko noong nagkaroon ako ng chance na sirain si Jacob sa mga kaibigan nito ay ginawa ko na.
Nang magtagumpay naman ako ay lumayo ang mga loob nito sa kaibigan nito. Halos sa akin na muli sumasama si Sarah pati ang mga kaibigan nito. Ang saya saya ko kasi sa akin na napunta ang mga kaibigan ni Jacob. Hanggat sa nahiwalay na siya ng section sa amin, tho 'yon naging masaya ako sa resulta ng ginawa ko pero in the end nagsisi ako sa ginawa ko kay Jacob.
Every sides may mali at lalo naman ako kasi sinira ko friendship nila.
At ang pagiging copycat ko kay Sarah, oo inaamin ko na, na kung anong meron si Sarah ay gusto kong meron din ako kasi ayokong napag-iiwanan ako.
Umabot sa ilang taon na hindi ko na napagti-tripan si Jacob at kapag nakikita ko naman ito na kasama 'yong mga kaibigan niya ay nagsisisi ako bigla. Gusto kong mag-sorry at makipagkaibigan sa kanya pero pinipigilan ako nila Sarah at mga kaibigan pa nito hanggat sa hindi na lang ako gumawa ng move dahil ayoko na rin. Nagsawa na ako.
Kasi hindi ko alam na may konti na palang namumuong feelings ako para sa kanya kaya ko ba nagagawa 'yon? Hindi naman 'no? Kakaiba lang talaga no'ng makita ko siya. Pero ngayon, blanko na talaga siya sa isip ko at hinding hindi ko na siya iisipin.
Ang lahat ng ginawa ko sa kanya ay isang bugso lamang ng damdamin at hindi ko na muli gagawin 'yon kasi in the end, ako rin ang mahihirapan. Wala akong tiyaga magkaroon ng kaibigan dahil ang alam ko lang magpasikat. Pasensya na dahil nasaktan ko siya, pasensya na dahil masaya ako kapag napagti-tripan ko.
Sorry, Jacob. I don't mean anything and if you could hear what I'm saying right now, I don't know if you could forgive me. I wipe my cheeks because of tears falling from my eyes. So long, I guess I need to find myself.
BINABASA MO ANG
ELF
Novela JuvenilBoring, Nerd at kung ano ano pa ang pang-aasar na binabato kay Jacob ngunit para sa kanya, iniiwasan na lang niya ang mga ito para hindi na umabot pa sa gulo. Wala siyang friends na tinuturing. Loner ka nga tutuusin pero sa isang pagkakataon at pang...