Chapter 7
Breaktime at dakilang tambay na naman ako sa library para magbasa. Iniwan ko silang tatlo sa canteen dahil ang iingay nila at hindi ako makapagconcentrate sa kanila. Pangalawang araw pa lang ng klase, ramdam ko na 'yong kaibigan na sinasabi nila sa akin. Feeling ko belong na ako sa kanila, 'yong sa tuwing aalis ako sa grupo nila sila naman itong hahatakin ako.
"May nakaupo dito?" tanong sa akin ng isang babae. Hindi ko na siya tiningnan dahil busy ako sa pagbabasa ko at nang mapansin ko naman na naupo na siya sa silya sa harapan ko ay bahagya naman akong napatingin sa kanya. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang tinamaan ata ako.
Nang mapunta sa akin ang paningin ay binalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa ko at tinakpan ko pa ang mukha ko. Narinig ko naman ang hagikgik nito kaya napapikit na lang din ako. Hindi ko alam kung anong nafi-feel ko ngayon, may kung ano siya tiyan ko na umiikot na hindi ko malaman. Parang gusto kong tumadyak na parang kabayo na lang nang bigla pero kailangan kong magtimpo.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Umayos ako at binaba ko na muli ang libro at nilapag ito sa harapan ko. Nagpangalumbaba ako para medyo makita ko naman siya. Nakatingin na ako sa kanya all the time at kapag mapapatingin naman siya sa direksyon sa tuwing maglilipat siya nang page ay ako naman itong babaling sa libro na binabasa ko.
"Hoy! Jacob!" napaiktad naman ako dahil sa kanilang tatlo.
Nang lingunin ko naman 'yong babaeng 'yon ay humagikgik siya kaya napangiwi na lang ako sa kanilang tatlo na may dala dala pa ring mga pagkain, wala talaga silang pakelam kahit may signage na no food and drinks allowed in the library at mabuti nakalusot pa ang mga ito.
"Kanina ka pa namin hinihintay." Angal ni Grace.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Magta-time na kaya, balik na tayo sa classroom." Sabat naman ni Peter.
"Gano'n ba? Bawal ba mag-extend." Ngiwi ko pa sa kanila.
"Ay? Ayan ha! Bakit ano 'yan Jacob! May nase-sense ako ha!" tawang nakakaloko pa ni Peter.
Nanlaki naman ang mata ko at inilingan ko silang tatlo, "W-wala ah! Tara na nga!"
"Siya ba?" turo pa ni Erika nang hindi nahahalata.
"Anong siya?" tanong ko pa.
"Crush mo, ayiie!" hanggat sa nangantiyaw na sila sa akin. All the time pala nakatingin na sa amin 'yong babae na kaharap ko kaninang magbasa kaya ako na ang lumabas ng library para hindi na nila malaman pa.
Nakakahiya! Mas lalo akong nahiya sa ginawa nila.
"Nice! Jacob! May friends na may crush pa!" tawang tawa pa na sabi ni Erika.
"Crush ka diyan? Hindi 'no!" irita kong sagot sa kanya.
"Sus!" tusok ni Grace sa tagiliran ko pero lumayo agad ako sa kanya, "naku ha! Friends before lovers muna." Ngisi pa nito.
Friends before lovers? May rules bang gano'n.
Nauna akong bumalik sa room dahil hindi talaga nila ako tinigilan sa pang-aasar nila sa akin. Ayon 'yong tipong hindi ako napipikon kundi ibang feeling ang nararamdaman ko. Hindi sa inis o kung ano man. Feeling ko, crush ko nga yata 'yon. Pero bakit ngayon lang! Nang makapunta naman ako sa row namin at nakita ko si Rosefe doon na busy pa rin sa cellphone niya at nang mapansin niya ako ay nginitian niya ako. Gano'n din naman ako, nginitian ko rin siya.
BINABASA MO ANG
ELF
Roman pour AdolescentsBoring, Nerd at kung ano ano pa ang pang-aasar na binabato kay Jacob ngunit para sa kanya, iniiwasan na lang niya ang mga ito para hindi na umabot pa sa gulo. Wala siyang friends na tinuturing. Loner ka nga tutuusin pero sa isang pagkakataon at pang...