Chapter 4

181 5 0
                                    

Chapter 4


I'll have to do lot of things dahil malapit na ang pasukan. Simula noong malaman ko ang section ko at malaman na mga kaklase ko pala sila Erika, Peter, Grace at 'yong dalawang babae na nabunggo ko pero kung maka-asta sila pa 'yong nasaktan. Masyado lang atang mataas ang mga pride lalo ni ate horse.

            Nandito ako ngayon sa National Bookstore para mamili ng mga gamit ko sa pasukan. Maaga akong namili para hindi makaistorbo sa akin kapag malapit na ang pasukan dahil kapag nagkataon ay magkakaubusan naman ng gamit. After kong mag-ikot ikot ng mga notebooks, ballpens and such na kailangan ko ay tumungo naman ako sa section ng mga libro. Ito na ang the best feeling na pinupuntahan ko kapag nasa bookstore ko, kung pwede nga lang mag-stay dito ng buong araw at titigan lang sila. Dito na lang ako pero hindi. May bayad at mall hours sila kaya hanggang hawak at titig lang sila.

            Kahit na 'yong mga nabibili ko naman na libro ay hindi ko mabasa ng agad agad pero kapag nakikita ko naman sila sa shelf ko ay halos hindi ko na mapigilan ang mga ngiti dahil para ko na silang babies. Because I'm a loyal reader of lovestories, dystopian novels ay sinusubukan kong magre-search research for something new na ako ang gagawa.

            Yes, someday I want to be an author. Just like, John Green, Veronica Roth, James Dashner and so other author and especially, ang online author na binabasa ko ang works niya na si Jonaxx. They are my inspirations kaya naiisip kong gumawa rin ng story kaso hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Haay.

            "So you're a bookworm." Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko at nang makita ko si Erika sa tabi ko ay agad akong lumipat ng pwesto pero hindi niya talaga ako tinantanan kundi sinundan niya lang ako. "Teka Jacob, may nakakahawa ba akong sakit para layuan mo? I don't get you. You talk to the other students but me, hindi, namimili ka ba ng kinakaibigan mo? Tell me." Diretsyo nitong tanong sa akin.

            "No, not what you think, maybe I can't still get what you want."

            "Wait? 'Yon lang ba..." natawa siya ng sandali, "edi okay, paulit ulit ko na nga sinasabi eh, I want to be my friend! Mahirap bang intindihin 'yon?"

            Umiling ako, "but you always following me."

            "Kasi nga sa iba, mabilis kang makausap."

            "Pero nagkakamali ka, iniiwasan ko rin sila."

            "Kasi?"

            "Kasi ano..."

            "What?"

            "Nahihiya ako." Napayuko na lang ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa sinabi ko kasi totoo naman. Nahihiya ako. Wala akong guts sa mga tao, even sa mga relatives ko din na kapag nandiyan sila ngiti lang nila ang nakukuha nila sa akin. Akala nga nila, pipi ako pero that's me, ewan ko na lang kung magbabago pa in the near future. Siguro, oo. Malay natin. No one can predict what will happen, tomorrow or in another day.

            Bumuntong hininga naman ako at dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para makita ko siya.

            "Bakit hindi ka tumatawa? Bakit hindi mo ko inaasar? Bakit hindi mo pa ako kinakantyawan? Sige, go lang. Tanggap ko naman." Buntong hininga ko pa.

            "Alam mo..." naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko at halos halo halong ekspresyon ang bumalot sa mukha ko dahil sa ginawa niya. Dapat ang ginagawa niya ngayon ay tinatawanan niya ako, inaasar  pero hindi 'yon ang inaasahan ko.

ELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon