Chapter 12

65 3 0
                                    

Chapter 12

Jacob,

Believe in yourself. Wag mo silang isipin kung minamaliit nila 'yong kakayahan mo. Gawin mo ang gusto mo. Still the best pa rin na sundin mo lang din sila, ikaw lang din mahihirapan.

Friends are best partners, ika nga. Pero minsan hindi sila ang nandiyan to support you kaya ikaw lang din ang makakasabi sa sarili mo na kaya mo.

Dont waster your time, thinking of what they said. Prove to them that they are wrong and you can do it. Believe in yourself, Jacob.

-Alyssa Mae

Paulit-ulit ko pang binabasa 'yong sulat na naka-ipit sa libro ko na galing kay Aly na nakasulat sap unit na graphing paper o kaya sa math notebook niya. Ilang beses rin akong napa-isip sa mga salitang nababasa ko. Bawat word ay may gustong parating sayo kaya kung iintindihan mo talaga ng lubos ang nakasulat ay makukuha mo rin naman kaagad. Atsaka tama rin naman si Aly, kung nandiyan nga ang mga kaibigan mo tapos gano'n ang nangyayari na dina-down nila ako. Siguro ang gagawin ko na lang ay sasarilihin ko na lang 'yong goal ko sa sarili ko. At kapag nalaman nilang successful ako sa ginawa ko, hindi na nila mamaliitin sa mga bagay na gusto ko. Kasi 'yon ang nakikita ko eh.

Parang wala silang tiwala sa kakayahan ko. Kasi una na nilang nakita sa akin ay 'yong walang laban, na akala nila walang alam tapos s amga quiz and exams ako lagi ang pinakamababa sa aming anim. Hindi naman ako nada-down pagdating doon lalo na noong ina-anounce na ang grading top 1 to 55 at nasa 40 lang ako tapos sila, nasa 20 sila Peter, Erika at nasa tens naman sila Grace, Rosefe at Sarah. Ginawa ko naman ang best ko, pero 'yong best ko hindi sapat para umangat ako.

Kaya parang iniisip nila sa akin, hindi niya magagawa 'yon, assuming lang 'yan.

Tingnan na lang natin sa future, kahit ako naman ay hindi sigurado pero ipu-pursue ko 'yon para mapatunayan sa kanila na hindi lang ako pang top 40.

Ngayon ay ang araw ng film showin namin. As usual magsasabay-sabay naman kaming anim papunta doon sa mall na gaganapan ng film showing namin.

Dahil medyo maaga naman ako nagising ay hinihintay ko na lang din si Erika na dumating. Kanina pa rin ako prepared at dahil abala ako sa pagi-intindi no'ng sulat na binigay ni Aly sa akin. Maya-maya lamang ay dumating na rin si Erika. Nagpaalam naman ako sa mama ko at kinuha ko naman ang bag ko na laman lang ay pera at pagkain.

"Kasabay natin si Elijah." Sabi pa ni Erika.

"Ha? Bakit?"

"Wala daw kasi siyang masasabayan, saka si Grace naman pumayag din sa kanya, so anong inaalala mo diyan?" ngisi pa ni Erika sa akin.

"H-ha? Wala naman." Buong paglalakad namin papunta sa bahay nila Grace ay tahimik na lang ako.

Ewan ko ba kung bakit nausbong na lang ng gano'n ang pagka-crush ko kay Elijah. Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na hindi naman mabilis ma-fall pero nang maka-encounter ko naman 'tong mga kaibigan ko at puro kapusuan din ang pinag-uusapan ay pati ako hindi ko na rin napigilang tumibok ang puso ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Hindi ko alam kung saan hahantong 'tong pagkakagusto ko sa pero sigurado naman ako na hindi ako niloloko ng feelings ko dahil sa pang-aasar nila sa akin. Kasi minsan sa tukso tayo nadadala eh kaya minsan hindi mo na rin mapigilan kaya natutukso ka nang sunggaban ang chance na 'yon.

Nang makarating naman kami sa bahay ni Grace ay nadatnan namin doon sina Peter, Rosefe at Elijah na ang nandoon.

Nakayuko lang ako dahil nahihiya akong makita si Elijah. Hindi ako nagsasalita kundi pinapanood ko na lang din sila. Nakikitawa sa mga usapan nila. At ilang saglit lang naman ay dumating na rin si Sarah na ngayon ay close friend na namin at hindi na niya ganoon pinapansin si Elaine dahil sa nalamatan na nito ang kanilang kuno friendship.

ELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon