Chapter 15

63 2 0
                                    

Chapter 15

Library was my home when their home was the canteen. Limang buwan na ang nakalipas at tuluyan na nila akong hindi pinapansin. Sa tuwing magkakaroon ng groupings kahit anim ang members, si Elaine ang kinukuha nila. Wala naman akong magawa kundi sumama sa ibang grupo na medyo ayaw din sa akin. Wala naman silang magagawa dahil sila naman ang mapapagalitan bukod sa akin.

I've never been expected so much worst. Akala ko 'yong tipong magtatampo lang sila sa akin at lilipas din ng ilang araw pero ngayon na lumipas na nang limang buwan. Nagsawa na rin ako na umasa na makikipag-ayos sila sa akin lalo na't kampi nila si Elaine.

"Jacob, hindi ka pa ba babalik sa classroom niyo?" tanong sa akin ni Aly na ngayon ay kasama ko na naman sa library. "Pansin ko rin na hindi mo na nakakasama 'yong mga kaibigan mo?"

Napansin din pala ni Aly 'yon. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya bago ko i-kwento sa kanya ang mga nangyari. Sa limang buwan na hinintay kong baka isang araw, pagpasok ko na lang ng classroom ay bumalik ang pakikitungo nila sa akin pero nauubusan lang ako ng gana kapag iniisip ko pa 'yon kaya sumuko na lang dahil wala na naman akong aantayin pa.

Noong mga panahong 'yon, pinapakita kong masaya ako kahit hindi dahil hinahanap-hanap ko na 'yong saya na nabuo naming makakaibigan eh tapos masisira lang kasi sa isang pagkakamali.

"Aww, I'm sorry to hear that, Jacob." Aniya. "May fault ka rin naman at sila rin meron pero kasi masasaktan din ako kapag sinabihan ako ng gano'n. Wala nga akong naririnig sa William na pinagsalitahan niya ako ng gano'n." she smiles. "siguro, mag-sorry ka na lang din sa kanila. You know you're wrong din naman eh, so make a move. Alam kong mas magiging masaya ka kapag kasama mo sila kaysa sa mag-isa ka at gumagawa ng sariling mundo sa pagbabasa mo."

"Paano ko naman gagawin 'yon, hindi na nga nila ako pinapansin ni lumapit lang ako sa kanila akala mo may nakakamatay akong sakit. Hindi ko alam kung bakit naging ganyan na ang pakikitungo nila sa akin." Pinigilan kong 'wag maiyak. "Salamat na lang Aly pero mukhang hindi ko na rin kayang ibalik ang tiwala ko sa kanila. Sinira nila 'yon."

Hinawakan naman ni Aly kamay ko, at bahagya naman niya kong nginitian. Maya-maya lang din may naramdaman akong kung anong nilalagay niya sa kamay ko at nang alisin niya ito ay may crumpled paper naman ang nakita ko.

"Alyssa, may klase na tayo." Napatingin naman kami kay William na kadarating lang para sunduin si Aly, "Hi Jacob!" bati naman nito sa akin.

Nagawa ko na lang din naamn tumango at nagpaalam din naman sa akin si Aly at tuluyan na naman akong nag-isa. Binuklat ko naman ang crumpled paper na binigay nito at sa akin, may bakat ng mga tinta ng ballpen kaya sigurado ako na may nakasulat na naman dito.


Jacob,


I've always seen you sad and alone. What's the problem? Everytime that you were in the library, I want to ask what is it. Ano nga bang problema mo? Gusto ko sanang malaman at matulungan ka, ayoko namang tanungin dahil baka sabihin mo masyado na akong feeling close sayo tapos tatanungin ko pa problema mo. Pero one thing lang talaga ang napapansin ko, you weren't with your friends? Why? Could I know the reason? Alam mo maraming tao ang dumadaan diyan sa point of being alone and depressed pero isipin mo na lang na sila ang naging instrument para maging ganito ka ngayon na nakikipag-usap sa ibang tao. You were a good friend, Jacob. Honestly dahil 'yon ang nakikita ko sayo. Find yourself, Jacob. Kung sila ang dahilan ng kalungkutan mo. Talk to them, alam kong may mas dahilan din sila. Nalulungkot lang din ako dahil sa nangyayari sayo.

ELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon