Chapter 5

135 7 0
                                    

Chapter 5

"Jacob! Wait mo 'ko ha? Dadaanan kita!" text ni Erika sa akin. Alam na niya kasi bahay ko. Sinundan niya ako noong nakaraan tapos sinabi niya sa akin na sabay na daw kaming papasok sa first day of class—na actually ngayon na 'yon. Magkaklase naman kasi kami eh kaya pumayag na rin naman ako.

            Medyo nakakagaanan ko na siya ng loob. Hindi ko na rin siya masyadong nilalayuan pero kapag may ibang lalapit sa kanya o kakausap man lang. Lumalayo na talaga ako kunyari pero ang totoo nahihiya pa rin ako lalo na pag tinatanong nilang sino ako, tapos ang isasagot ni Erika, friend ko tapos magre-react naman 'yong nagtanong na  parang ako, may friend? Astig.

            Handa na rin naman ako sa first day of class namin dahil mga bagong kaklase na naman ang makakasalamuha ko lalo pa na napunta pa ako sa higher section.

            Maya-maya lamang ay may nag-doorbell at nang sumilip naman ako sa pinto ay nakita ko naman doon si Erika at nakaway-kaway pa sa akin. Kinuha ko naman ang bag ko at muling tumapat sa salamin. Maayos ka na Jacob. Wag ka lang magpapatalo.

            At nang lumabas naman ako ng bahay ay nagsimula na rin kaming maglakad na dalawa. Walking distance lang ang layo ng bahay namin sa school even siya rin naman ay malapit lang naman pala ang bahay sa amin kaya no worries na daw kaya lagi na daw niya akong susunduin. Edi okay, atleast hindi na ako loner.

            "Sana maging maganda first day natin 'no?" aniya.

            Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

            "Ano? Pipi ka na naman? Bawal tahimik sa first day, naku 'yan ang sinasabi ko sayo." Aniya.

            Bahagya naman akong natawa at napailing sa sinabi niya. Sanay namana kong hindi nagsasalita o tahimik lang sa isang gilid. Dahil dati pa man hindi na ako madaldal na tao. Wala ata akong ka-talkative sa sarili ko dahil mismong pagtatanong lang nahihiya pa ako.

            I have to change what I'm now.

            "Oh? Ano, di ka na nakapagsalita?"

            Nginitian ko na lang siya, "ano ba kasi 'yon?"

            "Wala lang, I want you to make friends kaagad sa first day natin. Hindi 'yong ako lang kaibigan mo, hindi naman sa pinipilit kita pero try mo, masaya 'yon." Aniya.

            Hindi na naman naalis ang mga kurba sa labi ko dahil sa sinabi niya. Siguro nga, it is good for me to earn friends rather than make myself alone for the years. Oo boring kapag ikaw lang mag-isa, at doon din nabuo 'yong mga pang-aasar nila sa akin na boring guy. Kahit naman mag-isa ka o wala kang kaibigan, may mga way naman kung paano magiging masaya eh. Kung sila talaga ang way para maging masaya ka, try to encounter people. Gano'n lang 'yon.

            Nang makarating naman kami sa school ay parang bago na naman ako dito. Ganito na naman 'yong feeling ko na parang naninibago na naman ako, na-feeling ko hindi ako belong dito. Kinakabahan ako na ewan. Ewan ko pero ganito lagi ang feeling ko kapag first day of classes, 'yong mga mata ng mga magiging kaklase mo na nakatingin sayo. Hindi mo ba alam kung anong gustong pakita sayo.

            "Oh, bakit parang kabang-kaba ka diyan?" tanong sa kin ni Erika.

            Napahawak naman ako sa dibdib ko saka napangisi, "h-hindi ko alam, ganito lang siguro talaga ako kapag unang pasok."

            "Sus! Dapat hindi mo na iniintindi 'yan. May friend ka na naman diba? No worries na 'yan. Hindi ka na mao-op."

            Kahit hindi ko naman siya maging kaibigan ay OP pa rin ako.

ELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon