Chapter 9
Tamad akong bumalik kahapon para balikan 'yong naiwan kong libro sa library kaya pinagpalipas ko na lang ng isang araw. Alam ko naman na matatabi 'yon do'n, kasi library nga 'yon, siguro malalagay lang sa ibang shelf 'yong libro pero may tiwala naman ako sa librarian namin at safe ang libro ko doon. Papasok na rin naman ako sa school ngayon, actually kasabay ko si Erika ngayon, as usual naman na ganito na ang routine namin araw araw. Ang sunduin niya ako tuwing papasok kami at sabay sabay kaming uuwi.
Noon feeling ko kinakaibigan lang talaga nila ako for some reasons pero hindi eh, sa bawat araw na 'yon doon ko nari-realize na, gusto talaga nila makipagkaibigan, gusto nila maka-gain ulit ng friendships mula sa ibang tao at alam nila na kapag nakipag-friends sila sa ibang tao na medyo opposite sa kanila ay madami sila matututunan doon.
Gaya ko, dahil sa iba iba ang personality nila ay marami akong natutunan kahit na minsan ay puso katuwaan lang ang ginagawa nila. Si Erika na maka-diyos na kapag may nagloko daw sa amin ay ipagdadasal niya daw niya ng buong araw tapos ito namang si Peter may pagka-ambition talaga sa pagiging dancer niya dahil ang mga galawan niya ay tipong sasayaw pa. Kukunin na lang 'yong ballpen na hiniram sa kanya ay kung ano ano pang kendeng ang gagawin. Si Grace naman na moody. Minsan masayahin, minsan snob at minsan hindi ka talaga papansinin so ang gagawin mo, lalayo ka sa kanya dahil baka ikaw pa ang mapagbuntunan niya ng galit.
"Saan ba tayo pupunta?" angal kong tanong kay Erika dahil papasok na lang kami kung saan saan pa kami dumadaan. "Hoy, ano, magka-cutting ka?"
"Baliw! Kila Grace daw muna tayo, para sabay sabay daw pasok natin."
"Talaga?"
"Oo!" tawa pa nito.
Hindi na rin naman ako nagsalita. Medyo malamig pa ngayon kasi hindi pa naman sumisikat ang araw kaya may lamig pa sa paligid. Ilang saglit lang din naman ay narating namin ni Erika 'yong bahay daw ni Grace. Tinawag namin mula sa labas si Grace pero hindi si Grace ang nagpakita sa amin kundi si Peter kaya tumuloy na rin kami papasok sa loob.
"Nasaan na siya?" tanong ko dahil si Peter lang nasa sala na nanonood ng tv.
"Nagbibihis pa lang." nguso pa nito.
"Ano, male-late na kaya tayo?" sabi ni ni Erika.
"'Yon nga eh, no'ng pagkadatin ko tulog pa siya at five minutes, ayon nagmamadali na siya."
"OMG lang." tugon pa ni Erika.
Hindi na rin naman ako sumabat. Napansin ko lang kay Grace na hindi siya ganoong aware sa kapaligiran niya. Alam naman siguro niya na may pasok kami at nakakaraan lang din ang minuto nang dumating si Peter so ang ibigsabihin, habang naglalakad kami papunta sa bahay niya ay naliligo pa lang siya. Nanghihinayang naman ako sa kanya. Siguro, 'yon ang defective sa kanya, lagi siyang nagpapahintay pero siya lagi ang active sa grupo pero nga kapag tinamaan ng ka-moody-han ay talo talo na.
"Sa wakas!" iritang sabi ni Peter dahil natapos na rin sa lahat lahat mag-ayos si Grace.
Kahit ako ay naiirita na sa kanya. Alam kong dapat may mabahala kanya kung ganito parati ang magiging wake up call time niya, siguro kailangan niya ng alarm clock para magising one hour before class hindi 'yong 10 minutes before class. Pabalik balik ang tingin ko sa relo ko habang sina Erika at Peter ay abala sa kanilang mga cellphone. Si Peter inaaliw ang sarili niya sa mga music siya phone niya habang si Erika naman ay kay Pou abala.
BINABASA MO ANG
ELF
Teen FictionBoring, Nerd at kung ano ano pa ang pang-aasar na binabato kay Jacob ngunit para sa kanya, iniiwasan na lang niya ang mga ito para hindi na umabot pa sa gulo. Wala siyang friends na tinuturing. Loner ka nga tutuusin pero sa isang pagkakataon at pang...