Chapter 14
Isang buwan ang nakalipas simula ng magsimula ang galit sa akin ni Elijah dahil sa nangyari sa amin noon sa sinehan which is hinalikan ko siya sa noo noong tulog pa siya. Nababasa ko nga noon sa blogs eh, ang sweet nga daw ng mga kiss na gano'n dahil parang respect na rin 'yon sa babae pero para sa kanya nawala'yong respeto sa kanya kasi hinalikan ko daw siya habang tulog. Mas big deal pa sa nangyari between Erika and Peter na hanggang ngayon, wala pa rin kaming alam na way kung paano sila magkakabati pero ayos naman kapag magka-kasama kaming anim, 'yon nga lang ay hindi sila nagpapansinan.
"Grabe naman!" naagaw ang atensyon namin dahil sa sinabi ni Elaine. Nagbago na kasi ng seating arrangement which is nasa first row na siya at nasa second row pa rin ako tapos ito namang mga kaibigan ko ay magkakasam pa rin sa isang row dahil inayos 'yon ayon sa top standing namin. Lagi naman akong mababa sa kanila kaya lagi ako ang kulelat.
"Kaya nga eh!" dagdag pa na sabi ni Elijah.
Simula nang mangyari 'yon, parang naging nobody na naman ako. Mga kaibigan ko na lang din ang pumapansin sa akin tapos ito namang iba naming mga classmate ay kung makatingin sa akin ay pinandidirihan ako. Nakakainis lang dahil sa issue na 'yon, bumaba na talaga ang tingin nila sa akin at hindi ko na alam kung paano ko pa ulit maia-angat ang confidence ko sa sarili ko na noon ay na-build up ko na pero lalong bumaba kapag alam mong may taong handa kang hilain kaysa tumaas ka pa.
Hanggat sa nilapitan nila ako at nasa harap ko na si Elijah at Elaine.
"Totoo bang sinabihan mo si Elijah na malandi?" diretsyong tanong sa akin ni Elaine.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Elaine dahil hindi ko alam kung paano, bakit at kanino niya nalaman 'yon. Lubos ang pagtataka ko dahil paano niya nalaman 'yon? Wala na naman akong pinagsabihan na iba kundi si Erika lamang. Nakakapagtaka.
"Totoo ba?!" galit na pasaring nito sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero nagsisimula na akong maiyak.
"Ano Jacob! Sabihin mo!" tulak pa ni Elijah sa braso ko.
"Oo sinabi ko." matigas kong sabi nakayuko na ako at patuloy na pagtakas ng mga luha ko sa mata ko. "Malandi naman talaga siya eh."
"Aray!" sabi pa ni Elijah.
"Grabe ka naman Jacob, babae 'yong sinabihan mo nang malandi? Tama nga sila, you're heartless. Wala ka naman kasi talagang alam eh. Wala ka naman talaga kaibigan for real. Alam mo 'yon? Backstabber ka rin minsan. Kaya lahat ayaw ng makipagkaibigan sayo." Hindi ko na talaga mapigilan ang pag-iyak dahil sa mga sinasabi nila sa akin. Hindi ko rin magawang magsalita dahil natatakot ako. Napalingon ako kila Erika, Peter, Sarah at Grace maging si Rosefe ay tuwang tuwan at sabay sabay na inirapan nila ako.
Bakit ayos na si Peter at Erika?
Napadukmo na lang ako sa upuan ko at umiiyak pa rin.
"Sorry Jacob pero babae rin ako, nasaktan ako ng sabihin mo kay Elijah 'yon." Rinig kong sabi ni Erika.
"May tinatago ka palang attitude Jacob." Dagdag pa ni Sarah.
Naramdaman ko ang pag-alis nila sa paligid ko dahil medyo dumadaloy na rin ang hangin sa paligid ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang damdamin ko na maiyak ako. Hindi ko alam kung anong isiipin ko. Naloko ba ako? Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat. Hindi ko akalain na magiging ganito ang kakahantungan ko.
Si Erika rin ang nagsabi kila Elijah.
Gano'n pala sila. Parang nakakaubos na talaga ng tiwala sa mga taong nakakasalamuha mo. Akala mo makakasama mo na sila sa kasiyahan mo pero sila rin pala 'yong babawi no'n sayo at iiwanan ka nilang umiiyak sa gilid. Naloko, niloko ako, feeling ko lahat sila ayaw talaga nila sa akin.

BINABASA MO ANG
ELF
Teen FictionBoring, Nerd at kung ano ano pa ang pang-aasar na binabato kay Jacob ngunit para sa kanya, iniiwasan na lang niya ang mga ito para hindi na umabot pa sa gulo. Wala siyang friends na tinuturing. Loner ka nga tutuusin pero sa isang pagkakataon at pang...